KABANATA 2 • BAHAGI 1

19.5K 515 21
                                    

~~~•••~~~

NAGMAMADALING tumungo si Scarlett sa ampunan. Siya ay tumakbo nang mabilis upang madatnan ang matandang tinulungan niya. Sa pagdating niya sa ampunan, napaiyak siya dahil nakita niyang aalis na ang matanda. Tiningnan siya ng matanda at nginitian na tila ay namamaalam ito.

Hinintay niya ang dalaga bago siya umalis. Agad niyakap ni Scarlett ang matanda na tila ay ayaw niya itong bitawan dahil ito ang kauna - unahang pagkakataon na may tumuring sa kanya bilang bahagi ng pamilya.

Sa likuran ng matanda ay may naghihintay na lalaki. Ito ay ang kanyang totoong apo na natagpuan siya sa di inaasahang pagkakataon. Pinuntahan siya nito gamit ang sasakyan. Ang sasakyan ay kakaiba na tila ay nanggaling ito sa hinaharap.

Ang itim na sasakyan ay tila isang sasakyang pangkalawakan (spaceship) na may hugis pahigang silindro (cylinder) na nakadikit sa gilid. Ang dalawang silindro ay may malapinggang butas na nagsisilbing liwanag kapag madilim ang lugar. Ang mga gulong nito ay hindi makikita pagkat ito ay nakatago sa ilalim ng sasakyan.

(Ang larawang ito ay representanti lamang ng kagamitan sa kwento

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(Ang larawang ito ay representanti lamang ng kagamitan sa kwento.)

Hindi pinansin ng dalaga ang magarang sasakyan pagkat ang nais niyang makita ay ang matanda. Hindi niya magawang pigilan ang matanda pagkat may pamilya itong naghihitay sa kanya.

"Paalam po ...," mangiyak na saad ng dalaga.

"Huwag kang malungkot, heto ... kunin mo ang papel na ito. Nakasaad dito ang lugar at kinaroroonan ng aking tirahan. Pwede mo akong puntahan kapag may kailangan ka," pangiting saad ng matanda.

"Lola Swara ...," mangiyak na sagot ng dalaga habang niyayakap ang matanda ng mahigpit.

"Tayo na ...," saad ng lalaki na nasa loob ng sasakyan at nakatingin sa kanila.

Umalis ang matanda habang ang dalaga ay luhaan na nakatingin sa sasakyan. Hawak - hawak niya ang papel sa kanyang kanang kamay habang pinupunasan ang sarili. Nalungkot ito sa pag - alis ng matanda.

Sa sasakyan kung saan ay naroroon ang matanda ay napakunot noo ang kanyang apong lalaki habang nagmamaneho ng sasakyan.

"Sino ba ang babaeng iyon?," tanong ng kanyang apong lalaki.

"Nakilala ko siya dito sa Sperca.
Tinulungan niya ako dito mula no'ng tinugis ako ng mga tao sa kanilang bayan," sagot naman ng matanda sa kanyang kausap na tila ay nawala ang kaligayahan.

"Gano'n ba bunica (lola)? Hinahanap ka namin buti na lang ay nakita kita dito," saad ng kanyang apo.

"Bakit ka ba naparito sa bayan ng mga tao? Balita ko ay hinahanap mo ang itinadhanang kabiyak ni Great Thorn," dagdag pa ng kanyang apo.

"Kalokohan ang balitang iyan. Ako ay naparito upang kumuha ng aking mga sangkap," saad ng matanda.

"Gano'n ba bunica (lola)?
Huwag kang mag- alala mahahanap din namin ang dalagang itinadhana upang patayin," saad naman ng kanyang apo na tila ay natutuwa sa planong pagpatay.

"At nakasisiguro ka bang mahahanap mo siya?," saad naman ng matanda.

"Maghintay ka lang bunica (lola), makikita din namin siya," saad ng kanyang apo.

Ilang araw ang lumipas ay tulala pa rin ang dalaga sa kawalan habang nakaupo sa kama. Naramdaman niya mula sa kanyang puso ang masaklap at malungkot na buhay pagkat ang mga taong minamahal niya bilang pamilya ay lumilisan.

Bumalik siya sa kanyang diwa nang may narinig siyang nabasag na bagay mula sa ibang silid. Nagmamadali siyang pumunta upang alamin kung ano iyon. Sa pagpunta niya ay nagulat siya ng may mga taong pumunta sa bulwagan ng ampunan at sinisira ang mga kagamitan. Naroon din ang matandang madre na tila ay nanginginig sa takot at hindi man lang makagalaw sa kinaroroonan.

Agad pinigilan ni Scarlett ang ginagawa ng mga taong sumira sa mga kagamitan. Natuklasan niya na ito ay alagad ng gobernador. Pumunta sila sa ampunan upang singilin ang madre sa utang nito. Ngunit walang maibigay ang madre na pera para sa lupang inutang niya kung saan ang ampunan ay nakatirik.

"Hoy! Bayaran niyo ang inyong utang kung hindi ay sisirain namin ulit ang mga kagamitan dito," saad ng isang lalaki.

"Pakiusap po ... huwag niyo na mang gawin ito. Babayaran po namin ang utang . Bigyan niyo po kami ng dalawang linggo pakiusap," maluhang saad ng dalaga.

"Oh sige ipaparating namin ito sa gobernador. Sa oras na hindi kayo magbabayad ay hindi lang ito ang sisirain namin, isasali namin dito ang mga bata. Sige na umalis na tayo dito!," saad ng isa pang lalaki.

Agad umalis ang mga alagad ng gobernador at iniwan sila. Nanginginig sa takot ang dalaga at madre. Sila ay napayakap sa isa't isa dahil sa sobrang kaba ng kanilang nararamdaman.

"Gagawa po ako ng paraan, huwag po kayong mag - alala," saad ng dalaga sa madre na tila ay iniibsan niya ang problema.

Nang gabing ding iyon ay nagsimulang mag - impake ang dalaga ng kanyang mga kagamitan. Kinuha niya ang papel na ibinigay ng matanda sa kanya mula sa maliit na kahon na inilagay niya sa malakapeng mesa. Ang maliit na kahon na parang baol na may kayamanan ay yari sa kahoy na may nakaukit na bulaklak sa bawat gilid nito. Ito ay kulay kastanyas (chestnut) na may gintong tarangkahan (lock).

Napatingin siya sa papel at napabuntong hininga. Hindi niya nais na mahiwalay sa kanyang tahanan ngunit kailangan niyang gawin ito upang maisalba ang ampunan. Iniisip niya ang mga bata kung mawawala ng tuluyan ang nagsisilbi nilang tirahan. Hindi niya maaatim na maghirap ang mga bata at ang madreng kumupkop sa kanya sa loob ng sampong taon.

Kinabukasan ng umaga ay nagsimula nang maglakbay ang dalaga mula sa kakaibang mundo na magbabago sa kanyang buhay. Saan kaya siya tutungo?

~~~•••~~~

PAALALA:

May mga ads  po na biglang sumusulpot na hindi ko naman nilagay sa account ko. Ngayon ko lang din siya napagtanto nang nilagay ko ang aking published story sa aking reading list. Kaunting pasensya lang po kung susulpot siya sa device ninyo. Sana po ay patuloy niyo pa ring subaybayan ang aking kwento.

MYSTERIOUS VOICE 1: THE VAMPIRE KING'S MATEWhere stories live. Discover now