KABANATA 11 - Bahagi 4

14.5K 333 23
                                    


             Nagkaroon ng napakalas na hangin sa buong paligid. Ang mga bintana sa palasyo ay nabasag. Ang mga kagamitan ay nagkalat kahit saan. Mistulang bagyo ang kanilang naranasan ngunit magkagayon man ay hindi pa rin binitawan ni Great Thorn si Scarlett. Nasa bisig pa rin niya ito. Napatakip ng mata sina Kieran, Apollyon, Lorcan at ng mga bampirang nandoon.

"Anong nangyayari!," saad ni Lorcan.

"Hindi ko rin maipaliwanag," saad naman ni Kieran.

                  Sa pagpatak ng alas singko ng umaga ay biglang huminto ang napakalas na hangin at ang kalangitan na nagliliwanag ay naging madilim. Napamulat ng mga mata ang lahat at napansing hindi na nagliliwanag ang kapaligiran. Dapat sa oras na mga iyon ay nasunog na sila sa araw ngunit walang nangyari. Hindi sila na sunog.

"Bumalik na ang proteksyon!," sigaw ng isang kawal na natutuwa.

                 Totoo ngang bumalik na ang proteksyon ng Bezna (Dark World). Napagtanto iyon ng mga hari ngunit huli na ang lahat dahil wala na ang taong tumulong sa kanila upang bumalik ang proteksyon. Hindi na nila maisasaad ang pasasalamat sa dalaga. Ngunit papaano maibabalik ang proteksyon kung hindi pa buhay si lola Swara. Dapat ay buhay siya upang maibalik ito. Doon lang din natuklasan ng mga hari na wala na ang bangkay ni lola Swara. Nawala na ang katawan ng matanda sa kinahihigaan nito. Saan na nga ba siya?

"Nawala si bunica (grandmother)," saad ni Apollyon.

                 Lumingon sila sa bawat sulok ngunit hindi nila ito nakita hanggang sa nakarinig sila ng hiyaw mula sa labas ng palasyo. Dahil doon ay mabilis na lumabas ang mga hari. Doon ay nakita nila si lola Swara. Buhay ito at malakas na. Pulang - pula ang mga mata nito na tila ay bagong panganak na bampira. Hawak - hawak niya mula sa kanyang kamay si Valentina. Sinakal niya ito ng mahigpit dahilan ng pagsigaw ng dalaga.

"Kuya! Tulungan mo ako. Ano bang nangyayari sa kanya? Parang sinapian siya," saad ni Valentina.

"Bunica (Grandmother) ibaba mo siya," saad ni Great Thorn habang binubuhat si Scarlett sa kanyang bisig.

"Ang halimaw na ito ang pumatay sa akin!," sigaw naman ni lola Swara.

"Ano ang ibig mong sabihin?," saad ni Kieran.

"Ang babaeng buhat - buhat ni Thorn ang pumatay sa iyo," saad naman ni Lorcan.

"Hindi siya ang pumatay sa akin! Nilinglang kayo ni Valentina!, sagot naman ng matanda.

"Hahahaha! Tama na nga 'tong dramahan. Venus!," saad ni Valentina na napangiwi ang mukha.

                Mabilis na pumunta si Venus at agad na tinulak ang matanda. Bigla niyang hinablot si Valentina upang iligtas ito. Dahil doon ay mas lalong napatawa si Valentina. Talagang masama ang kanyang budhi.

"Hahaha! Kayo ay mga hangal. Kay daling paikutin ng inyong isipan. Totoo ang sinabi ng gurang na iyan. Ako ang pumatay sa kanya!," mataray na saad ni Valentina.

"Traydor!," pagalit na saad ni Great Thorn.

"Bakit? Hindi niyo ba alam na matagal na akong traydor sa inyo," saad naman ni Valentina.

"Plinano niya ang lahat at gusto niya kayong pabagsakin!," saad naman ni lola Swara.

"Oo! Pababagsakin ko kayo at ako ang maghahari sa mundong ito," pagtataray na saad ni Valentina.

"Isa kang baliw!," saad ni Apollyon.

"Mamamatay ka ngayon!," sigaw naman ni Lorcan.

"Hahaha! Venus sugorin sila!," sigaw naman ni Valentina.

MYSTERIOUS VOICE 1: THE VAMPIRE KING'S MATEWhere stories live. Discover now