KABANATA 1 • BAHAGI 1

43.9K 869 70
                                    

Ipikit at pakinggan niyo po ang musikang ito na siyang panimula ng aking kwento. Naway manatili ang musikang ito habang sinisimulan niyo po ang pagbabasa.

~~~•••~~~

SA lugar kung saan nababalutan ng kadiliman, nakatirik ang isang mansyon na napapalibutan ng abong kalangitan. Sa lugar na iyon walang araw ang sumisinag. Wala ring mga bituin ang makikita tuwing gabi. Tanging makikita lang mula sa umaga ay ang ulap na tila malungkot at ang buwan sa gabi na tila ay bumibighani sa mga nilalang na nakatingin rito. Nababalutan din ang paligid ng makakapal na hamog na lalong nagpadilim sa kapaligiran.

Yari sa matibay na semento ang malaking mansyon. Mansyong antigo. Mansyong naging luma sa mahabang panahon na para bang hinayaan na lamang. Napakalapad at napakalaki ng mansyon na ito na may mga bintanang babasagin. Ang harapan ng bahay ay may bakal na hagdang arko.

(Ang larawang ito ay representanti lamang ng lugar sa kwento)

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.

(Ang larawang ito ay representanti lamang ng lugar sa kwento)

Maririnig sa lugar na iyon ang mga hiyaw ng mga nilalang na humihingi nang tulong. Tila ba pinarurusahan sila upang pahirapan at malagutan nang hininga. Walang tigil ang kanilang pagsigaw kahit na napapaos na ang kanilang tinig. Sa lugar ding iyon maririnig ang tawa, tila ba natutuwa sa nakikitang pagpapahirap sa mga nilalang. Ito ay nakaramdam ng matinding enerhiya na tila nagpapalakas sa kanya nang makita ang pagpapahirap sa mga nilalang.

"Napakasarap sa pandinig ang inyong paghihinagpis" sabat nito.

"Great Thorn, hindi namin mahagilap ang iyong bunica (lola)" sabat ng isang alagad na yumuyuko.

"Kung ganon, huwag kang titigil sa paghahanap sa kanya. Ayaw mo namang malagutan ka nang hininga" sagot naman ni Thorn na tila tinatakot ang kanyang alagad.

Ngumisi ulit ang binata nang marinig ulit ang sigaw ng mga nilalang na mistulang malalagutan nang hininga. Sa lugar na ito na tinatawag na Deces Vila, Mansyon Ng Kamatayan, namumuno ang isang binata na hindi tumatanda o namamatay man lang. Siya ay namuhay nang mas mahigit pa sa libong taon ngunit ang kanyang wangis ay tila isang binata na may edad na dalawamput isang gulang.

Nilanghap niya ang mabangong amoy ng nilalang na nasa madilim na piitan dahil sa nagkalat ang kanilang dugo. Pumula ang kanyang mata dahil sa amoy na naging pabango sa kanyang ilong. Dahil sa nabangohan siya, agad siyang pumunta sa piitan. Marahas niyang nilaslas ang leeg ng mga nilalang gamit ang kanyang matutulis na kuko hanggang sa nalagutan na ito ng hininga. Sinipsip niya ang dugo ng mga ito. Wala siyang iniwan kahit patak man lang ng dugo. Nalunod siya sa sarap ng likidong naging droga sa kanyang katawan.

MYSTERIOUS VOICE 1: THE VAMPIRE KING'S MATEحيث تعيش القصص. اكتشف الآن