KABANATA 7 - Bahagi 2

15K 385 4
                                    


              Nagising si Scarlett nang may naramdaman siyang may malamig na bagay mula sa kanyang noo. Nang iminulat niya ang kanyang mga mata ay nakita niya si Kieran na nakangiti. Itinutok pala ng binata ang kanyang isang daliri sa noo ng dalaga na tila ay nanloloko at nagbibiro.

"Ah buti naman gising ka na," pangiting saad ni Kieran.

"Bakit dito ka na tulog?," dagdag pa ng binata na nagtataka.

"Patawad...hindi ko napansing nakatulog ako dito," malungkot na saad ni Scarlett.

"Gano'n ba, hali ka na....mag - aalmusal na," saad ni Kieran.

"Ha...teka...tapos na ba ang pagdiriwang?, tila gabi pa rin naman...," saad ni Scarlett.

             Tumawa si Kieran ng malakas dahil sa narinig kay Scarlett. Napakainosente kasi ng pag - iisip ng dalaga kahit hindi mabasa ni Kieran kung ano ang nasa utak nito. Kinagigiliwan niya nga ang dalaga dahil sa mabait din ito at walang bahid na kasamaan ang  puso. Agad na tinapik ni Kieran ang ulo ni Scarlett dahil sa katuwaan at kasayahang ibinibigay ng dalaga sa kanya. Mahina lamang ang pagkakatapik ni Kieran upang hindi masaktan si Scarlett. Matapos no'n ay hinawakan  ng binata ang kanyang kamay at mabilis na hinatak papunta sa hapag kainan.

             Sa loob ng hapagkainan ay nakita niya ang malarosas na kortina at pader na nakapalibot sa loob ng malaking silid. Ang kisame ay may mga gintong desinyong ukit na talagang kamangha - mangha. Mayroon kasi itong mabibilog na desinyo na may linyang nakaukit sa loob at maging sa labas ng bilog. Mayroon ding gintong aranya (chandelier) sa bawat gilid ng kisame na katulad na lang sa kaharian ni Great Thorn. Ang kanang pader ay may nakadikit na mga pintang larawan na inilagay sa gintong kuwadro (picture frame). May mahaba ding lamesa na may antigong malarosas na upuan.

(Ang larawang ito ay representanti lamang ng lugar sa kwento

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(Ang larawang ito ay representanti lamang ng lugar sa kwento.)

             Nandoon din sa loob si Great Thorn na abalang  umiinom ng vina (Blood Wine). Hindi man lang tiningan ng binata si Scarlett kahit ito ay napansin niyang nandoon. Nalungkot ulit si Scarlett dahil nasasaktan siya sa ginawa ng binata sa kanya. Nakita din ni Scarlett si Valentina na nakangiti sa kanya at pakaway - kaway pa. Ang hindi niya nakilala ay ang dalawang lalaki na nakaupo at nakatangin sa kanya na tila ay binabasa siya. Ngunit nakita na niya ang dalawa sa kaharian ni Kieran.

              Tinitigan ni Apollyon si Scarlett upang basahin ang pag - iisip nito ngunit hindi niya kayang mabasa. Ikalawang beses na niya itong ginawa sa dalaga ngunit wala talaga.  Kaya nanlaki ang maladagat niyang mata kay Scarlett dahil sa gulat. Kahit lumakas na si Apollyon dahil sa asul na buwan ay hindi pa rin iyon sapat. Nakita iyon ni Scarlett. Nakita niya ang gulat sa mga mata ni Apollyon. Gwapo ito katulad ni Great Thorn. May makapal itong kilay na parang nagtataray at mahabang paarkong pilik mata. Matangos ang ilong nito kasabay ng malarosas na labing may manipis na hugis. Ang kanyang buhok ay may malakapeng kulay na hindi nagtugma sa kulay ng kanyang kilay. Tila ito ay nagpakulay ng buhok.

MYSTERIOUS VOICE 1: THE VAMPIRE KING'S MATEWhere stories live. Discover now