KABANATA 1 • BAHAGI 2

25.6K 658 26
                                    

~~~•••~~~

MALA - KIDLAT sa bilis ang pagbukas ng mata ng matandang babae. Napatingin siya nang direkta sa puting blankong kisame. Lumingon siya nang marahan mula sa kaliwa at kanang bahagi ng silid ngunit blanko talaga ang nakikita niya. Wala ngang aparador o lamesa man lang. Ang tanging nakita lang niya ay ang puting kama na siyang kinahihigaan niya. Napagtanto niyang nababalutan ng puting tela ang kanyang katawan dahilan upang mawala ang matinding kirot dulot ng sugat mula sa malulupit na mga taong tumutugis sa kanya. Bumangon siya sa puting kama upang makaalis sa kinaroroonan ngunit sa pagbangon niya tyempo namang bumukas din ang pinto. Nakita niya mula sa di kalayuan si Scarlett na may dalang pagkaing na inilagay sa bandeha.

"Kumusta po" magalang na sagot ng dilag.

"Nasaan ako?" tanong naman ng matandang babae.

"Kayo po ay nasa loob ng ampunan" sagot ng dilag.

"Ikaw ba ang gumamot sa akin?" tanong ng babae.

"Opo, nakita ko po kayong sugatan, tila hinahabol kayo ng mga tao" sagot ng dilag.

"Kung gano'n, salamat sa pagligtas mo sa akin ngunit bakit mo iyon ginawa? Katulad nila ikaw din ay isang tao. Maari mo akong ibigay sa kanila o patayin tulad ng ginawa nila" saad ng matanda.

"Pagkat hindi ko po maaatim na gumawa ng kasamaan sa isang nilalang gayong ito ay mabuti sa paningin ko" sagot ng dilag na ngumiti sa kabila ng itim na telang  nakatakip sa kanyang mukha.

"Napakabuti mo sa nilalang na kagaya ko" sabat naman ng matanda na mahinhin na napangiti.

"Ano ang pangalan mo iha?" tanong pa ng babae.

"Ah ako po si Scarlett" saad ng dalaga.

"Kung gano'n, ikinagagalak kitang makilala Scarlett" saad ng babae.

Dumaong ang liwanag mula sa labi ng matanda na siyang dahilan upang gumaan ang pakiramdam ni Scarlett. Mula sa mala - abong kulay na mata ng matanda, naging matingkad na kalangitan ito na tila ba ay sumasalamin sa kanya ang liwanag ng kaulapan. Naging mala - intsik ang mata niya dahil sa kakangiti sa dalaga. Natatakpan ng mala - arko at mahahabang pilik mata ang mata rin nito. Ang kulay rosal nitong labi ay parang bulaklak na hindi pa lubosang namukadkad dahil sa kayumian nito kung ngumiti. Maiksi ang niyebeng buhok nito na hanggang panga lamang ang sukat. Kung titingnan hindi halatang matanda na siya sa edad na limampung gulang.

 Kung titingnan hindi halatang matanda na siya sa edad na limampung gulang

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(Ang larawang ito ay representanti lamang ng tauhan sa kwento)

"Scarlett? Napakagandang pangalan! Sadyang bagay sa'yo" saad ng babae.

"Naku marami pong salamat" saad ng dalaga na naging kamatis ang pisngi dahil sa nakaramdam niyang hiya.

"Ah ano po ang inyong pangalan?" tanong  pa ng dilag.

"Ako si Swara" saad ng babae.

"Tatawagin po kitang lola Swara pwede po ba?" inosenting tanong at tugon ng dalaga habang nakangiti.

"Oh sige, alam kong 'yan ang gusto mo" ngiting sagot naman ng babae.

"Lola Swara bakit po kayo naparito sa bayan ng Sperca?" dagdag ng dalaga.

