KABANATA 9 - Bahagi 3

12.4K 272 7
                                    


             Dalawang araw ng abala ang mga hari. Dalawang araw na din silang nagpupulong sa bulwagan. Nang araw din iyon ay umulan at nagkaroon ng malalakas na kulog. Kahit umuulan ay patuloy pa rin ang pagpupulong nila. Dali - daling isinara ni Scarlett ang mga bintana at tinakpan pa ito ng kurtina. Habang siya ay nagsasara ng bintana ay nakarinig siya ng dalawang kababaihan na nagtatalunan. Pumunta siya doon at sinilip ang silid. Sa maliit na butas ng kusina ay nakita niya sina Valentina at lola Swara. Nagtatalunan silang dalawa. Narinig niya ang buong pag - uusap nila. Nabigla din si Scarlett dahil sa inasal ni Valentina sa matanda. Nagpakita na nga ito ng masamang kaugalian.

"Alam mo na pala," pangiwing saad ni Valentina.

"Ambisyosa ka talaga Valentina. Kung tutuosin ay anak ka sa ibang babae ng ama mo!," saad naman ni lola Swara.

"Huwag mong idamay ang ina ko! Magwawagi ako at ako ang magiging tagapamuno," saad naman ni Valentina.

"Hindi ka pa rin magwawagi Valentina. Hindi ka karapat - dapat!," pasigaw naman ng matanda.

"Nagkakamali ka gurang! Mamumuno ako at tatalunin ko si Great Thorn maging ang tatlong hari. Pamumunuan ko ang Bezna(Dark World)," saad naman ni Valentina.

"Isa kang masamang budhi! Tinanggap ka lang ni Great Thorn dahil ikaw ay kawawang ulila na iniwan ng magula ----," saad ni lola Swara na agad ding naputol.

               Dahil sa narinig ni Valentina mula sa bibig ng matanda ay nagalit siya. Hinugot niya ang punyal na nakatago sa kanyang likuran at mabilis na isinaksak ito sa matanda mula sa puso. Ang punyal na iyon ay nakamamatay. Iyon ay kakaiba pagkat isa 'yong antigong kutsilyo na matagal ng hinanap ng mga sinaunang bampira pagkat iyon ay nakamamatay sa mga kalahi nila. Ang punyal na iyon ay nagmula pa sa mga umana. Kaya walang makabubunot ng punyal na iyon maliban sa umana lamang. Maaaring hawakan ito ng kung sino man upang isaksak ngunit hindi din ito basta - basta nabubunot. Ikinabigla iyon ni Scarlett. Nakita niya kung papaano natumba ang matanda at nawalan na ng malay. Kitang - kita niya ang panghihina nito hanggang sa malagutan na ito ng hininga.

"Hahaha! Buti nga sa'yo. Isa kang hangal! Ngayon matutupad ko na ang aking plano," pangiwing sagot ni Valentina.

               Tumalikod si Valentina at akmang aalis. Dahil sa papaalis na ito ay agad namang nagtago si Scarlett sa isa pang silid. Kinakabahan siya dahil maaaring maramdaman ni Valentina na naroon siya at nakita ang pangyayari. Sana lang ay hindi iyon napansin ni Valentina. Narinig ni Scarlett ang yabag. Ito ay nasa labas na ng silid. Kinabahan si Scarlett dahil baka siya ang susunod na patayin ni Valentina. Nanginig ang kanyang katawan at ang kanyang puso at pumintig ng mabilis.

"Sana hindi niya ako nakita," saad ni Scarlett sa isipan.

              Ilang minuto ay hindi rin huminto ang yabag ni Valentina. Rinig ni Scarlett na ito ay papalayo na sa kinaroroonan ng silid. Doon lang nakahinga ng maayos si Scarlett. Akala niya kasi ay napansin siya ni Valentina. Tama nga ang sinabi ng kanyang tita. Traydor nga si Valentina. Naghintay ng ilang minuto si Scarlett bago lumabas sa silid. Tiniyak niyang wala na si Valentina. Nang wala na si Valentina ay agad siyang pumasok sa silid kung saan nakahandusay ang matanda. Nanginginig siya at kinakabahan nang lumapit sa matanda.

"Lola Swara ... gumising kayo pakiusap," mangiyak na saad ni Scarlett.

"Sca ... Scarlett huwag mong hahayaang manalo si Val ... Valentina. Sa ----," mahinang saad ng matanda hanggang sa nalagutan na ito ng hininga.

"Lola!," pasigaw at mangiyak na saad ni Scarlett.

              Hindi alam ni Scarlett kung bubunotin niya ang punyal. At nang subukan niyang bunotin ang punyal ay hindi niya ito mabunot. Napakatigas nito at malalim rin ang pagkakabaon sa puso ng matanda. Naiyak na lang siya sa harapan nito at naging balisa. Dahil sa sobrang kalungkutan ay hindi niya napansin na may katulong sa kanyang likuran. Dahil sa pagkabigla ay nahulog ang bote ng dugong alak sa sahig. Sobrang natakot ang tagasilbi at napasigaw  ng malakas.

MYSTERIOUS VOICE 1: THE VAMPIRE KING'S MATEKde žijí příběhy. Začni objevovat