KABANATA 9 - Bahagi 1

15.3K 343 9
                                    


              Nagising si Scarlett sa kanyang kama. Nagulat siya dahil nakasuot siya ng mahabang damit. Ito ay kulay abo na may mahabang manggas hanggang kamay. May anim itong maliliit na butones na nakadikit sa gitnang parte ng damit. Ang kanyang buhok ay itinirintas (braid) at tinalian ng pulang kapirasong tela.

 Ang kanyang buhok ay itinirintas (braid) at tinalian ng pulang kapirasong tela

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(Ang larawang ito ay representanti lamang ng kagamitan sa kwento.)

               Naalala niya kasing nakasuot siya ng bestidang kulay rosal at ang kanyang buhok ay hindi nakatirintas. Naalala din niya ang babaeng bampirang humabol sa kanya at kinagat siya sa leeg. Nang mahawakan niya ang leeg ay wala namang sugat na nakamarka. Ngayon ay nasa kanya ulit ang kwentas na ibinigay ni lola Swara. Buti naman ay nasa kanya ulit iyon upang maligtas siya sa kapahamakan. Bumangon siya sa kama at ninais na kumain dahil gutom na gutom na siya. Tila ay ilang araw na siyang hindi kumakain. Mabilis siyang pumunta sa kusina at habang nandoon siya ay tinitingnan siya ng mga bampirang tagasilbi. Nagtataka siya kung bakit. Nagdalawang isip tuloy siyang kausapin ang mga ito. Hindi niya napansin na may tumapik sa kanyang balikat dahilan ng kanyang paglingon.

"Scarlett, buti naman ay nagising ka na. Alam mo bang limang araw ka ng hindi gumigising, buti nalang ginamot ka ni kuya," saad ni Valentina.

"Ha? Bakit?," pagtatakang sagot ni Scarlett.

"Grabe kasing dugo ang nawala sa'yo. Buti nalang ay naagapan," saad naman ni Valentina.

"Patawad din dahil nawala ako sa aking isipan at ninais pa kitang sunggaban," dagdag pa ni Valentina.

"Ayos lang iyon Valentina, naiintindihan ko naman," pangiting sagot ni Scarlett.

"Alam kong nagugutom ka na, nagpahanda ako ng makakain mo sa hapag kainan, hali ka na Scarlett," saad naman ni Valentina.

             Sumama naman si Scarlett kay Valentina papunta sa hapag kainan. Ngunit bago pa man siya makapunta doon sa silid ay napahinto siya bigla. Napalingon siya sa kanyang paligid dahil sa kanyang narinig. Isang boses ang kanyang narinig na alam niyang naroroon lamang sa kanyang kinatatayuan. Isang tinig na pamilyar sa kanya. Napansin ni Valentina na parang balisa si Scarlett kaya nagtanong siya sa dalaga.

"Ayos ka lang ba Scarlett?," tanong ni Valentina.

"May naririnig kasi ako Valentina," saad naman ni Scarlett.

             Lumingon ulit si Scarlett at napatakbo. Ang boses na naririnig niya ay lalong lumalakas nang tumakbo siya at makapunta sa bulwagan. At nang huminto siya ay lalo siyang nasasabik at nalulungko na makita ang nilalang ng kanyang narinig. Nagdalawang isip siyang pumasok ngunit gusto niyang makatiyak kung tama ba ang kanyang iniisip.

            Sa loob ng bulwagan ay naroon sina Apollyon, Kieran, Great Thorn at Lorcan. Mukhang ayos na sina Great Thorn at Lorcan ngunit hindi sila nag - iimikan. Naroon sila sa bulwagan dahil nabalitaan kasing may umana (Human Bird) daw sa lugar ni Apollyon. Matapos kasi ng pangyayari kay Scarlett ay bumalik na din sila sa palasyo ng kanilang pinsan. Ito na din kasi ang huling araw ng pamamalagi nila doon. Naroon ang babaeng sinasabing taong ibon. Hindi iyon tiyak kung totoo subalit sinusubukan pa rin ng hari dahil papalapit na ang pulang buwan kung saan ang digmaan ay magaganap. Nakagapos ang babae sa kadena. Ang kanyang mga kamay maging ang mga paa ay hindi nakakagalaw ng malaya. Hinuli kasi siya ng mga kawal ni Apollyon at dinala sa palasyo. Napatingin lamang ang tatlong hari sa kanya at sinusubukang basahin ang isipan. Ngunit wala silang mabasa rito.

MYSTERIOUS VOICE 1: THE VAMPIRE KING'S MATEWhere stories live. Discover now