KABANATA 1 - BAHAGI 4

20K 582 16
                                    

~~~•••~~~

MARAHANG ibinigay ni Swara ang kwentas sa kamay ni Scarlett. Ang kwentas na kanyang nilikha. Ang kwentas na siyang pananggalang upang mawala ang mahalimuyak na dugo ng dalaga. Yari ang kwentas sa metal. Napapalibutan ang kwentas ng mga hugis pilipit metal. Ang pigura nito ay katulad ng balat ng dragon. Sa gitna ng kwentas, makikita ang kulay dagat na bato. Asul na matang mahahalintulad sa mata ng dragon o sa mata ng pusa.

 Asul na matang mahahalintulad sa mata ng dragon o sa mata ng pusa

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.

(Ang larawang ito ay representanti lamang ng kagamitan sa kwento)

Nang isinuot ito ng dalaga, hindi na naamoy ng matanda ang napakabangong dugo nito. Tila ba nabigyan ang dilag ng pangharang sa lahat ng mga nilalang na makakaamoy sa kanya. Dahil sa kwentas, hindi na mahahanap ng mga bampirang pagala - gala ang dalaga na siyang makapagpapahamak sa kanya.

"Huwag mong alisin 'yan sa leeg mo dahil kung hindi ay mapapahamak ka" saad ng matanda.

"Opo lola Swara. Pangako hindi ko ito aalisin sa leeg ko" sagot naman ng dalaga.

Nagbigay liwanag ang labing itinuon ni Scarlett sa matanda. Ramdam niya ang pag - aalala nito para bang isang inang hinahanap ang nawawalang anak. Tila ba ang kalooban sa puso ng dalaga ay gumaan. Pumasan siya ng bulak, di niya batid ang bigat na dinadala. Sa kanyang paningin para bang matagal na niyang nakilala ang matanda, tila ba kadugo niya ito. Ang pamilyang ninais at pinangarap niya. Sampong taon ng ulila ang dalaga sa kanyang mga magulang kung kaya'y ganoon na lang ang kaligayahan niya na may itinuturing siyang pamilya. Ang kanyang mga magulang ay pumanaw na dahil sa aksidente. Naulila siya noong siya'y sampong taong gulang at inampon ng kung sinu - sinong kamag - anak ngunit tinatakasan niya ito kaya naging palaboy siya kahit saan. Isang madre ang nakakita sa kanya at inalagaan ito sa ampunan na kinaroroonan niya ngayon.

Sa kabila nang nakikitang kasayahan sa dalaga, pansin ng matanda ang itim na bandana sa mukha ni Scarlett habang ito ay ngumingiti. Ang bandanang iyon ang humaharang sa totoong hugis sa kasayahan ng dalaga. Nagtaka ang matanda sa kanya kaya minabuti niyang tanungin ang dalaga.

"Napansin ko lang iha, bakit may suot kang pantakip sa iyong mukha? Natatakpan ang iyong ilong at bibig dahil diyan" saad ng matanda.

"Kasi po lola Swara--- natatakot po akong magpakita ng mukha sa kahit kanino" sagot naman ng dalaga.

"Bakit naman? Huwag mo dapat ikahiya ang iyong wangis" pangiting sagot ng matanda.

"Maari mo bang ipakita sa akin ang iyong mukha?" dagdag pa ng matanda.

Napayuko ang dalaga, nagdadalawang isip ito na alisin ang pantakip sa kanyang mukha. Nanginginig ang kanyang kamay habang dahan - dahang inaabot ang kanyang bandana upang alisin ang pantakip. At habang ginagawa niya iyon, naglalakad ang kanyang isipan sa nakaraan.

---••---

"Ang ganda! Hahaha! Akin ka na ngayon!" pagpunyagi ng lalaking tila naging baliw.

"Bitawan niyo po ako!" mariing sigaw ni Scarlett habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak ng lalaki.

"Sh! Huwag kang maingay, baka marinig ka ng kapitbahay" bulong ng nakakatakot na lalaki.

"Huwag po! Tulong! Tulong," pagmamakaawang sigaw ng umiiyak na dalaga.

Napapikit at napaluha na lamang si Scarlett. Di niya alam ang gagawin. At sa pagpikit niya habang tumutulo ang luha, nakarinig siya ng kalabog na parang may nahulog. Dahil sa kalabog, biglang bumukas ang kanyang mata. Nanlaki ang kanyang mata nang makitang nakahilata na ang lalaki. Kasabay nang pangyayari ay ang pag - abot tanaw niya sa babaeng may hawak na pamalo mula sa kanyang harapan.

"Bilis! Umalis ka na dito, tumakas ka na!" pagmamadaling tugon ng babae.

"Makinig ka Scarlett, magtago ka. Itago mo ang iyong mukha dahil magdudulot lamang ito ng kapahamakan sa'yo" dagdag pa nito habang tinatakpan ang mukha ni Scarlett gamit ang bandana.

---••---

Sa pag - alis ng kanyang takip ay ang pagbabalik ng kanyang diwa. Nakita niyang nakangiti lamang ang matanda sa kanya. Nakita ng matanda ang kakaibang wangis ng dalaga. May maamo itong mukha na tulad ng isang anghel. Ang kulay itim na mata nito ay hugis buwan. Ang kilay ng dilag ay kasing tuwid ng panukat na tila ba isa siyang nilalang na hindi nabahiran ng kasalanan. Katamtaman ang tangos ng kanyang ilong. Mayumi ang hugis ng kanyang kulay rosal na labi. Mahaba at itim ang kanyang buhok na hanggang puwet ang sukat. Nakatirintas ang kanyang tuwid na buhok, pinaikot niya ito sa kanyang ulo upang hindi ito magulo tingnan. Makinis at kasing puti ng perlas ang sensitibo niyang balat. Matapos pinagmasdan ng matanda ang dalaga, ngumiti ulit ito at nagsalita nang may halong pagkabigla.

 Matapos pinagmasdan ng matanda ang dalaga, ngumiti ulit ito at nagsalita nang may halong pagkabigla

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.

(Ang larawang ito ay representanti lamang ng tauhan sa kwento)

"Napakaganda mo iha. Kaakit - akit ang iyong wangis ngunit bakit mo ito tinatakpan ng bandana?" saad ng matanda nang may halong pagtataka.

"Dahil marami pong lalaking humahabol sa akin. Noong bata pa po ako ay hinihingi po nila ang aking kamay kahit sila ay matanda na o binata pa. Kapag hindi ako pumayag ay tinutugis nila ako at tinatakot kung kaya't ninais kong takpan na lamang aking mukha upang ako ay hindi mapahamak" sagot ng dalaga na nalungkot dahil hindi lang iyon ang kanyang naranasan, muntik na rin siyang magahasa.

"Naunawaan ko ang iyong nararamdaman. Ililihim ko ang aking nakita" sagot naman ng matanda.

"Maraming salamat lola Swara" sagot ng dalaga na agad ding isinuot ang pantakip sa mukha.

Mahigit isang buwan ding nanatili ang matanda sa ampunan at marami siyang natuklasan sa dalaga. Naging malapit siya rito at itinuring niya ito bilang apo.

~~~•••~~~

MYSTERIOUS VOICE 1: THE VAMPIRE KING'S MATETempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang