KABANATA 5 - Bahagi 3

16.1K 518 18
                                    


             Mula sa pagkakahiga ni Scarlett sa puting kama ay bigla siyang nagising. Sa pagmulat ng kanyang mga mata ay siya ring paghimas ng isang nilalang sa kanyang noo. Napatingin si Scarlett sa nilalang na iyon at napangiti  bigla dahil nakita niya si lola Swara. Agad siyang bumangon sa pagkakahiga at niyakap ito.

"Lola....salamat po dahil nandito kayo," maligayang saad ni Scarlett.

"Natutuwa ako dahil ayos kana, ano bang nangyari sa'yo?," tanong ng matanda.

            Napatulala si Scarlett sa itinanong ng matanda. At naalala niya ang masamang pangyayari. Agad niyang hinawakan ang kanyang leeg upang malaman kung gaano katindi ang sugat niya ngunit nabigla siya dahil wala siyang maramdamang sakit. Napagtanto niya na nawala ang sugat mula sa kanyang leeg.

"Pa...paano nangyari iyon?..., ba..bakit nawala...ang sugat?," tanong ni Scarlett sa sarili.

"Sugat baka mo?," tanong ni lola Swara.

"Opo, may sugat po ako, natatandaan ko pong may babaing sumakal sa akin...tapos....kinagat niya ang leeg ko," saad naman ni Scarlett.

"Ginamot ko iyon iha, malalim ang sugat mo kaya nagmadali akong gamutin ka..... kung hindi ay tiyak na malalagutan ka na ng hininga," sagot naman ni lola Swara.

"Maraming salamat po lola, utang ko po sa inyo ang aking buhay," pasasalamat naman ni Scarlett.

"Ayos lang iyon at tsaka tinulungan ka din ni Kieran, nakita ka niyang nahimatay kaya binuhat ka niya at idinala dito sa silid," saad naman ng matanda.

"Sa silid?...teka kaninong silid po ba ito?, itinakas po ako ni Kieran mula sa hari?," tanong naman ni Scarlett.

"Hmmm...nandito ka pa din sa  puder ni Great Thorn....sa kwarto mo" sagot naman ng matanda.

"Ha..sa kwarto ko?,  pero ang kwarto ko po ay doon sa silid ng mga tagasilbi," saad naman ni Scarlett.

"Nakakatuwa ka Scarlett, syempre ito ay silid mo, sa palagay ko ay inihanda na ito ni Great Thorn. Hay...ang binatang iyon oo...hindi talaga marunong sa mga babae," saad ng matanda na tila ay natutuwa.

             Inilibot ni Scarlett ang kanyang paningin. Halos lahat ng nakikita niya ay napapalibutan ng malaniyebeng kulay. Ang pader, kisame at maging ang sahig ay kulay niyebe. Nakita niya ang babasaging aranya (chandelier) na nakasabit sa kisame. Umiilaw ang bawat plorera nito ng paitaas na parang may kandilang nakatirik. Sa gilid ng kanyang kama ay may malaking bilugang salamin na kayang makita ang kanyang buong katawan. Ang pader ay may nakapintang mga bulaklak na kulay bughaw. At ang kahuli - hulihang nakita niya ay ang malambot at malapad na malaabong banig (mat) na yari sa bulak (cotton).

 At ang kahuli - hulihang nakita niya ay ang malambot at malapad na malaabong banig (mat) na yari sa bulak (cotton)

Oops! Questa immagine non segue le nostre linee guida sui contenuti. Per continuare la pubblicazione, provare a rimuoverlo o caricare un altro.

(Ang larawang ito ay representanti lamang ng lugar sa kwento.)

                 Agad siyang tinapik ng matanda sa ulo dahil sa pagkamangha. Hindi inakala ni Scarlett na sa kanya pala ang silid na ito. Hindi naman  kasi maganda ang pagtrato ng hari sa kanya simula na no'ng pumasok siya sa palasyo. Matapos tinapik ng matanda ang dalaga ay nanumbalik sa diwa si Scarlett at tiningnan ang matanda na nakangiti.

MYSTERIOUS VOICE 1: THE VAMPIRE KING'S MATEDove le storie prendono vita. Scoprilo ora