KABANATA 7 - Bahagi 1

15.5K 389 3
                                    


             Ilang araw ng iniisip ni Scarlett kung ano ang kanyang sasabihin sa hari. Lagi siyang tulala sa kanyang silid. Ngayon ay nasa silid siya at nakatayo. Nagdadalawang isip ang dalaga na kausapin si Great Thorn. Kinakabahan din siya at hindi mapakali sa kung ano ang sasabihin niya. Ngunit ayaw din niyang paghintayin ang binata kaya nagdesisyon siyang kausapin ito. Lumabas siya sa kanyang silid at tumungo sa silid ni Great Thorn. Alam niya na tuwing alas kwatro ng umaga ay gising na ito sa kwarto. Kumatok siya at binuksan ang pintuan. Nang pumasok siya sa silid ay hindi naman niya nakita ang hari. Wala ito doon. Hindi napansin ni Scarlett na may nilalang sa kanyang likuran. Tinapik siya nito sa balikat. Agad napalingon si Scarlett at nakita si Valentina. Nakangiti ito sa kanyang harapan, tila ito may gustong sabihin sa dalaga.

"Hinahanap mo ba si kuya?," pangiting tanong ni Valentina.

"Ha...oo, may sasabihin kasi ako sa hari mahal na prinsesa," sagot naman ni Scarlett.

"Ano ka ba, Valentina na lang ang itawag mo sa akin," sagot naman ni Valentina.

"Wala si kuya ngayon, pumunta siya sa Vestic Deces (Death in West) dahil kabilugan ng asul na buwan mamaya at nagtitipon ang ibang mga bampira doon dahil sa selebrasyon na magaganap," dagdag pa ni Valentina.

"Kung gano'n Va..Valentina ay hihintayin ko na lang siya," sagot naman ni Scarlett.

"Ha...hindi pwede Scarlett, kailangan nating pumunta doon," saad naman ni Valentina.

               Walang pag - alinlangang kinuyod ni Valentina si Scarlett sa labas ng palasyo. Isang kurap lang ay nandoon na sila sa labas at naghihintay ng kung ano. Sa himpapawid ay tumalon si Valentina ng malakas at hinatak ang Crev (Giant Shrimp) paibaba ng lupa. Walang magawa ang halimaw na iyon kundi ay ang magpaanod dahil sa mas malakas si Valentina kaysa sa kanya. Napadapa ang nilalang sa lupa at sinakyan ito ni Valentina. Sumakay din si Scarlet at napayakap ng mahigpit kay Valentina. Takot kasi si Scarlett sa mga matataas na lugar.

"Kumapit ka lang ng mahigpit Scarlett dahil lilipad na tayo sa himpapawid," saad ni Valentina.

              Napapikit si Scarlett dahil ayaw niyang makita ang kanyang sarili na lumutang sa himpapawid. Mabilis na umusad ang nilalang na iyon na ani mo'y sasakyang pangkarera. Sa sobrang bilis nito ay hindi halos makadilat si Scarlett at kung gagawin niya iyon ay paniguradong maluluha siya. Dalawang minuto lang ay dumating na sila sa kanilang destinasyon. Ang destinasyon kung saan naroroon si Great Thorn.

             Sa pagmulat ng mga mata ni Scarlett ay napatulala siya. Kakaiba kasi ang Vestic Deces (Death in West). Ang lugar na iyon ay may mga matatayog na gusali. Walang mga puno o halamang buhay. Katulad sa pinaghaharian ni Great Thorn ay gano'n rin kadilim ang lugar na walang halos liwanag ang makikita. Walang araw na masisilip dahil sa makapal na kaulapan na bumabalot sa kalangitan. Mistulang gabi sa lugar na iyon.

(Ang larawang ito ay representanti lamang ng lugar sa kwento

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Ang larawang ito ay representanti lamang ng lugar sa kwento.)

            Napatingin sa paligid si Scarlett. Ang lungkot ng kanyang nakikita katulad na lang nang namasdan niya ang lugar ni Great Thorn.

"Ito ang lugar ni Apollyon," saad ni Valentina kay Scarlett.

"Apollyon?, sino siya Valentina?," tanong naman ni Scarlett.

"Siya ang hari dito, ito ang kanyang lugar....,hali ka na Scarlett tiyak ay nagsimula na ang selebrasyon, umaga hanggang gabi kasi ang pagdiriwang," saad ni Valentina.

"Valentina ano ba ang meron sa asul na buwan mamayang gabi?," tanong ni Scarlett.

"Ang asul na buwan ay nangyayari lamang matapos ang isang daang taon, ipinagdidiriwang iyon pagkat ang asul na buwan ang nagbibigay ng dagdag lakas naming mga bampira," saad ni Valentina.

"Gano'n ba, nako hindi naman ako karapat - dapat na sumali sa pagdiriwang na iyon," saad ni Scarlett.

"Ano ka ba Scarlett...syempre kasali ka kasi ikaw 'yong iniirog ng kapatid ko at tsaka nandoon din si lola Swara at Kieran kaya huwag ka ng mahiya," saad naman ni Valentina.

            Matapos maglakad habang nag - uusap sila ay huminto sila sa napakalaking gusali na parang kastilyo. Nakakalula ang tumingin dito dahil sa sobrang taas. Mayroong mahabang daanan papunta sa gusali ni Apollyon at  katulad ng mga gusali ay parang moderno ang estilo nito. Mayroon itong malawak na tulay na sa ilalim ay ang karagatang nababalutan ng mga namatay na nilalang. Matindi din ang usok doon na parang polusyon. Mabuti nalang nakatakip si Scarlett dahil kung hindi ay masisira ang kanyang katawan.

 Mabuti nalang nakatakip si Scarlett dahil kung hindi ay masisira ang kanyang katawan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Ang larawang ito ay representanti lamang ng lugar sa kwento.)

            Kinakabahan si Scarlett dahil alam niyang makikita niya si Great Thorn doon. Nagdadalawang isip man siyang sabihin ang kanyang sagot ngunit kailangan niya itong sabihin. Nang makapasok sila sa loob ng malaking gusali ay napanganga si Scarlett dahil maraming nilalang doon ang nagsasayawan katulad ng mga nasa disko. Malakas ang tugtog na halos mabingi na siya dahil sa hindi niya marinig ang sinasabi ni Valentina. Dahil doon ay hinawakan siya ni Valentina at pumunta sa isa pang silid. Doon ay nahimasmasan si Scarlett. Naririnig na niya ang sinasabi ni Valentina.

"Nandyan sa pinto si kuya kasama nina Kieran, Apollyon at Lorcan," saad ni Valentina na nagmamadaling umalis upang sumayaw.

"Te....teka Valen..," saad ni Scarlett kay Valentina na nawala din bigla.

            Ngayon ay nasa harap na si Scarlett. Ang kanyang dibdib ay parang tumakbo dahil sa sobrang bilis nito. Ngunit kailangan na niyang sabihin ang totoo kung kaya binuksan na niya ang pinto ng dahan - dahan. At doon ay nakita niya si Great Thorn. Nakita niya ito na nakikipaghalikan sa babaeng nakahiga sa sopa. Nakapatong kasi si Great Thorn sa babaeng nakabukaka ang binti. Ang ibang pinsan naman niya ay abala sa pakikipag halikan din sa mga babae. Kahit nakabukas ang pinto ay hindi man lang nila napansing may bumukas doon. Nang makita iyon ni  Scarlett ay agad siyang umalis doon. Lumayo siya sa kinaroroonan ng binata. Halos naguho ang kanyang puso dahil sa kanyang nakita. Sobrang sakit ng kanyang nararamdaman na parang tinusok siya ng karayom ng ilang beses. Napaluha na lamang siya dahil hindi niya kayang makita iyon. Ang gusto lamang niyang sabihin sa lalaki ay mahal din niya ito ngunit tila pinaglalaruan siya ng panahon.

"Sino ba naman ako upang mahalin," maluhang saad ni Scarlett.

             Napayuko siya at umiyak sa lugar kung saan malayo sa silid ni Great Thorn. Umiyak siya ng sobra hanggang sa makatulog siya at napasandal sa pader. Ano kaya ang mangyayari sa kanya sa palasyong iyon?

MYSTERIOUS VOICE 1: THE VAMPIRE KING'S MATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon