KABANATA 11 - Bahagi 1

13.4K 301 8
                                    


             Nagsimula na nga ang araw ng pagdanak ng dugo. Madilim ang kapaligiran at ang buwan ay natatakpan dahilan ng pagwala ng liwanag nito. Sa piitan kung nasaan si Scarlett ay naghihikahos na ang mga bampirang kasama niya. Mula sa kanilang kinaroroonan ay may bumukas ng pinto ng silid at pinailawan ang paligid.

"Dumating na ang araw ng digmaan!," saad ng isang lobo.

"Lalabas na kayo dito upang iparada," saad naman ng isa pang lobo.

               Nagtawanan ang mga lobo sa piitan. Agad hinawakan ni Sophia ang kamay ni Scarlett at bumulong dito sa dalaga.

"Tandaan mo ang sinabi ko Scarlett," mahinang bulong ni Sophia.

              Napatango na lamang si Scarlett sa sinaad ng kanyang tita. Ang totoo ay nahihirapan siyang magdesisyon sa kung ano ang kanyang gagawin. Nahihirapan siyang iwanan ang mga kasamahan niya doon. Agad inilabas ng mga lobo ang piitan. Binuhat nila ito palabas sa barko. Tiningnan ni Scarlett ang paligid. Kitang - kita niya ang mga libo - libong lobong nakapalibot sa labas ng napakahabang pader. Sa loob ng napakahaba at napakalaking  pader ay ang kampo ng mga haring bampira. Pinoprotekhan nila ang Bezna (Dark World) laban sa mga lobo.

               Ang kapaligiran ay bumabalot ng dilim. Iyon na rin ang araw kung saan ang buwan ay natatakpan ng dilim. Iyon ang araw ng digmaan. Kahit sa malayo ay kitang - kita ni Scarlett ang nakaharang na pader. Naroon din si Ismael na tumatawa dahil sa nakita.

"Hahaha! Mukhang naduduwag yata ang mga hari dahil sa paggawa ng ganitong pader," patawang saad ni Ismael.

             Agad na nagtawanan din ang mga kawal niya. Si Scarlett naman ay natatakot sa gagawin ngunit kinailangan niyang gawin iyon. Tinapik siya ni Alaia sa balikat. Mahina ito at halatang wala ng lakas upang gumalaw pa.

"Siya si Ismael. Siya ang hari ng mga lobo," saad ni Alaia.

              Napatingin si Scarlett sa sinabi ni Alaia. Kitang - kita niya ang kasayahan sa mukha ni Ismael. Kasayahan na gulohin ang lahat. Kasayahan na pumatay din. Habang nagtatawanan sila ay isang malaking pana ang tumama sa isa sa mga kawal na hari. Ang panang iyon ay nagmula sa pinakatuktok ng pader. Kitang - kita mula sa pinakatuktok ng pader ang mga bampirang nakatingin sa mga lobo. Ang mga ito ay handang - handa ng lumusob. Pulang - pula din ang mga mata nito. Dahil doon ay naging anyong lobo ang mga kalaban na may matutulis na pangil. Handa na din itong sumugod.

              Walang anu - ano'y lumusob ang mga bampira. Sila ay tumalon at pumunta sa mga lobo. Doon ay nagsimula na nga ang labanan. Nagsimula na nga ang pagdanag ng dugo. Ang ibang mga bampira ay hinagis ang mga lobo ngunit sinusunggaban pa din sila nito. Ang iba naman ay may mga marka ng kagat. Sa tuktok ng pader ay naroon din ang mga hari. Nakatingin sila sa ibaba kung saan nakikita nilang nag - aaway ang mga bampira at mga lobo.

"Dumarami sila," malamig na saad ni Lorcan.

"Magpalabas pa tayo ng mga kawal," saad naman ni Apollyon.

"Mauubusan tayo ng kapanalig Apollyon. Lalong lumalakas ang mga lobo," saad naman ni Kieran.

"Kung gano'n ay lumusob din tayo. Baka akalain ng haring lobo na naduduwag tayo," pangiwing saad ni Great Thorn.

"Kung gano'n, ba't di na lang tayo sumugod Great Thorn," pangiwing saad ni Lorcan.

               Walang anu - ano'y bumaba sa pader sina Lorca at Great Thorn. Sa pagbaba nila ay agad silang sinugod ng mga lobo. Ngunit walang kahirap - hirap na pinataob ng mga hari ang mga lobo. Hinugot ni Great Thorn ang puso ng isa pang lobo at hinagis ito. Wala na itong buhay dahil sa pagkawala ng puso nito. Gano'n din ang ginawa ni Lorcan habang tumatawa. Mukhang baliw na tuloy si Lorcan sa pagtawa niya.

MYSTERIOUS VOICE 1: THE VAMPIRE KING'S MATEWhere stories live. Discover now