KABANATA 5 - Bahagi 1

16.8K 400 4
                                    


             Naiyak na lamang si Scarlett sa nangyari sa kanya. Ilang beses niyang gustong kalimutan iyon ngunit tumatak talaga iyon sa kanyang alaala. Sa tuwing tatawagin siya ni Great Thorn ay nanginginig siya sa takot. Hindi siya makapagsalita ng maayos at ni hindi nga siya makatingin ng maayos sa binata. Lagi siyang umiiwas dito upang hindi na mangyari ulit ang ginawa ng binata sa kanya.

            Nakaupo si Scarlett ngayon sa kanyang kama. Siya ay umiiwas pa rin sa binata at upang magawa iyon ay nagkukulong siya sa gabi sa kanyang silid. Mula sa kanyang pagkakaupo ay nakarinig siya ng marahas na katok sa kanyang pintuan. Nag - alinlangan siyang buksan ang pinto ngunit naramdaman niya ang takot sa nilalang na kumatok sa pinto. Nang buksan ng dilag ang pinto ay nakita niya ang  mukha ng tagasilbi na tila ay natatakot. Hindi maipinta ang takot nito na halos ay nanginig ang buong katawan.

"Sca....Scarlett...pina..patawag ka ng....ha...hari," saad ng nanatakot na tagasilbi.

"Ha...ba...bakit...," sagot naman ni Scarlett.

"Basta.. pakiusap pumunta ka na doon kung hindi ay papatayin niya ako," mangiyak na saad ng tagasilbi.

             Kahit na nagdadalawang isip si Scarlett ay nagdesisyon na lang siyang pumunta doon sa bulwagan ng hari dahil sa naawa siya sa tagasilbi. Kinakabahan siya habang papalapit siya sa silid ng bulwagan. Bago pa man siya humakbang sa harapan ng silid ay hinarang siya ni Alexa. Tiningnan niya si Scarlett mula ulo hanggang paa at agad napakrus ang mga braso. Tumaas ang kilay nito at tinitigan ang dalaga na may halong paglibak.

"Scarlett hindi ba?, mukhang mali yata ang pinuntahan mong lugar, hindi ka mabubuhay dito...," saad ni Alexa na nanlilisik ng tingin.

"Hoy!, impakta!, tigilan mo nga 'yang pang - iinsulto sa kanya!," pasigaw ng nilalang na tila ay kinokontra si Alexa.

          Napatingin si Alexa sa nilalang na sumigaw sa kanya. Nakita niya mula sa di kalayuan si Valentina na mukhang galit. Alam niyang hindi siya gusto ni Valentina at maraming beses na siyang kinokontra nito para sa minamahal niyang binata na si Great Thorn. Dahil sa hindi magandang kaugalian ni Valentina ay kinokontra din ito ni Alexa sa bawat araw na nagtatalunan sila.

            Agad pumunta si Valentina sa kinaroroonan nina Alexa at Scarlett. Madali niyang hinatak ng dahan - dahan si Scarlett upang ilayo ito sa babaeng kinaayawan niya sa lahat. Tiningnan ni Valentina si Alexa at napangiwi ang labi niya na tila ay nang - iinsulto.

"Huwag kang lumapit sa kanya, napakadesperada mong babae!," saad ni Valentina kay Alexa.

"Desperada na kung desperada, ako pa rin naman ang pipiliin ni Great Thorn," mapangahas na sagot ni Alexa.

"Ah talaga?, hindi ka naman nakatakda sa kanya, alam mo ba ang ibig sabihin no'n?, dahil sa nakita na ng kapatid ko ang itinakda para sa kanya ay hindi na niya kayang kontrolin ang kanyang sarili upang mahalin siya....kaya ikaw isa ka nalang parausan!," saad pa ni Valentina.

              Patuloy pa rin sa pagtatalak sina Valentina at Alexa habang si Scarlett ay nagdadalawang isip na pigilan sila. Alam ni Scarlett na hindi sila  mortal na katulad niya. At kahit pigilan pa niya ang dalawang nilalang na iyon ay wala siyang lakas na kasing pantay nila. Napahinto lamang sa pagbabangayan ang dalawang nilalang nang marinig nila ang pintong binuksan ng babaeng tagasilbi. Ito ay nanginginig sa takot habang may dalang kristal na bote. Hugis paarko ito na sa bawat dulo ay may butas na maaring gawing lagusan. Sa loob ng boteng iyon ay ang likidong dugo na iniinom ng mga nilalang na may limangpong lakas.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
MYSTERIOUS VOICE 1: THE VAMPIRE KING'S MATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon