KABANATA 9 - Bahagi 2

14.9K 300 7
                                    


             Sinundo nga ni Great Thorn si Scarlett sa mansyon ni Sophia. Alam kasi niya ang bahay nito dahil doon idinakip ang babae. Hindi siya mapakali na nasa malayo si Scarlett kahit isang kilometro pa. Matapos sunduin ay bumalik sila sa palasyo. Sa pagbalik nila ay agad silang sinalubong ng isang babae, si Loraine. Walang anu - ano'y lumapit si Loraine papunta kay Great Thorn at hinalikan ito. Nagulat si Scarlett sa ginawa ng babae. Nanlisik ang mga mata ni Great Thorn kay Loraine at agad niya itong tinulak palayo.

"Ano ang ginagawa mo dito!," pagalit na saad ni Great Thorn.

"Nangungulila ka ba sa akin?," mapangahas na tanong ni Loraine.

"Bakit naman ako mangungulila sa'yo? Isa kang parausan lamang," pangiwing sagod ni Great Thorn.

"Wala naman akong pakialam kung isang babaeng parausan ako, nasayahan ka naman sa piling ko di ba?," saad ni Loraine.

"Halika ka na Scarlett," saad ni Great Thorn na marahang kinuyod si Scarlett.

"Siya ba ang itinakda sa'yo? Parang wala naman siya sa kalingkingan ko," pagtataray na saad ni Loraine.

            Dahil sa narinig ni Great Thorn na parang minamaliit si Scarlett ay agad na lamang niyang sinakal si Loraine at binuhat ito paitaas gamit ang kanyang daliri. Mahigpit ang pagkasakal niya dito na parang gusto niya itong patayin. Galit siya kay Loraine dahil sa pagmaliit nito kay Scarlett. Hindi niya gusto na may umaapi sa kanyang iniirog at hanggang sa makakaya niya ay poprotektahan niya ito.

"Huwag mong mamaliitin ang magiging asawa ko!," pagalit na saad ni Great Thorn.

             Dahil sa ginawa ni Great Thorn ay hindi makagalaw si Loraine. Kahit gano'n ay nanatiling nakangiwi ang labi ni Loraine na tila ay nasisiyahan sa ginawa ng binata. Hindi matiis ni Scarlett na makitang nananakit ang kanyang mahal na lalaki kaya pinigilan niya ito. Buti nalang ay nakinig si Great Thorn sa kanya. Hinagis ng binata si Loraine at umalis kasama si Scarlett.

            Nang makalayo na sila kay Loraine ay agad na lamang binuhat ni Great Thorn si Scarlett. Pumunta siya sa kanyang silid habang binubuhat ang dalaga. Matapos no'n ay agad na lamang niyang hinalikan sa noo si Scarlett at nagpaliwanag rito.

"Mahal patawad, hindi ko nasabi sa'yo ang aking nakaraan sa babaeng iyon," saad ni Great Thorn.

"Nauunawaan ko mahal ngunit nais kong malaman ang tungkol sa inyo," saad naman ni Scarlett.

"Siya ang unang kasintahan ko ngunit pinagpalit niya ako sa ibang lalaki," sagot naman ni Great Thorn.

"Mahal mo pa ba siya?," malungkot na saad ni Scarlett.

"Hindi ko siya mahal dahil ... ikaw ang labis kong minahal. Hindi ko kakayanin kung kahit isang saglit ay magkakalayo tayo," saad naman ng binata.

"Mahal din kita Thorn. Hindi ko kakayanin na mawala ka sa piling ko," sagot naman ni Scarlett.

            Agad tinanggal ni Great Thorn ang bandana ni Scarlett at hinalikan ito sa labi. Nasayahan siya sa sinabi ng dalaga sa kanya. Totoo ngang walang pagmamahal si Great Thorn kay Loraine. Nakatitiyak din siyang may binabalak si Loraine laban sa kanya at kay Scarlett. Hindi hahayahan ni Great Thorn na magtagumpay si Loraine sa kung ano man ang binabalak niya lalo na kung ang mapapahamak ay si Scarlett. Niyakap niya ang dalaga ng mahigpit matapos halikan. Napatingin lang si Scarlett sa kanya at nagtanong sa bagay na ikinabahala niya.

"Mahal, paano kung may tatraydor sa'yo. Ayaw kung mangyari 'yon," saad ni Scarlett.

"Wala akong pakialam kung sino pa ang magtaksil sa akin basta huwag kanilang saktan dahil kung hindi ay mamatay sila," saad naman ni Great Thorn.

MYSTERIOUS VOICE 1: THE VAMPIRE KING'S MATEWhere stories live. Discover now