KABANATA 12 - Bahagi 1

14.2K 330 26
                                    


               Malaya ng nakakalabas ang mga bampira sa umaga kahit tanghali dahil sa proteksyong ibinigay sa mundo ng mga bampira. Ngunit si Great Thorn ay hindi kayang makaalis sa silid kung nasaan si Scarlett. Binabantayan niya ito umaga hanggang gabi. Hindi siya lumalabas sa silid para uminom ng dugo. Kahit bigyan man siya ng dugong alak ay hindi niya ito iniinom.

               Ubos na ang nalalabing araw para kay Scarlett. Tapos na ang tatlong araw upang gawin siyang bampira. Magpahanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising si Scarlett. Hindi maipinta sa mukha ni Great Thorn ang lungkot at pighati. Nakayuko siya ngayon at hinahawakan ang malamig na kamay ni Scarlett. Kahit nakabenda ang buong katawan ng dalaga ay makikita pa rin ang maputla niyang mukha. Mukha ng patay na.

"Mahal ... gumising ka na," malungkot na saad ni Great Thorn.

               Hindi niya matatanggap na hindi pa nagigising ang dalaga. Iniisip pa rin niyang mabubuhay ito. Iniisip niyang magsasama pa rin silang dalawa kasama ang kanilang anak na nasa sinapupunan nito. Hindi niya gustong mawalan ng pag - asa. Kahit man magising ito at pagtabuyan siya ay ayos lang sa kanya basta mabuhay lamang si Scarlett. Mula sa kanyang kinaroroonan ay dumating si lola Swara. Tinapik ito ng matanda at kinausap.

"Magigising din siya," saad ni lola Swara.

"Alam kong gigising siya," saad naman ni Great Thorn na malungkot pa rin.

             Kahit alam ng matanda na wala ng pag - asa upang mabuhay ang dalaga ay sinoportahan pa rin niya ang binata. Meron pa ring maliit na posyento na maari itong magising. Isang katiting na porsyento. Naghintay si Great Thorn at kahit sobra na ang araw ay hindi pa rin siya nawalan ng pag - asa. Ngunit paano kung hindi na talaga mabubuhay si Scarlett? Hindi iyon kakayanin ng binata. Mula sa kinaroroonan ni Great Thorn ay mabilis na pumunta si Sophia sa silid kasama si Alaia. Hindi pa rin makangiti si Sophia kapag nakikita ang binata. Hindi ito masaya. Napakunot din si Sophia nang makita ang binata ngunit magkagayon man ay kinausap pa rin niya ito.

"Thorn, limang araw na," saad ni Sophia.

"Alam ko," sagot naman ni Great Thorn.

"Dapat tatlong araw lang ay mabububay na siya ngunit wala. Thorn, hindi na siya magigising pa," pasingit na saad ni Alaia.

"Mabubuhay siya," saad naman ni Great Thorn.

"Gumising ka nga sa katotohanan! Hindi na siya magigising! Lagpas na ng dalawang araw," pagalit na saad ni Sophia.

"Magigising pa siya!," pasigaw na saad ni Great Thorn.

"Thorn ... tanggapin mo nawala na si Scarlett," saad naman ni Alaia.

"Thorn kukunin ko na ang bangkay niya. Kamag - anak ko siya kaya may karapatan akong kunin siya sa'yo," saad naman ni Sophia.

               Hindi matanggap ni Great Thorn ang totoo. Mas lalong hindi niya matatanggap na kukunin si Scarlett sa kanya. Hindi niya kayang malayo sa dalaga. Gusto niya itong makasama kaya lumuhod siya kay Sophia. Lumuhod siya at nagmakaawa na huwag munang kunin si Scarlett sa kanya.

"Mahal na mahal ko siya ... pakiusap ... sa akin mo na siya," pagmamakaawang saad ni Great Thorn.

"Ang nakilala kong Thorn ay mapagtaas at hindi kailanman luluhod sa kahit sino ngunit ... ano 'tong ginagawa mo. Luluhod ka para sa kanya?," saad ni Sophia.

"Mahal mo nga siya. Wala akong magagawa. Kung nabubuhay si Scarlett ay pipiliin ka pa rin niya kaya sige ... papayag akong sa iyo muna siya," saad ulit ni Sophia.

"Thorn, binabalaan kita. Ano mang araw ay dapat ng sunugin ang katawan ni Scarlett. Hindi na siya mabubuhay pa. Hindi niya nakayanan ang vero (venom) na ibinigay mo," saad naman ni Alaia.

                 Matapos no'n ay umalis na ang dalawang babae.  Ngayon ay nag - iisa na lamang ang binata sa silid maliban kay Scarlett. Umalis na din kasi si lola Swara. Masakit man isipin na hindi na siya mabubuhay. Masakit din isipin na isusunog ang bangkay ni Scarlett ngunit kailangan niya iyong gawin dahil bangkay na ito.

                Naghintay ulit si Great Thorn ng ilang araw at nagbabasakali na ito ay magigising ngunit hindi pa rin. Bangkay pa rin si Scarlett. Para na siyang tanga sa kahihintay ng wala. Kaya sa pagpatak ng alas dose ay lumapit na si Kieran at kinausap ang binata upang maliwanagan din ng kaunti. Gusto niyang mahimasmasan si Great Thorn. Gusto niyang tanggapin ang nangyari sa dalaga.

"Thorn, alam kong mahal mo siya ngunit kailangan mo ng tanggapin na wala na siya," saad ni Kieran.

"Tingnan mo siya ngayon, mas gusto mo bang kumalat ang mga uod sa kanyang katawan? Gusto mo bang nandiyan lang siya hanggang sa siya ay maging buto nalang? Mas makabubuting sunugin na natin ang kanyang katawan. Kung saan man naroroon si Scarlett, tiyak kong masaya siya dahil alam niyang mahal mo siya," saad pa ni Kieran.

                Walang salitang maisasaad si Great Thorn. Tahimik lang siya at nakatingin sa dalaga. Totoo naman ang sinasabi ni Kieran. Mas gusto ba niyang nakahilata lang dalaga hanggang sa maging buto na ito? Alam niyang hindi naghihilom ang mga sugat ni Scarlett. At kung hindi sa tulong ni lola Swara tiyak na nangangamoy na ang dalaga at nakakalat na ang mga uod sa katawan nito. Kaya doon ay napasampal sa katotohanan si Great Thorn. Hindi niya gustong maging buto si Scarlett. Kaya kahit labag sa kanyang kagustuhan ay gagawin niya ito para sa dalaga. Tanggap na niya na wala ito ngunit ano kaya ang kanyang gagawin dahil patay na ang dalaga?

                 Sa umaga kung saan wala ng sinag ng araw ay nagtipok ang lahat maging sina Sophia at Alaia ay nandoon din sa labas ng palasyo. Silang lahat ay nakatingin lamang sa bangkay ni Scarlett. Ito ay nakahiga sa kabaong na yari sa kahoy. Doon ay nagsimula ng lagyan ng mga kawal ang paligid ni Scarlett ng nag - aapoy na mga kahoy. Tuluyan na ngang mawawala si Scarlett. Tuluyan na siyang maglalaho. Kasabay ng apoy ay ang pagkaroon ng hangin sa paligid na parang umiihip dahilan upang mas lalong lumaki ang apoy. Ang mga bampira ay nakatingin lamang sa kalayuan at minamasdan ang pagkasunog ng katawan ni Scarlett. Halos hindi makatingin si Great Thorn. Kung titingin siya ay tiyak na mawawasak ang kanyang puso. Hindi niya kayang panoorin ang pagkasunog ng dalaga. Napasaad na lamang siya sa sarili dahil sa kalungkutang nadarama.

"Mahal ... susundin kita. Wala ng saysay ang buhay ko," saad ni Great Thorn sa isipan.

                 Ngunit sa loob ng kabaong ng dalaga ay may hindi sila napansin. Nanginginig ang buong katawan ni Scarlett na animoy sinasapian o nanlalamig.  Hindi iyon nakita nila. Paano ba naman nila makita iyon, ang buong paligid ni Scarlett ay napapalibutan ng apoy. At sa di inaasahang pangyayari ay bigla na lamang gumalaw ang kamay ni Scarlett kasabay ng pagdilat ng kanyang mga mata. Nakadama siya ng mainit na bagay na bumabalot sa kanyang kinahihigaan kaya ay agad niyang winasak ang takip ng kabaong. Hinagis niya ito dahilan upang matamaan ang isang kawal sa ulo. Dahil doon ay nagkagulo ang mga kawal at sinuri kung nanroroon pa ba ang katawan ni Scarlett. Laking gulat nila na wala na ang katawan nito doon kaya mabilis silang pumunta sa kinaroroonan ng mga hari.

"Mahal na hari!," saad ng isang kawal.

"Ano ang nangyari, ba't nagmamadali kayong pumunta dito," saad ni Kieran.

"Nawala po ang katawan ng babae," saad ng isa pang kawal.

                Dahil doon ay napalingon si Great Thorn. Nabigla siya sa kanyang narinig. Kasabay no'n ay ang kasayahang nadarama niya. Sa wakas, buhay na si Scarlett.

MYSTERIOUS VOICE 1: THE VAMPIRE KING'S MATEKde žijí příběhy. Začni objevovat