"Ang bayan niyo ay napapalibutan ng mga kakaibang halamang gamot kaya ninais kong kumuha ng ilang halaman na kailangan ko sa aking sangkap sa panggagamot ngunit ang mga taong 'yon--- nakita ako at tinaga ng mga matutulis na sandata" sagot ni Swara.

"Patawad po lola Swara kung ang mga tao rito ay may galit sa mga nilalang. Naging ganito ang mga tao rito mula nang pinaslang ng bampira ang babaeng anak ng gobernador" saad ni Scarlett.

"Bampira?" tugon ni Swara na halatang nagtaka.

"Opo, mga bampira po" sagot naman ng dilag.

"Anong nilalang po ba kayo?" dagdag pa ng dalaga.

"Ako ay mangkukulam at ninuno ko ang sinaunang bampira. Ikaw iha? Nararamdaman kong kakaiba ang amoy ng iyong dugo. Ito ay napakabango at ngayon lang ako nakalanghap ng ganitong kakaibang amoy" saad ng matanda na nakatitig sa dalaga.

"Ha? To--- too po ba 'yan?" saad ng dalaga na biglang nanginig ang namumutawing kislap ng mata dahil sa narinig niya.

Napaatras ang dalaga nang marinig niya ang matanda na ito pala ay may ninunong bampira. Mistulan siyang naestatwa dahilan sa isinaad ng babae. Sa pag - atras niya, hindi niya kayang umabante ulit. Parang naging yelo sa tigas ang kanyang paa gayon din ang kanyang braso at kamay. Kakabit nang pagsagot ng kanyang katawan, mariing napangatog ang kanyang tuhod kulang na lang ay ang maihe siya sa kanyang kinaroonan. Dulot nang marinig iyon, mabilis na tumakbo ang kanyang puso na mistulang nagkakarera sa loob. Sa bilis nito halos nahirapan siyang makalanghap ng hangin. Bumigat ang kanyang paglanghap. Makikita sa mukha ni Scarlett ang panlalaki ng mata, sino ba namang hindi mabibigla sa isinaad ng matanda. Kung sasabihin niya sigurong holdaper siya ay maiihe na siguro ang dakaga sa takot.

Nang makita niya ang mukha ni Swara na nakangiti at wala man lang bahid ng kung ano mang kasamaan, direktang nawala ang kanyang pangamba. Nawala rin ang kanyang takot at panginginig. Halos nabunotan siya ng tinik mula sa kaibuturan ng kanyang puso. Ramdam niya ang unti - unting pagwala nang panginginig sa kanyang tuhod maging ang pagyelo ng kanyang paa at kamay. Ang nakitang ngiti ni Scarlett ay mistulang nagpagising sa kanyang diwa para bang itinataghoy sa hangin na ito ay mabuti. Ang ngiti na iyon ang nagbigay sa kanya ng liwanag mula sa kumikidlat na kaulapan.

"Hindi kita sasaktan iha. Ako ay mangkukulam at ang dugong bampira na nanalatay sa akin ay tatlompung porsyento lamang. Tanging kakayahan ko lang ay ang makalanghap ng mga dugo. Hindi rin ako sumisipsip ng dugo ngunit gayon pa man mananatili ang aking wangis sa edad na limampung taong gulang" saad ni Swara na napansin ang pagkabigla ng dalaga dahil sa kanyang sinabi.

"Talaga po?" saad ng dalaga na tila ba gumaan ang kanyang nararamdaman.

"Ngunit dapat kang mag - ingat dahil maaring gumagala pa rin ang bampirang tinutukoy mo lalo na't may napakabango kang dugo" tugon ng matanda.

"Kung ganon--- lola ano po ang gagawin ko?" saad ng dalaga.

"Huwag kang mag - alala. Lilikha ako ng iyong pananggalang upang ikaw ay maging ligtas--- ngunit kailangan ko ng sangkap" pangiting saad ng babae.

~~~•••~~~

MYSTERIOUS VOICE 1: THE VAMPIRE KING'S MATEWhere stories live. Discover now