Chapter 54 Escape Plan

Comincia dall'inizio
                                    

Tinitigan ko naman muna ito at akma ko ng kukunin ng biglang inilayo ito ni Luciel sa'kin. "Gusto mo pa atang pakainin kita, pero dahil mapilit ka. Sige na, Oh" Sabi nito at saka itinapat sa mga labi ko ang kutsara na may lamang kanin at sinigang. "Teka, wala akong sinasabi na pakainin mo ak—" pero hindi ko na natapos ang sinabi ko dahil bigla nalang nitong ipinasok ang kutsara na may pagkain sa loob ng bunganga ko.

"Ano nga pala ang ginagawa mo sa office ko kanina?" Napalunok naman ako ng sarili ko na laway dahil sa kaba na biglang bumalot sa Sistema ko.

"N-naglibot-libot lang ako kaya—" hindi ko na naman natapos ang sagot ko ng bigla nya akong subuan ng pagkain.

"Bakit ba hindi ka kumain kanina?" Tanong pa ulit nito habang nakatingin sa akin ng masama at itinapat na naman sa'kin ang pagkain.

"Wala kang pakialam kung kailan ako kakain, akin na ya—" Pero katulad kanina ay hindi ako nito pinatapos.

Dahilan para mainis na ako at nararamdaman ko na umiinit na ang muka ko dahil sa pagpipigil ng galit.

"Ikaw lang ang kilala ko na kinidnap na nga ang lakas pa ng loob sumagot-sagot sa kidnapper" Puna nito sakin. Alam ko na gusto nya na naman akong pagsalitain para mapakain nya na naman ako pero dahil sa inis ay hindi na ako umimik at hindi na lang ito pinansin.

Malamang namang hindi ako sumagot, eh tinatanong nya ako, hindi naman ako kasing rude nya.

Mukang nahalata nya na naman na alam ko na ang ginagawa nya kaya naman napabuntong hininga nalang sya.

"I love you" Out of nowhere naman na sabi nito dahilan para manlaki ang mata ko.

"W-what—" Pero mabilis naman nya na ipinasok ang kutsara sa bibig ko.

"Gotcha" Sabi nito at napangiti habang naka tingin sa akin pero mabilis din itong umiwas ng tingin at bumalik sa pagiging walang emosyon na muka.

Bigla namang pumasok ang mga ala-ala na hindi ko akalain na maalala ko pa, Bawat ngiti nya at tawa na ang dahilan ay ako at ang pagkanta nya para lang masayaw ako, ang pagtuturo nya ng bawat subject para lang maging mataas ang grado ko, lahat ginawa nya para mapasaya ako at hindi ko sya bitawan, pero bakit sya ang umalis? Siguro, dahil puro sya lang ang nagpapasaya sa aming dalawa? Kahit minsan ba napasaya ko sya ng totoo dati?

"Kumain ka pa may kukunin lang ako saglit" sabi nito at ibinigay na sa akin ang tray na may pagkain at saka umalis.

Katulad ko ba, naalala nya din ba lahat ng saya at lungkot na pinagsamahan namin o ako lang? Pinaglalaruan nya ba ko?

Nang matapos ako kumain ay ininom ko ang gamot na iniwan nya sa may table.

Napatingin naman ako sa pinto na bumukas at pumasok sya na may itina-tago sa likod nya.

"Ano 'yang tinatago mo sa likod mo?" Kunot noo ko na tanong dito.

flowers?

Knife?

Hindi naman ito nagpahula pa at inilabas ang isang maliit na itim na pusa dahilan para mapatayo ako at mapatayo galing sa pagkakahiga.

"Coolitz!" Tuwang-tuwa ko na sigaw at saka kinuha ang pusa na hawak nya at walang kamalay-malay na napayakap pa pala ako sakanya. Bigla ko namang na realize ang ginawa ko kaya naman napabitaw ako agad na tinulak sya ng kunti, ramdam ko ang pagiinit ng muka ko dahil sa kahihiyan na ginawa ko pero mukang wala lang naman sa kanya ang ginawa ko na pinagpasalamat ko ng kahit papaano dahil hindi kami parehas ng nararamdaman.

"Thank yo—'

"No need to thank me, Kinidnap ko lang din yang pusa mo para makuha ko agad ang gusto ko" Sabi nito at saka umalis na.

Loving Mr.NerdDove le storie prendono vita. Scoprilo ora