KABANATA 11 - Bahagi 2

13.1K 277 9
                                    


                 Sa wakas ay natapos din ang digmaan dahil sa tulong ng misteryosong taong ibon. Kahit papaano ay nababawasan ang pagdanak ng dugo. Dahil doon ay napagdesisyonan nina Great Thorn, Kieran at Lorcan na bumalik sa kani - kanilang palasyo. Kailangan nilang maghanda dahil ilang araw lang ay magliliwanag na ng buo ang Bezna (Dark World) at ang mga bampira ay masusunog sa araw. Kailangan nilang kumilos upang harangan ang init ng araw kung hindi ay liliit ang bilang ng mga kalahi nila.

               Gayon pa man ay hindi pa rin makalimutan ni Great Thorn ang misteryosong taong ibon. Kapag iniisip niya iyon ay nakikita niya si Scarlett sa kaanyuan nito. Kutob niya na kilalang - kilala niya ang taong ibon na iyon. Inisip din niya kung ano na ang ginagawa nito matapos nitong lumayo sa kanila. Ngayon ay handa na siya para umalis sa palasyo ni Apollyon maging sina Kieran at Lorcan at aalis na din. Nagdesisyon si Great Thorn na kapag nakatuntong na siya sa kanyang palasyo ay tuluyan na niyang kakalimutan si Scarlett at huwag na itong hanapin pa. Ngunit bago pa man siya makalabas kasabay nina Kieran at Lorcan ay siya namang pagdating ni Valentina kasama si Wattus. Napansin nilang may dala itong malaking korting kahon na tinakpan ng itim na tela. Nang inalis ni Valentina ang itim na tela ay dumungaw sa tatlong hari ang babaeng inisip nilang pumatay sa kanilang bunica (grandmother). Nakita nila si Scarlett na walang malay. Siya ay nasa loob ng kulungan na parang asong kinukulong. Katamtaman ang laki ng kulungan at sakto lang ito para kay Scarlett.

"Kuya nakita ko siya. Nanlaban siya nang makita niya ako kaya wala akong magawa kundi suntokin siya upang mawalan ng malay," saad ni Valentina.

"Ipasok siya!, saad ni Great Thorn.

"Babalik din kami pagkatapos ng isang linggo," saad naman ni Lorcan.

              Napatingin sila kay Scarlett. Galit pa din sila rito maging si Great Thorn. Kapag tinitingnan niya ang dalaga ay bumabalik sa kanya ang alaala na ginamit lang siya nito. Dahil doon ay nakararamdam pa rin siya ng pagkasuklam sa dalaga.

               Dinala si Scarlett sa palasyo ni Apollyon. Doon sa piitan na walang kahit anong bintana ay ikinulong siya. Umalis ang tatlong hari at pumunta na sa kani - kanilang palasyo. Iyon na nga ang hudyat na tuluyang paglimot ni Great Thorn sa dalaga. Malilimutan kaya niya ito ng tuluyan?

                 Napangiwi si Valentina sa kanyang plano. Nagsinungaling siya na pinaniwalaan naman ng mga hari. Gusto niyang idiin si Scarlett upang wala ng humadlang pa sa kanyang susunod na mga plano. Nanggigil siya sa dalaga dahil hindi nangyari ang kanyang inaasam na digmaan. Ngayon ay nakaharap siya kay Scarlett na  wala pa ring malay. Hindi na nga makalabas si Scarlett sa piitan at mahigpit na rin ang pagbabantay ng mga kawal sa kanya. Maging sina Sophia at Alaia ay mahihirapang itakas siya ulit sa selda.

"Ano ka ngayon Scarlett! Huwag ka kasing pa epal. Ayan tuloy nasa kulungan ka ulit. Sisiguradohin kong hindi ka na mabubuhay," saad ni Valentina.

              Nanlilisik ang mga mata ni Valentina kay Scarlett. Bukod  pa doon ay nakakrus din ang kanyang mga kamay na kung titingnan ay parang nagtataray siya. Nang napakrus si Valentina sa kanyang kamay ay siya namang paggising ni Scarlett. Sa paggising niya ay nadatnan niya ang kanyang sarili sa madilim na silid. At doon niya napagtanto na siya ay nasa piitan. Naisip tuloy ni Scarlett na parang nasa hawla siya, nag - iisa at tinatratong parang alila. Napansin ni Valentina na gising na ito kaya napangiwi ang kanyang mukha at lumapit siya sa dalaga.

"Gising ka na pala," pangiwing saad ni Valentina.

"Val ... Valentina," saad ni Scarlett.

"Kahit pala sa kadiliman ay kilala mo pa rin ako Scarlett," patawang saad ni Valentina.

MYSTERIOUS VOICE 1: THE VAMPIRE KING'S MATEWhere stories live. Discover now