Nang makabawi ay binigyan ko sya ng masamang tingin. "Tumahimik ka nalang kaya?" Sabi ko.

"Seryoso nga... Ako nalang ang magpapakain sa'yo. 'Yong sa'kin nalang ang kainin mo, may hotdog din naman akon----"

"KIB!" Nanlalaki ang mga matang sigaw ko. Sh-t! Anong pinagsasabi nito?

"What?" Inosenteng tanong nya. "May hotdog din naman ako----- sh-t! Sh-t! Sh-t!" Aniya tyaka kinagat ang kanyang pang-ibabang labi at diretso akong tinitigan. "Sinabi ko ba talaga 'yon? Argh!" Anito sabay gulo ng kanyang buhok. "Nevermind." Anito bago ako tinalikuran at nagsimulang maglakad. Tumigil din naman sya at muli akong binalingan ng may namumulang mukha. "Susubuan pa rin kita." Anito tyaka tuluyang umalis.

Seriously? Ano'ng nangyare? Heck!

Nang makabalik ako sa hapag ay nakapwesto na si Kib sa tabi ng inokupa kong upuan kanina. Nagdadalawang isip man sa pagtabi sakanya ay ginawa na lang.

"Nasaan si mommy?" Tanong ko ng makaupo ako. Pakiramdam ko ay nabawasan ang naramdman kong kaba kanina. Bigla akong naging kalmado sa presensya nya.

"Sa taas, magpapalit lang daw." Sagot nya.

"Nasaan 'yong plato ko?" Muli ay tanong ko kasabay ng paglingon ko sakanya. Ang panget naman kung magtatanong ako ng magtatanong kung hindi ako titingin sakanya, hindi ba?

At kailan mo pa naisip 'yan, Rory? Hindi ba kanina lang parang wala ka sa sarili? Whatever! Ahg! Ano nanaman ba?

"Ito." Aniya sabay ng bahagyang pagtulak ng plato nya sa harap ko.

Tumaas ang kilay ko sa ginawa nya.

"I'm serious." Anito.

"Sino ka?" Tanong ko.

"Asawa mo." Confident na sagot nya.

"Asawa?" Tanong ko.

"Oo. Hindi ba, pantasya mo naman ako? Aarte ka pa ba?" Ngingisi-ngising anito. "Tyaka ganon nababasa ko sa Facebook at Twittah, asawa nila 'yong favorite character o author na gusto nila." Dugtong pa nya.

"Ano?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Pantasya mo ako. Asawa." Pag-uulit nito sa sinabi nya.

"What? You-----" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng isubo nya sa'kin 'yong hotdog gamit 'yung tinidor.

"Kumain ka na, aalis na rin kase kami ni tita maya-maya... Hindi kita pwedeng iwan ng kumakain." Anito.

Kukuhain ko na sana 'yong tinidor sa pagkakahawak nya ngunit tinabig ng loko ang kamay ko. Kaya kahit may laman ang bibig ko ay hindi ko mapigilang magsalita.

"Hhhoy! Shinho kha phawa gh----"

"Itatali kita o pipirmi ka? Hahalikan kita o tatahimik ka?" Pagputol nya sa'kin.

Sasagot pa sana ako ngunit inunahan nya ako sa pagsasalita.

"French ang gagawin ko, maniwala ka... Hindi ko titigilan 'yang labi mo." Anito.

Hindi ko mapigilang manlaki ang mga mata sa tinuran nya. Maging ang paglunok ko ay biglaan, pero hindi gaya kanina na nakamamatay.

"Good." Anito bago itinapat ang kutsarang may lamang kanin at ulam sa bibig ko. "Magsalita ka kung gusto mong mabusog sa ibang paraan." Anito.

D-mn it! Ganto sya? Ganto si Kib? Ganto sya? Ganto ba talaga sya? What the hell? Why are you doing this? What the hell KnightInBlack?

"Ibubuka mo ang bibig mo o ako na ang gagawa ny-------"


"Why are you doing this?" Kapos ang paghingang tanong ko.



Ngunit wala akong nakuhang sagot. Sa halip ay mabilis syang lumapit sa'kin para sakupin ang labi ko. Mabilis lang 'yon, tyaka sya lumayo ng bahagya sa'kin.

Tinitigan nya ako ng mata sa mata, matapos ay kitang-kita ng dalawa kong mata ang pag-inspeksyon nya sa mukha ko bago muli akong tignan ng diretso sa mata.

"I love you... I love you, Rory." Aniya bago muling sakupin ang labi ko na napaawang dahil sa sinabi nya.

Ramdam na ramdam ko ang ginagawa nyang paghalik, ang bawat paggalaw ng labi nya sa labi ko. Dahan-dahan. Puno ng isang emosyon na hindi ko makilala.

"D-mn it... Kiss me back, babe." Kapos ang hiningang utos nya sa pagitan ng paghalik sa'kin. Ramdam ko ang ginawa nyang paghawak sa batok ko.

Hahalikan ko pa lamang sana sya pabalik ngunit mali na ang nagawa ko! Shookt! Nakakahiya!

Lumayo ako sakanya.


Nakagat ko sya!



"Ano?" Napapangusong aniya.

"I don't know how to kiss." Wala sa sariling usal ko.

Mukhang nabigla sya sa sinabi ko dahil bahagya pa syang napalayo sa'kin at may mga nanlalaking matang tinitigan ako.

"I'm your first." He stated. "I'm your first." Ulit pa nito na mahihimigan nang pagkatuwa sa boses. "Am I?" Paninigurado pa nito.

Nag-iwas ako ng tingin. Kailangan pa bang itanong 'yon? Mukha ba akong nagpapahalik ng basta-basta? Sh-t! Nagpahalik ka ng basta-basta kanina lang Rory! Kanina lang! Ahg! Sh-t!

"Huy! Ano na? Ako nga?" Pangungulit pa nito.

"Rory... Nanggigigil ako sa labi mo, babe."

Babe. Napapikit ako ng mariin. Nagwawala nanaman ang nasa loob ko. Kinukulang nanaman ako ng hangin.

"D-mn it! Mas nakaka-in love, Rory..." Komento pa nya.



"Raze! Aalis na tayo!" Sigaw ni mommy.

"Susunod na po, tita!" Mabilis na sagot naman ng katabi ko. "Aalis na kami, aayusin natin 'to mamaya." Pagpapaalam nya na ramdam kong tumayo na. "Liligawan ko muna ang mommy mo, ah?" Aniya bago ako nakaramdam ng halik sa noo ko.








Itutuloy...





Ate Anj: Paano ba 'yan? Epilogue na ang kasunog. ❤ Nakatapos ako ng isa! Salamat sa mga patuloy na magbasa!

Pwede ba akong humingi ng favor? Pwede nyo rin bang suportahan 'yong bago kong Published Story? Title: Diplos University, Genre: Mystery / Thriller / Romance. SALAMAT!

Shoutout kay AspeinSkye / Sheiyree Mhay! 😊 Hello~ lol Salamat sa BC's. Lovelove. ❤

MAG-IWAN NG KOMENTO PATUNGKOL SA HULING NABASA. SALAMAT!

His Reader (A KnightInBlack Fan Fiction)Where stories live. Discover now