KABANATA 12 - Bahagi 4

19.5K 373 38
                                    


               Sa labas kung saan ay malayo ito sa palasyo ay naroon  sina Kieran, Lorcan at Apollyon na nakatingin kay Scarlett ganon din sina lola Swara, Sophia at Alaia. Masaya sila sa araw ng kasal ng magsing -irog. Buti na lang ay pinatawad sila ni Scarlett sa lahat ng ginawa nilang masama. Gano'n kasi kabuti si Scarlett. Nagpapatawad siya kahit sinaktan na siya ng mga ito. Kung magagalit man siya ay agad din itong nawawala at agad nagpapatawad sa mga nilalang na nakasakit sa kanya. Nalaman din ni Great Thorn na kakuntyaba ni lola Swara sina Sophia at Alaia. Plinano nilang magkita ang dalawang nagmamahalan upang ayusin ang kanilang gulo at tampuhan kaya ngayon ay nandito na nga ang dalawa sa kasalan. Ang nakita palang babae ni Great Thorn sa silid ay hindi si Scarlett kundi ang katulong nina Sophia at Alaia na nabaliw sa dugo. Inakala kasi ni Great Thorn na iyon si Scarlett ngunit hindi pala.
                Dahan - dahang naglalakad si Scarlett patungo kay Great Thorn na nakatitig sa kanya. Sila ngayon ay nasa lugar kung saan matatagpuan ang mga bulaklak. May mga iba't ibang kulay ito na gustong - gusto ni Scarlett. Malapit ito sa kagubatan na nababalutan ng mga puno. Iyon kasi ang paboritong makita ng dalaga.

(Ang larawang ito ay representanti lamang ng lugar sa kwento

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Ang larawang ito ay representanti lamang ng lugar sa kwento.)

                   Ngayon ay nakasuot si Scarlett ng puting mahabang damit. Puno ng mga puting maninipis ng mga laso ang itaas na parte ng damit. Ang leeg nito ay naka v - shape na sakto at bagay lamang sa anyo ng damit. Ang likuran nito ay nakalantad ngunit magkagayon pa man ay bagay pa rin ito kay Scarlett. Nakatirintas (braid) ang kanyang buhok na nilagyan ng puting mga bulaklak. Mas lalo pang gumanda si Scarlett sa kanyang sinuot. Lalong napanganga si Great Thorn.

(Ang larawang ito ay representanti lamang ng kagamitan sa kwento

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Ang larawang ito ay representanti lamang ng kagamitan sa kwento.)

                At kahit pa kita na ang mabilogang tiyan ni Scarlett sa damit na iyon ay bagay pa rin ito sa kanya. Hindi na nakatakip ng bandana ang kanyang mukha. Hindi na rin makukupas ang kanyang napakagandang mukha at mas hindi makukupas ang kanyang kabutihang loob. Iyon naman talaga ang importante sa lahat, ang kabutihan ng kalooban. Ngayon ay hawak - hawak niya ang magagandang mga bulaklak sa kanyang kamay kasabay no'n ang kanyang matatamis na ngiti sa binata. Nakalapit na siya sa binata. Inabot ni Great Thorn ang kamay nito at hinawakan ng mahigpit. Ngayon ay nakaharap sila sa lalaking magpapakasal sa kanila.
Tiningnan sila ng lalaki at nagsaad na seremonyang salita.

"Nos sunt in fronte duo amantes .... (We are in front of two lovers....)," saad ng lalaki.

"Manus habent mutuo aspiciebant (Hold your hands and look at each other)," saad pa ng lalaki na ang tinutukoy ay ang dalawang nag - iibigan.

"Thorn ad te Scarlett? (Thorn do you love Scarlett?)," tanong pa ng lalaki.

"Mahal na mahal ko siya," pangiting saad ng binata na nakatitig sa dalaga.

"Scarlett ad te Thorn? (Scarlett do you love Thorn?)," tanong ulot ng lalaki.

"Mahal na mahal ko din siya," pangiting saad naman ng dalaga.

                  Hinugot din ni Great Thorn ang sing - sing at isinuot ito kay Scarlett. Gayon din ang ginawa ng dalaga sa binata. At matapos ang mga seremonyang salita ay hinawakan ni Great Thorn ang pisngi ni Scarlett at hinalikan ang labi nito. Sumang - ayon naman si Scarlett sa binata. Ang halik ng panghabang buhay nilang pagsasama. Masaya ang lahat sa pag - iisang dibdib ng dalawang nagmamahalan. Sa wakas ay nagkatuluyan ang dalawa kahit na dumaan sa kanilang buhay ang mga pagsubok na pilit silang pinaghiwalay. Ngayon ay wala ng hahadlang pa sa kanila at mas tatatag pa ang kanilang relasyon ng pagiging mag - asawa.

               Sa apat na buwang pagbubuntis ni Scarlett ay nagbunga na din ang pinakahihintay niya. Iyon ay ang paglabas ng sanggol na ikinaligaya ni Great Thorn dahil magiging ama na siya at ito ang kauna - unahang pangyayari sa kanyang buhay. Limang buwan kasi ang pagbubuntis kapag naging bampira. Gano'n  kabilis ang pagluwal ni Scarlett sa sanggol. Ngayon ay  hawak - hawak ni Great Thorn ang napakagandang sanggol. Minana ng sanggol ang malagintong buhok ni Great Thorn maging ang matataas na pilik mata. Ang kulay ng mga mata at ang napakagandang anyo ng sanggol ay minana naman kay Scarlett.

 Ang kulay ng mga mata at ang napakagandang anyo ng sanggol ay minana naman kay Scarlett

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Ang larawang ito ay representanti lamang ng tauhan sa kwento.)

                Gano'n na lamang ang kasayahan ni Great Thorn nang makapiling ang kanyang anak na lalaki. Pinangalanan niya at si Scarlett ito ng Waltur na ang ibig sabihin ay pinuno. Dahil siya ang magiging pinuno sa hinaharap. Siya ang magmamana ng lahat sa lugar ni Great Thorn.

               Habang abalang binubuhat ni Great Thorn ang sanggol at tinitingnan ito ay siya namang paglapit ni Scarlett. Agad niyang niyakap ang kanyang asawa sa likuran na siya namang paglingon nito. Ngumiti ng masigla si Great Thorn sa kanyang asawa at hinalikan ito sa noo. Ngayon ay kompletong pamilya na sila. Ngayon at habang buhay ay magsasama na ang dalawa kasabay ang kanilang anak.

"Mahal hindi mapapantayan ang kasayahan ko dahil sa iyo at ng ating anak," saad ni Great Thorn.

"Ako din mahal," pangiting saad ni Scarlett.

                 Sila nga ay masayang tingnan. Ngayon ay hindi maipahiwatig ni Great Thorn na ganito pala kasaya kapag kasama mo ang iyong minamahal. Na ganito pala ka ligaya na may madadatnan kang taong aalaga sayo. At iyon ang kwento ng buhay ni Scarlett at ang pagmamahalan ng dalawa.

               Ngunit sa mga ilang henerasyon ay magpapatuloy pa kaya ang buhay na mayroon sa Bezna (Dark World) gayo'y nagbabago ang mundo. Ano na kaya ang mangyayari sa lahat ng mga bampira sa mundo kung saan ay moderno na ang panahon?

-------------wakas ng kwento-------------

MYSTERIOUS VOICE 1: THE VAMPIRE KING'S MATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon