KABANATA 2 - Bahagi 2

20.7K 506 19
                                    

~~~•••~~~

SA madilim na lugar kung saan walang maaninag na liwanag ng araw ay nakatirik ang itim na kastilyo. Ito ay may mahahaba at  matutulis na bubong at may matataas na tore. Ang paligid sa kastilyong iyon ay nababalutan ng malaabong langit na tila ay nagbabadya ng tag - ulan. Matatagpuan ang kastilyong ito sa Nordic Deces (Death in North) kung saan ang kadiliman ay nanirahan kabilang na ang tatlo pang lugar na pinamumunuan ng mga malalakas na bampira. Tinawag nila itong Nordic Castel (North Castle) dahil ito ay nakatirik sa hilagang bahagi.

 Tinawag nila itong Nordic Castel (North Castle) dahil ito ay nakatirik sa hilagang bahagi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Ang larawang ito ay representanti lamang ng lugar sa kwento.)

Doon sa kastilyo ay nakatira ang binatang may maaliwalas na wangis. Siya ang nagmamay - ari sa kastilyong nababalutan ng kadiliman at kasakiman. May libo - libong nasasakupan ito na nagsisilbi at gumagalang sa kanya.

Sa loob ng kastilyo kung saan nakaupo ang binata sa kanyang trono ay abala itong sumusipsip ng dugo ng tao na nakahandusay sa kanyang harapan. Ito ay maputla na dahil sa kaunti na lang ang dugong natitira dito. 

Ang silid na iyon ay napapalibutan ng mga nagtataasang poste na may nakaukit at nakapinta na kakaibang desinyo. Sa bawat posteng iyon ay may mga pulang watawat na may gintong linya sa gilid at larawan sa gitnang bahagi nito.

Sa bawat poste ding iyon ay nakatayo ang mga alagad niya na nakasuot ng maiitim na kasuotang pandigma. Ang kisame sa kinaroroonan ng binata ay napapalibutan ng mga malaarkong hugis na nakadugtong lamang sa mga nakatayong poste. Sa gitna ng kisame ay may nakasabit na napakalaking malakampanang hugis na aranya (chandelier). Ito ay may malabughaw na ilaw dulot ng kristal na nakapalibot dito. Mayroon din itong kandila sa itaas at mga nakasabit na mga itim na palamuti.

 Mayroon din itong kandila sa itaas at mga nakasabit na mga itim na palamuti

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Ang larawang ito ay representanti lamang ng kagamitan sa kwento.)

Sa dulo ng silid na iyon ay nakaupo ang binata sa itim na malakristal na upuan. Sa harapan niya ay biglang sumulpot ang isang babae. Tiningnan niya ang binata at nakita ang mapupulang mga mata nito dulot ng nakalanghap ito ng sariwang dugo sa kanyang sinisipsip na tao.

MYSTERIOUS VOICE 1: THE VAMPIRE KING'S MATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon