KABANATA 5 - Bahagi 2

15.1K 419 3
                                    

              Sa loob ng bulwagan kung saan nakakulong si Scarlett ay nakaupo siya habang nakayuko ang ulo. Gusto na niyang umiyak ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili at napabulong nalang.

"Scarlett huwag kang iiyak, kaya mo ito. Gumawa ka ng paraan para makalabas dito," saad niya sa kanyang sarili.

               Pinalakas niya ang kanyang sarili. Dahil doon ay nakaisip siya ng paraan. Tumayo siya at naapaatras bigla. Sa pag - atras niya ay nagsimula siyang tumakbo papunta sa pinto. Gusto niyang itulak ito ng malakas upang makalabas siya. Matulin ang kanyang takbo at itutulak na sana ang pinto ngunit bigla lamang bumukas ito. Dahil sa tulin ng kanyang takbo ay hindi niya nasadyang matamaan sa matigas na bagay. Agad niyang tiningnan kung anong bagay ang nakaharang sa labas ng pintuan at laking gulat niya nang makita ang nakapanlilisik na tingin ni Great Thorn. Hindi maipinta ang reaksyon ng binata kung nagagalit ba ito o nabibigla. Agad napaatras si Scarlett sa binata at napayuko.

"Naku! Sana naman hindi niya ako pagalitan, sana hindi ....," saad ni Scarlett sa sarili.

"Anong ginagawa mo?, Saan na ang inutos ko sa'yo?," tanong ng binata na hindi man lang ngumingiti.

"Ah? Pa ... pasensya na po  mahal na hari," sagot naman ni Scarlett.

"He ... heto na po 'yong iniutos ninyo," dagdag pa ng dalaga habang iniabot ang karitong kahoy na may mga alak.

"Huli na 'yan," saad ng binata.

             Agad na kinuha ni Great Thorn ang karitong kahoy at itinapon ito ng malakas sa pader gamit ang isang kamay. Nasira iyon at maging ang mga bote ay nabasag. Napayuko bigla si Scarlett at nanginig dahil sa takot. Kitang - kita sa mga mata ni Great Thorn ang galit habang nakatingin sa dalaga.

"Huli na para ibigay mo iyan ... ang mortal na katulad mo ay ubod ng bagal. Wala kang kwenta katulad ng ibang mortal na pinatay ko," saad ng binata na napangiwi ang bibig.

              Hindi nag - atubiling hatakin ni Great Thorn si Scarlett papunta sa kanya at hinawakan ang kwelyo ng damit ng dalaga gamit ang kaliwang kamay. Matapos hawakan ay binuhat niya ang dalaga ng paitas hanggang sa hindi na maapakan pa ni Scarlett ang sahig. Pilit inalis ni Scarlett ang malamig at maputing kamay ng binata ngunit kahit anong pagkontra niya ay wala parang epekto sa binatang mas malakas kaysa sa kanya. Tumulo ang luha ni Scarlett sa kanyang pisngi. Napatanong siya sarili kung bakit nangyari ito sa kanya kahit alam niyang wala naman siyang kasalanan. Wala siyang magawa upang protektahan ang kanyang sarili maging ang pagkontra niya sa binata ay inihininto na lamang niya na tila ay nawalan na siya ng pag - asa.

"Pa ... patawad kung ang mortal na ... kagaya ko ay ... walang kwenta sa inyong paningin ..., patawarin niyo po ako mahal ... na hari," paghikbing saad ni Scarlett na umiyak sa harapan ng binata.

             Nanlaki ang mata ni Great Thorn. Ito ang kauna - unahang pagkakataon na may humingi ng tawad sa kanya sa buong buhay niya. Kahit na sinong nilalang ay walang nangahas na humingi ng kapatawaran sa kanya dahil sila ay natatakot. Kahit nga ang mga vara (cousin) niya ay kailan man hindi humihingi ng kapatawaran sa kanya sapagkat wala sa kanilang diksyonaryo iyon. At habang humihingi ng tawad ang dalaga sa kanya ay naramdaman niya ang luha nito na pumatak papunta sa kanyang malamig na kamay. Iyon ang kauna - unahang pagkakataon na naawa siya.

            Kailan man ay hindi siya naawa sa mga nilalang. Kung gaano siya kabuti noong bata pa siya ay naglaho iyon ng parang bula. Lumaki siyang masama at walang konsensya. Ngunit ngayon ay nakaramdam siya ng kakaiba na may halong pag - kaawa, konsensya at ang pag - udyok na gusto niya itong yakapin. Binitiwan niya ang dalaga at hinatak ito sa pader. Inilapit niya ang kanyang mukha sa mukha ng dalaga at isinandal ang noo niya papunta sa noo ng dalaga.

MYSTERIOUS VOICE 1: THE VAMPIRE KING'S MATEWhere stories live. Discover now