KABANATA 6 - Bahagi 2

14.8K 414 9
                                    


               Agad nawala ang diwa ni Scarlett nang makita ang kanyang tito Roscoe. Hindi niya alam kung bakit ito nagpakita sa kanya ng matagal na panahon. Ngunit ang pagpapakita nito ay nagdulot ng pangamba kay Scarlett. Takot na hindi niya mapigilan. At ang nasa isipan ng dilag ay ang kapahamakan. Walang malay ang dalaga habang binubuhat siya ng lalaki palayo sa palasyo. Kinuha na nga siya ng masamang loob. Bukod sa pangyayaring iyon ay hindi ito alam ng hari maging si Kieran at Valentina. Ang nakatitiyak lamang ay plinano ito ni Alexa. Sinabwat niya ang isa sa mga tagasilbi ng hari upang atasan ito na papuntahin si Scarlett sa labas at gamitin ang pangalan ng hari. Ang paggamit ng pangalan ng hari ay may kaparusahang kamatayan. At ang ipinangako ni Alexa sa isang tagasilbi ay ang kaligtasan mula sa kamatayan.

          Ngayon ay masayang - masaya si Alexa sa kanyang ginawa. Hindi niya inisip ang kapahamakang idudulot niya sa pagbigay niya kay Scarlett sa masamang lalaki. Natupad na nga ang kanyang plano. Wala na ngang sasagabal sa kanya upang maging kanya ng buo si Great Thorn. Sobrang minahal niya ang binata at gagawin niya ang lahat upang mapasakanya ito. Hindi lang din iyon ang gusto niya, gusto niyang maging reyna nito. Gusto niyang maging kabiyak ang binata ng panghabang buhay.

              Tanghali ng araw ding iyon, dumating ulit si Valentina sa palasyo. Ang totoo ay mahilig itong pumunta kahit saan upang magliwaliw. Lakwatsera ito sa iba't ibang direksyon ng Bezna (Dark World). Kahiligan din niyang kulitin ang kanyang kuya kahit ito ay abala. Mabilis niyang pinuntahan ang kanyang kapatid sa malaking hapag kainan. Ingrande ang lugar na iyon at mahahalin ang mga kagamitan. Napapalibutan ang silid ng mga mamahalin at babasaging mga aranya (chandelier) na nakasabit sa kisame. Sa gitna ng silid ay may mahaba at malaking mesa  na kayang paupuin ang labing walong katao. Ang mesa ay natatakpan ng puting tela na may malagintong linyang desinyo sa dulo. Sa ibabaw ng mesa ay nakalatag ang mga bulaklak at kandila. Ang sahig makintab at malakape ang kulay.

(Ang larawang ito ay representanti lamang ng lugar sa kwento

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(Ang larawang ito ay representanti lamang ng lugar sa kwento.)

              Gayo'n na lamang ang pagkataka ni Valentina nang makapasok sa loob ng hapag kainan. Alam niya kasing doon namamalagi ang kanyang kapatid upang uminom ng dugong masarap sa panlasa. Nakaupo si Great Thorn sa dulo ng mesa at umiinom ng dugo na nakalagay sa basong alak. Ito ay babasagin na may gintong linyang nakapalibot sa ilalim na parte. Mayroon din itong mamahaling bato na nakadikit sa bawat gintong linya maging ang bote ay mayroon din. Ang bote ay napapalibutan din ng gintong linya na may mga mamahaling bato.

 Ang bote ay napapalibutan din ng gintong linya na may mga mamahaling bato

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
MYSTERIOUS VOICE 1: THE VAMPIRE KING'S MATEWhere stories live. Discover now