"Nahiya naman 'yong ka-sexy-han ni Rory sa payatot mong katawan hija." Natatawang ani Kiel.

"Wow ha? Wow! Kaysa naman sa'yo! Walang dibdib! Hmmp!" Ani Ngay.

"Whoa! Dibdib! Big word bess, mayron ka?" Nang-iinis na turan ni Kiel.

"Grabe ka sa'kin!" Sabi ni Ngay.

"Kapag ba binato ko 'yang dibdib mo, throw back na ang tawag do'n?" Nakangising ani Kiel.

"Walangya ka!" Natatawa na ring sabi ni Ngay tyaka ito humiga.

"Oh ano? Enjoy ka sa sagutan namin? Tara na!" Pagbaling ni Kiel sa'kin tyaka tinignan ang hawak ko. "Owmaygad! Hell University book ba 'yan?" Mabilis nyang kinuha sa kamay ko 'yong libro. "Kinginers bess! May signature ni Kuya Kib? Owmaygad!" Naghihisterikal na wika nito.

"Patingin!" Ani Ngay na ngayon ay katabi na ni Kiel. "Kuya Kib!! Shooks! Nakita mo na sya?!" Ako lang ba? O talagang nakita kong kumislap ang mga mata nila ng humarap sa'kin. Whatever.

"Oo." Sagot ko.

"Sh-t! Anong itsura? Gwapo ba talaga sa personal?" Tanong ni Kiel.

"O-oo." Naiilang na sagot ko.

"Gwapo 'yon eh. Kahit sa pictures." Sabi pa nito.

"Bakit 'di mo sinabi?" Tanong naman ni Ngay.

"Wala naman kayong sinabi na kilala nyo sya." Sagot ko.

"Maputi nga ba talaga?" Tanong pa ni Kiel.

"Oo." Sagot ko.

"Nahawakan mo sya?" Usisa ni Kiel.

"N-no." Nahihirapang sagot ko. D-mn it! No? Ahg!

"May picture kayo?" Si Ngay.

"Wala." Mahinang sagot ko tyaka kinuha 'yong libro kay Kiel.

"Hoy! Aba Rory! Pahiram muna!" Anito.

"Ayaw ko." Sagot ko. "Akala ko pupunta tayong mall?" Pag-iiba ko ng topic.

"Pahiram muna eh!" Pangungulit ni Kiel na sinagot ko lang ng pag-iling. "Damot! May part 2 ka ba?" Anito.

Inginuso ko 'yong isang libro sa mesa na balak na sana nyang kuhain kaya mabilis kong itinabi 'yon. "Bawal ang mga 'yan." Sabay lock ko no'ng drawer. "May mabasa pa kayo." Hindi mapigilang dugtong ko.

"Anong mababasa namin? 'Yong mga binagong line ni Supremo?" Parang bata na tanong ni Kiel.

"Uhh. Oo." Mabilis na sagot ko. "Basta! Bawal 'yon. Ba-wal." Dugtong ko pa.

"Ang damot mo Rory!" Naghihimutok na wika ni Ngay.

"Bili nalang kayo." Natatawang sabi ko.

"Ang layo-layo kase ng ZM Mall." Nakangusong ani Kiel.

"Hindi ba magmo-mall tayo ngayon?" Sabi ko.

Kailangan mawala ang atensyon nila sa libro ko. There is no way na ipapahiram ko 'yon. D-mn! 'Yong note nya kase sa unang pahina.

Sabay-sabay kaming napalingon sa pinto ng kwarto ko ng may biglang kumatok do'n at unti-unting bumukas.

"Ry..." Sumilip ang ulo ni kuya sa maliit na pagkakabukas ng pinto.

"Kuya?" Patanong na sabi ko.

"Uhh." Lumaki ang pagkakabukas no'ng pinto dahilan para makita namin 'yong 'di gaanong kalakihan na box na hawak nya. "No'ng isang araw pa daw 'to dumating sabi ni mommy, may nagpadala daw." Anito.

His Reader (A KnightInBlack Fan Fiction)Where stories live. Discover now