KABANATA 9 - Bahagi 4

12.1K 303 14
                                    


Unti - unting nagbukas ang proteksyon ng Bezna (Dark World) sa init. Dahil sa pagkamatay ni lola Swara ay wala ng magpoproteksyon sa lugar upang hindi masunog ang mga bampira mula sa liwanag ng araw. Kapag nawala na ang proteksyon ay mamamatay ang lahat ng mga bampira. Iyon ang pinag - alala ng lahat kahit ang apat na hari. Ang pagpatay sa matanda ay isang napakalaking kasalanan na ang kaparusahan ay ang paghihirap at kamatayan. Nagpupulong pa rin sila sa silid bulwagan na nakasara ang lahat ng mga bintana at tinakpan ito ng makakapal na kurtina upang hindi pumasok ang kaunting liwanag.

"Ito ay malaking sakuna," saad ni Wattus.

Ito ang isinaad ni Wattus habang nakatingin sa apat na hari. Ang hindi alam ng apat na hari ay may tinatago si Wattus. Kaya nitong manipulahin ang mga pangyayari sa tubig. Kaya nitong baliktarin ang pangyayari upang maging makasalanan ang nilalang na inosente naman. Kung minsan ay maiisahan rin ang apat na hari. Ngunit ano kaya ang nag - udyok kay Wattus upang gawin iyon? Ano kaya ang kondesyong ibinigay ni Valentina sa kanya. Iyon ay nakapagtataka talaga.

Napatitig ang malaabong mata ni Wattus. Hinimas niya ang kanyang panga na may mga maliliit na balbas. Kung aakalain ay parang masamang tao ang wangis nito dahil siguro sa hugis ng kilay. Ngunit kung titigan ng maigi ay may hitsura naman ito sapat na upang magustuhan ng babae.

 Ngunit kung titigan ng maigi ay may hitsura naman ito sapat na upang magustuhan ng babae

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(Ang larawang ito ay representanti lamang ng tauhan sa kwento.)

Tila ay may iniisip si Wattus. Kahit sa magandang wangis nito ay may bumabalot na kasamaan sa kanyang puso at isipan. Nagtanong siya sa mga hari lalo na kay Great Thorn tungkol kay Scarlett.

"Ano na ang gagawin niyo sa babaeng pumaslang kay lola Swara?," tanong ni Wattus.

"Pahihirapan muna namin siya," saad naman ni Apollyon.

"Sa ngayon ay wala siyang kinakain o iniinom. Sapat na para manghina siya," saad naman ni Kieran.

"Mamayang tanghali ay paparusahan siya gamit ang mga kagamitang pangparusa," pangiwing sagot ni Lorcan.

"Hindi ako makapaghihintay na mahirapan siya," pagalit na saad ni Great Thorn.

Tiningnan ni Wattus si Great Thorn. Kitang - kita niya ang pagkamuhi nito sa dalaga na para bang masamang babae ang minahal niya. Galit ang namumuo sa kanyang mga mata. Hindi niya mapapatawad si Scarlett. Gagawin niya ang lahat masaktan lang niya si Scarlett. Ngunit sapat na ba 'yon upang maghilom ang kanyang sakit na nararamdaman? Nasasaktan siya dahil sa ginawa ng dalaga. Masakit iyon para sa kanya. Siguro ay maaatim niya na gawin iyon kay Scarlett.

Sa kabilang dako kung nasaan si Scarlett ay nakayuko ito at umiiyak. Nakasandal siya sa pader na lumuluha. Hindi niya alam kung saan pupunta ang kanyang kaparan. Hindi niya maiwasang isipin si Great Thorn. Ang binatang minahal niya ngunit kinamuhian agad siya. Ang binatang umikot ng mundo niya ngunit ito pa ang masayang mawala siya. Bakit gano'n ang ikot ng buhay ni Scarlett? Para bang gulong ang estado ng kanyang buhay na kung minsan ay nasa ibabaw siya at minsan ay nasa ilalim.

MYSTERIOUS VOICE 1: THE VAMPIRE KING'S MATEWhere stories live. Discover now