KABANATA 8 - Bahagi 2

15.6K 370 15
                                    


           Ika - tatlomput isa ng Oktobre.  Iyon ang nakita ni Scarlett na nakapaskil sa harapan ng bulwagan. Mayroon kasing malaking kalendaryo ang palasyo  ni Apolyon. Ito ay yari sa kahoy na singlaki lamang ng libro. Gamit ang singsing na bakal ay kayang ibuklat ang kalendaryong iyon. Nalungkot si Scarlett dahil hindi pa rin maiwawaglit sa kanyang isipan ang sinabi ni Laura sa kanya. 

            Sa di kalayuan ay nakita ni Kieran si Scarlett na nakatingin sa kalendaryo. Nakita niya ang dalaga na malungkot at may malalim na iniisip. Lumapit siya sa dalaga at tinapik ang balikat nito.

"Ayos ka lang?," tanong ni Kieran.

"Kieran nandiyan ka pala," malungkot na saad ni Scarlett.

"Iniisip mo pa rin ba ang sinabi ng tita namin?,"  saad ni Kieran.

"Oo, iniisip ko pa rin iyon. Sa pagsapit  kaya ng aking kaarawan ay may buhay pa kaya ako o  kapahamakan lamang ang kikitil sa aking buhay. Alam mo ba Kieran, ang bandanang ito ang nagliligtas sa akin mula sa kapahamakan. Ilang ulit na akong tumakas sa mga umampon at tumugis sa akin para gawin nilang asawa kahit musmos pa ako noon. Natatakot ako na kapag mawala ang bandanang ito ay  mangyayari ulit ang nakaraan ko sa aking kamusmosan," malungkot na saad ni Scarlett.

"Marahil nga ay marami kang inililihim ngunit alam kong hindi ka pababayaan ni Thorn kahit ano pang tinatago mo. Maging ako ay hindi ka hahayang mapahamak," saad naman ni Kieran.

"Maraming salamat kaibigan," sagot naman ni Scarlett.

           Nasaktan ang binata sa narinig niya mula sa dalaga. Totoo ngang itinuring lamang itong kaibigan ni Scarlett. Iyon ang masaklap dahil may gusto si Kieran sa kanya. Masakit talaga sa kalooban ang karanasan na gusto mo siya pero hindi ka naman gusto ng taong gusto mo. Hindi nalang itinuloy ni Kieran ang pag - iibayo niyang sabihin sa dalaga na may gusto siya dahil nakita niyang seryoso si Great Thorn kay Scarlett. Kitang - kita sa mga mata ni Great Thorn ang pagmamahal niya sa dalaga. Bakit pa ba sasabihin ni Kieran ang kanyang nararamdaman kung si Scarlett  ay nagpahiwatig din na mahal niya si Great Thorn. Inisip nalang ni Kieran na baka sa tamang panahon ay matatagpuan din niya ang babaeng magiging kanya lamang.

             Umalis din agad si Kieran sa kinaroroonan ni Scarlett sapagkat may gagawin pa ito tungkol sa palarong magaganap. Kanina pa hinanap ni Scarlett si Great Thorn dahil nagising siyang wala ang binata. Hinanap niya ito sa buong silid ng palasyo ngunit hindi niya ito makita. Kaya nga napadpad siya sa bulwagan at nakita ang kalendaryo. Umalis siya sa bulwagan at hinanap ulit ang binata hanggang sa nadatnan niya si Apollyon sa labas ng bulwagan. Walang anu - ano'y lumapit si Apollyon sa kanya na nakangiwi ang labi.

"Hinahanap mo ba si Thorn?," saad ni Apollyon.

"Ah ... oo," maikling saad ni Scarlett.

"Nakita mo ba siya?," dagdag pa ni Scarlett.

"Abala siya ngayon," sagot naman ni Apollyon.

"Saan ba siya ngayon,  pwede ko ba siyang puntahan?," pangiting saad ng dalaga.

"Pagpumunta ka baka hindi niya makontrol ang kanyang sarili," sagot naman ni Apollyon.

"Hindi niya ma ----," saad ni Scarlett na agad ding naputol.

            Nang marinig niya ang sinabi ni Apollyon ay naalala ng dalaga 'yong nangyari kay Great Thorn. Sariwa pa sa kanyang isipan ang pagkawala sa isipan ng kanyang iniirog. Napatingin siya kay Apollyon. Nagsaad din ng ng salita si Apollyon na ikinagulat ni Scarlett.

"Si Thorn ... Nawala din siya sa sarili nang makita niya ang mga kababaihan no'ng nasa loob kami ng sasakyan. Ano bang nangyayari sa kanya Apollyon?," pagtatakang tanong ni Scarlett.

MYSTERIOUS VOICE 1: THE VAMPIRE KING'S MATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon