sarahlee143
The Wing After Dark is a teen rom-com paranormal fiction set in Veridian Crest Academy-isang private school na hati ang mundo sa dalawang wing. Sa umaga, East Wing ang Day Class: normal students, normal problems, normal crushes. Pero pagpatak ng 5PM at nagsara ang Curfew Gate, West Wing naman ang gumigising... at ang Night Class ay hindi ordinary students. Vampires sila, tinatago ng school behind "exclusive program" excuses.
Si Lia Valencia, ang Student Council President ng Day Class, ang nagbabantay sa pagitan ng dalawang mundo. Secretly, siya lang ang may access sa "Night Class Protocol," dahil nililihim ng Headmaster ang totoo sa buong campus. Ang ibang council members, rules lang ang alam-si Lia lang ang may buong truth, at siya lang ang pwedeng magkamali.
Pero once a year, may event na pinag-iisa ang Day at Night Class: ang Unity Masquerade. Dito lang sila pwedeng magkasama sa iisang hall, habang Student Council ang guards para walang makagat, walang mabunyag, at walang masaktan. At dito rin mapipilitan si Lia makipag-coordinate sa pinaka-dangerous na tao sa West Wing-si Kael Nocturne, Night Class President: vampire, charming, and annoyingly funny... especially pag si Lia ang kausap.
Habang lumalapit sila sa isa't isa, mas lumalalim ang sikreto ng school, mas dumadami ang "accidental" encounters sa Curfew Gate, at mas nagiging imposible sundin ang pinaka importanteng rule: bawal ma-fall sa kabilang wing.
Two wings, one gate... and a secret that can bite back.