KABANATA 6 - Bahagi 1

15.6K 396 5
                                    


             Kabilugan ng gabing iyon. Nababalutan ang kapaligiran ng kadiliman at makapal na hamog. Ang mga nangamatay na mga puno ay parang mga kamay na nakalubog sa lupa. At tanging buwan lamang ang nagbibigay ilaw sa buong kapaligiran.

 At tanging buwan lamang ang nagbibigay ilaw sa buong kapaligiran

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Ang larawang ito ay representanti lamang ng lugar sa kwento.)

          Tahimik sa buong paligid at ni isang ingay ay walang maririnig. Doon sa lugar na iyon ay naglalakad si Alexa ng mag - isa. Wala siyang kasama sa kanyang pag - lalakad. Ngunit ang mas nakakapagtaka ay kung anong ginagawa niya sa lugar na malayo sa Nordic Deces (Death in North). Nagpalingon - lingon ito kahit saan na parang tinitingnan kung may nakasunod ba sa kanya o wala. At nang matiyak niyang wala namang nakasunod ay agad siyang kumaripas ng takbo papunta sa daang napapalibutan ng makakapal na hamog.

              Matapos ang mabilis na pagtakbo ay napahinto siya sa malaking lawa. Doon ay nakita niya ang lumang bahay. Nakikita niya mula sa di kalayuan ang umiilaw na mga lampara sa bawat bintana ng bahay. Ang bahay ay yari sa kahoy at ang sukat nito ay hindi naman gaanong kaliit o kalaki. Sa labas ng bahay ay napapalibutan ito ng   mga nangamatay na mga puno at hamog na maninipis. 

(Ang larawang ito ay representanti lamang ng lugar sa kwento

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Ang larawang ito ay representanti lamang ng lugar sa kwento.)
           
            Wala siyang pag - aalinlangang lumakad sa tulay na yari sa kahoy. Hindi na siya makapaghihintay pang makita ang sinasabing nilalang na may alam kung saan matatagpuan ang misteryosong tinig. Ilang araw na din kasing naghahanap sina Kieran at Great Thorn ngunit hindi nila makita pa ito. Maging ang mga kababaihang binihag nila ay pinalaya na lamang dahil wala naman sa bawat isa sa kanila ang may taglay ng kakaibang tinig. Nakahanap ng oportunidad si Alexa na hanapin ang nilalang na usap - usapan sa karatig lugar ng Bezna (Dark World) ng palihim. Hindi niya ito ipinagsabi kahit kanino na para bang may pinaplano siyang masama.

            Pumasok siya sa loob ng lumang bahay at nakita ang isang lalaking nakaupo sa sopang may makarosas na kulay. May malademonyong kilay ang lalaki na natural lamang ang hugis. Bukod pa doon ay  maladagat ang kulay ng mga mata nito. Mapupula din ang labi ng laki na katulad ng mga bampira. At may maliliit na begote ito mula sa baba papunta sa kanyang panga. Kung susukatin ay nasa  tatlongpong gulang ito.

MYSTERIOUS VOICE 1: THE VAMPIRE KING'S MATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon