KABANATA 4 - Bahagi 4

15.9K 410 6
                                    


              Matapos kumain ni Scarlett sa hapag - kainan ng mga tagasilbi ay pumasok siya sa kanyang silid. Doon sa loob ng silid ay abot tanaw niya ang malaking taluhabang bintana na katabi lamang ng puting kama. Sa kaliwang bahagi ng kama ay may malaki at malakapeng kahon na lalagyan ng mga damit. Katabi ng malaking kahon ay ang maliit na malakapeng mesa na nilalagyan ng salamin at iba pang mga kagamitan. Maliit lamang ang silid na tila ay tinipid sa espasyo.

(Ang larawang ito ay representanti lamang ng kagamitan sa kwento

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(Ang larawang ito ay representanti lamang ng kagamitan sa kwento.)

             Napaupo siya sa kama at nakatitig sa bintana na wari ay may malalim na iniisip. Hindi niya napansin na may kumakatok pala sa pintuan ng kanyang silid. Bigla na lamang itong bumukas hanggang sa nadatnan na lamang ni Scarlett ang babaeng tagasilbi na tila ay nanginginig sa takot. Pawisan itong nakaharap kay Scarlett at maputla rin na halos hindi na kumakain.

"Pi ... pinapa tawag ka ng ha ... ri," manginig na sagot ng tagasilbi.

             Napansin ni Scarlett na tila ay may tinatakip ang tagasilbi sa leeg nito at mabilis din itong umalis sa kinaroroonan niya. Nagtaka si Scarlett kung bakit gano'n na lamang ang reaksyon ng tagasilbi na wari ay natatakot. Matapos ang pangyayaring iyon ay nagdesisyon ang dilag na pumumunta sa hari. Nadatnan niya ang binata na nakaupo sa trono. Nakita ni Scarlett ang kaakit - akit na wangis ng binata na sadyang nakakahalinang tingnan. Tinitigan niya ang maladagat at malaluntiang mga mata nito na wala man lang emosyong makita. Ito ay napakaamong tingnan na wari ay hindi gagawa ng masama sa kahit sino man. Tikom lamang ang magandang hugis na bibig nito habang nakasandal sa kinauupoan.

(Ang larawang ito ay representanti lamang ng tauhan sa kwento

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(Ang larawang ito ay representanti lamang ng tauhan sa kwento.)

             Napansin niyang nakatitig ang binata sa kanya kaya agad siyang yumuko at itinigil ang pagtingin sa binata. Hindi mawari ang kabang nararamdaman ng dalaga nang matingnan ang binata. Siya ay napatigas sa kinatatayuan na tila ay naging paralisado siya. Sinulyapan niya ulit ito ngunit nawala ang binata sa kinauupoan. Nakaramdam ang dalaga ng may kung anong humimas na malamig na bagay sa kanya mula sa kanyang likuran. Napalingon si Scarlett at nakita ang binata na humahawak sa kanya. Hinawakan ng binata ang braso ng dalaga at dahan - dahang tumungo ang kanyang dalawang kamay sa bewang nito. Hindi mapakali ang dilag dahil sa ginawa ng binata na nagdulot ng pagbilis ng pintig sa kanyang puso. Ang kanyang mga kamay ay hindi pumigil sa ginawa ng binata sa kanya na halos ang buong katawan niya ay sumusunod sa kung anong gustohin ng binata. Inilapit ni Great Thorn ang kanyang bibig patungo sa tenga ng dilag at bumulong ito.

MYSTERIOUS VOICE 1: THE VAMPIRE KING'S MATEWhere stories live. Discover now