KABANATA 7 - Bahagi 4

Start from the beginning
                                    

             Maya - maya ay dumating si Great Thorn kasunod naman si Scarlett. Nakaparada kasi ang sasakyan ni Great Thorn sa harapan ng kastilyo ni Apollyon. Nakita iyon nina Valentina at Apollyon. Napansin ni Valentina na may kakaiba sa kanilang dalawa. Totoo ngang may kakaiba kina Scarlett at Great Thorn. Nakasunod lang si Scarlett sa likuran ni Great Thorn patungo sa sasakyan. Kasunod nila ay si Kieran na agad namang lumapit kay Scarlett.

"Scarlett, gusto mo bang sumakay sa sasakyan ko?," paanyayang tanong ni Kieran sa dalaga na katabi na niya sa paglalakad.

"Ah ----," saad ni Scarlett na agad dinh naputol.

"Hindi pwede ... sa akin siya sasakay," seryosong saad ni Great Thorn na nakatingin kay Kieran.

             Bigla na lamang hinawakan ni Great Thorn si Scarlett sa kamay. Mahigpit ito ng may halong pag - aangkin. Kitang - kita ni Kieran kung papaano hawakan ng kanyang pinsan ang dalaga. Tila ito ay nagpapahiwatig na kay Great Thorn lamang si Scarlett. Lumingon si Scarlett kay Kieran at sumenyas ng kapatawaran. Ngumiti lamang ng mapakla si Kieran. Hindi niya inakala na mangyayari ito.

             Nang na nasa harapan na sina Great Thorn at Scarlett sa sasakyan ay pinagbuksan ng binata ang dalaga ng pintuan ng kotse. Inilalayan ng binata si Scarlett papasok ng sasakyan. Mula sa di kalayuan ay napanganga ng bibig si Valentina. Nabigla siya sa inasal ng kanyang kapatid gayon din naman si Kieran.

"Himala! Ito nga yata ang hiwaga ng pag - ibig," masiglang saad ni Valentina.

"Mukhang magkakaroon ng gulo sa pagitin nina Thorn at Kieran," pangiwing saad ni Apollyon.

            Naunang umalis sina Apollyon at Valentina. Kasunod no'n ay si Kieran na nag - iisa sa sasakyan. Matapos no'n ay sumunod naman  sina Great Thorn at Scarlett. Sa loob ng sasakyan ay hindi pa rin kumalas sa pagkakahawak ang binata sa kanyang iniirog na si Scarlett. Gusto niyang mahawakan ang malambot nitong kamay. Gusto din niyang damhin ang init na bumabalot dito habang nakatingin sa dalaga. Hindi maikaila ng binata na masaya siya gano'n din naman si Scarlett sa kanya.

             Gaano man kasaya sina Scarlett at Great Thorn ay siyang kabaliktaran naman sa nararamdaman ni Beatrice. Naiwan siya sa palasyo. Wala din siyang sasakyan papunta sa kinaroroonan ng mga kasamahan niya. Buti nalang ay nandoon si Lorcan, ang isa sa hari ng Bezna (Dark World). Hambog ito kung tutuosin kaya nga hindi masaya si Beatrice na makita ito. Ngunit walang magagawa si Beatrice kung hindi ay pakisamahan si Lorcan.

             Dumating si Lorcan na napangiwi ang labi. Nabatid na ng binata kung bakit nandoon si Beatrice sa labas ng palasyo. Nilampasan lang ng binata si Beatrice sa paglalakad at pumunta sa kanyang sasakyan. Ang kanyang itim na sasakyan ay umiilaw ng bughaw na kulay mula sa ilalim ng gulong patungo sa harapan nito. May mga pangil na hugis ang harapan ng kanyang sasakyan na animo'y nanlalapa ng tao. Tila pangsasakyang karera ang kotse niya. Katulad nina Great Thorn, Kieran at Apollyon, ang sasakyan ay parang nasa modernong panahon.

(Ang larawang ito ay representanti lamang ng kagamitan sa kwento

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(Ang larawang ito ay representanti lamang ng kagamitan sa kwento.)

            Binuksan ni Lorcan ang pintuan ng sasakyan. Maangas siyang napatingin kay Beatrice na waring nang - iinsulto.

"Sasakay ka ba o hindi?," maangas na saad ni Lorcan.

"Aba sasakay ako no!," pagtataray na saad ni Beatrice kasabay ng pag - ikot ng kanyang mga mata.

            Napakrus ng braso si Beatrice papunta sa sasakyan ni Lorcan. Nakangisi lang ang binata sa kanya na parang may masamang binabalak. Hindi pa rin pumasok si Lorcan sa kanyang sasakyan. Nakatitig lang siya sa dalaga na agad ding ikinagalit ni Beatrice.

"Ano naman kaya ang plinaplano ng mokong na 'to," saad ni Beatrice sa isipan.

"Pasok na," saad ni Lorcan na agad pinagbuksan ng pintuan ng sasakyan si Beatrice.

             Nang akmang papasok na si Beatrice sa sasakyan ay agad nalang isinara ni Lorcan ang pintuan. Humalakhak ito ng malakas dahil sa panloloko sa dalaga. Dahil doon ay nagalit si Beatrice sa kanya dahil sa  masamang biro.

"Ano ka sineswerte," panlolokong saad ng binata.

"Nakakainis ka talaga!," pasigaw ni Beatrice.

"Mag - isa mong buksan 'yan," patawang saad ni Lorcan.

             Padabog na pumasok si Beatrice sa sasakyan at napakunot noo sa binata na hindi pa rin humihinto sa pagngiwi ng labi. Napipikon na talaga si Beatrice sa kanya. Nangunguna kasi sa panloloko ang binata lalo na kay Beatrice.
Napakrus ulit ng braso si Beatrice at napatingin kay Lorcan ng may halong galit.

"Ikaw na ang pinakabaliw na hari sa lahat!," pagalit na saad ni Beatrice.

"Hahaha! Ikaw naman ang pinakamasamang 'bitch' na nakita ko," patawang saad ni Lorcan.

"Baliw!," pasigaw pa ni Beatrice.

"Sabihin mo, ano ba ang masama mong plano? Bakit mo nga 'to ginagawa? Ah ... nabaliw ka kasi kay Thorn," pangiwing saad ni Lorcan.

"Wala ka ng pakialam sa mga plano ko," pagtataray na saad ni Lorcan.

"Gaano ba kasaya ang planong 'yan?," saad ni Lorcan.

"Sobrang kasayahan na halos sasaya ka na malulungkot si Great Thorn," sagot naman ni Beatrice.

"Marunong ka talagang magpaikot ng isip Beatrice," pangiwing saad ni Lorcan.

"Gusto mo bang sumali sa plano ko Lorcan?," masamang paanyaya ni Beatrice.

"Kung magtatagumpay ka sa plano mo bakit hindi ako sasali," sagot naman ni Lorcan na may binabalak ding masama.

               Sa kabilang dako, nakarating na sa destinasyon sina Apollyon at ang mga kasamahan nito. Plano ni Apollyon na mamalagi doon sa Tenebris (City of Dark) ng dalawang Linggo. Ang siyudad na iyon ay nasa liblib ng kagubatan ng Vestic Deces (Death in West) kaya maraming mga puno ang nakabalibot sa lugar. Gano'n pa man ay may malalim na balak din si Apollyon kung bakit niya pinaaga ang pagpunta doon  kasama ng mga pinsan niya. Iyon ay ang subukin kung hanggang saan lamang ang relasyon nina Great Thorn at Scarlett. Kung seryoso nga ba si Great Thorn sa dalaga lalo na't ang lugar na pinuntahan nila ay nababalutan ng mga magagandang babae na nang - aakit ng mga kalalakihan. Ito ay ang mga bampirang kababaihan na naging parausan. Makokontrol kaya ni Great Thorn ang pagiging agresibo sa mga babae gayo'y  malakas pa rin epekto ng asul na buwan sa kanya. Hanggang saan lamang kaya ang pagkakaroon ng relasyon ng binata kay Scarlett. Baka sa huli ay masasaktan lamang si Scarlett dahil sa kanya.

MYSTERIOUS VOICE 1: THE VAMPIRE KING'S MATEOn viuen les histories. Descobreix ara