KABANATA 3 - Bahagi 1

18.4K 529 42
                                    

~~~•••~~~

MALAYO ang patutunguhan nina Kieran at Scarlett. Gamit ang itim na sasakyan ay tumungo sila sa Estic Deces (Death in East) kung saan namuno si Kieran. Sa lugar na iyon ay may mga kakaibang maamong nilalang ang naninirahan di tulad ng mga nilalang sa Nordic Deces na lubhang mapanganib.

Matapos ang anim na oras na paglalakbay gamit ang sasakyan na  binili ng binata mula sa Om Zona (Modern Country) na malapit lamang sa Sperca ay nakarating din sila sa Estic Deces (Death in East). Sa pagdating nila sa Estic Deces (Death in East) ay nilibot ng dalaga ang paligid gamit ang kanyang mata. Sa kinaroroonan nila ay nakita niya ang napakalaki at napakahabang pader na yari sa matibay na semento. Ang pader na iyon ay nakapalibot sa buong paligid ng Estic Deces (Death in East).

Hinawakan ng binata ang napakalaking sementong pinto mula sa pader. Nang mahawakan niya iyon ay biglang bumukas ang pinto. Pumasok sila sa loob matapos bumalik sa sasakyan. Sa loob ng Estic Deces (Death in  East) ay nakita ni Scarlett ang paligid. Ito ay napapalibutan ng malabughaw at malaluntiang dagat.

Dahil sa kulay ng dagat ay nagbigay ito ng makapal na bughaw na kulay upang hindi makita ang mga magagandang bahura ng mga bulaklak na bato (corals). Nakatirik sa dagat ang mga isla at malalaki at nagtataasang mga bato. Sa tuktok ng mga bato ay may mga malalaking bahay. Ang kalangitan sa lugar na iyon ay malarosas, malakahil, at malabughaw na kulay sa kadahilanang papalubog na ang araw sa oras ding iyon.

 Ang kalangitan sa lugar na iyon ay malarosas, malakahil, at malabughaw na kulay sa kadahilanang papalubog na ang araw sa oras ding iyon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Ang larawang ito ay representanti lamang ng lugar sa kwento.)

Sa harapan ng kanilang sasakyan ay may malapad at mahabang daanan na kung titingnan ay hindi malalaman kung ano ang makikita sa dulo nito. Ang daanan na iyon ay nasa gitnang bahagi ng dagat at sa kanan at kaliwang bahagi ay ang mga isla at mga bato. Nakalutang ang napakahabang daanan na iyon sa dagat na parang lumulutang sa ere.

Dumaan sila sa tulay habang nakasakay sa itim na sasakyan. Dumungaw ang dalaga sa bintana upang makita ang paligid na kinaroroonan nila. Sa pagdungaw niya ay nabigla siya sa kanyang nakita. Sa mga mababaw na bato na kayang apakan at abutin ng ordinaryong tao ay nakita niya ang serenang nakaupo doon. May mga serena ding nakaupo sa iba't ibang mga mababang bato.

Ang mga serena na iyon ay may mga buntot na nagsisilbing paa nila sa dagat. Ang kanilang katawan ay nababalutan ng kulay abo. Ang dibdib nito ay walang utong (nipples) sa gitna at ang mga daliri nito ay may mga matutulis na kuko. Ang buhok ng mga serena ay mahahaba at magugulong malaabong kulay na tila ay hindi na nasusuklayan ng ilang taon. Ang wangis ng mga ito ay magaganda at kaakit - akit din.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
MYSTERIOUS VOICE 1: THE VAMPIRE KING'S MATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon