MENSAHE NG MAY - AKDA

13.8K 186 8
                                    

"People are like teabags. You have to put them into hot water before you can know how strong they are."
            

Ang kwentong ito ay may mensahe sa ating lahat katulad ng binasa niyo ngayon. Ang buhay ng tao ay  napakahalaga. Ito ay kayamanan na dapat pinag - iingatan. Sa ating buhay may mga pagsubok na darating ng walang pasabi o kahit patapik man lang katulad ng buhay ni Scarlett sa kwento. Minsan ang mga pagsubok sa buhay natin at ang mga karanasan ay nagbibigay sa atin ng pagkatao. Pagkatao na maaring masama o mabuti. Bawat karanasan ng tao ay may iba't ibang lalim at timpla. Minsan nagbibigay sa atin ito ng inspirasyon upang bumangon at kung minsan ay nagbibigay ito ng kasawian. May mga tao na isusumbat nila ang kanilang hinaing at pahirap sa Diyos. Ngunit kung ating susukatin ay hindi mahirap ang mga binibigay na pagsubok ang Diyos sa atin. Kailanman ay huwag natin siyang sumbatan pagkat hindi niya tayo pinabayaan. Kung ano mang masamang karanasan ang ating pinagdaanan ay huwag itong ikahiya. Gawin itong inspirasyon na noon ay pinagdaanan mo ito ngunit ngayon ay hindi na. Ngayon ay kinayanan mo ang lahat ng iyon. Ngayon ay naging matatag ka at kung gaano man kainit ang mga pagdurusa mo sa nakaraan ay siya namang nagpatibay sa iyo sa hinaharap.

MYSTERIOUS VOICE 1: THE VAMPIRE KING'S MATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon