"Hmm." Nakangiting tango ni Abby na dala-dala na ang kanyang maleta.

"Mag-iingat ka don ah." Nasabi ko nalang.

"Oo naman kuya Tristan tsaka kasama ko naman ang parents ko." Nakangiti pero may lungkot na sabi ni Abby.

"Dapat lang."

"Oo nga pala ate May paki sabi nalang kay ate Jayline na umalis na ako, ayoko na kasing gisingin kasi baka pagod sya."

"Sige walang problema." Si May.

"Thank you po ulit." Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Abby bago lumapit kay May at yakapin nya ulit ito. "Bye na." Huling sabi nya tsaka namin sya hinatid sa labas na nag hihintay din ang mommy nya sa kotse.

"Bye Abby! Mag iingat ka ha?!" Pasigaw na sabi ni May sa kanya dahil pasakay na sya ng kotse.

Bumuka yung labi ni Abby na parang sinasabi nyang 'I love you!' Tsaka pinaandar ng driver nila ang kotse at tuluyan na nga syang umalis.

Pag balik namin sa room namin ay hindi parin nagigising si Jayline kaya sinabihan kami ni May na kung maaari ay huwag kaming mag iingay dahil baka magising siya.

Humiga na ako sa kama ko at nag-isip-isip habang nakatingin sa kisame ng room namin.

Wala pang isang oras ang nakalipas ng umalis si Abby parang namimiss ko na sya. Wala nang nakakarinding boses ang maririnig ko tuwing umaga, wala naring mangungulit sa akin, Nakakamiss ka Abby.

"Namimiss ko na sya." Napa tingin ako sa kaliwa ko at nakita ko nga doon si Francis na nakatingin din pala sa kisame.

"Miss ko narin sya Francis." Mahinang sabi ko yung tipong tama lang ang lakas ng boses ko para marinig nya.

"Sana maayos lang sya don."

"Magiging maayos sya don, trust me."

"I trust you kuya."

"Good." Maiksing sagot ko.

Habang nakahiga kami ay biglang tumunog ang bell at hudyat na ng pag kain namin ng hapunan.

"Ah kuya gigisingin ko ba si ate Jayline?" Biglang tanong sakin ni Francis kaya napatingin ako sa kanya sabay tingin din sa natutulog paring si Jayline.

"Sige." Maikling sagot ko.

Lumapit naman si francis kay Jayline at ginising nga ito.

"Ate..ate..ate Jayline gising na kakain na po tayo ng hapunan."

"Ahh..thank you francis pero busog pa ko bukas nalang siguro." Takip ng unang sabi ni Jayline.

"Pero onti lang po yung kinain nyo kaninang tanghali?"

"Busog pa naman ako, thank you."

Busog daw!? Kaartehan mo Jayline batukan kita dyan e!

"Oy wag ka ngang maarte dyan at tumayo kana para makakain na tayo!" Sigaw ko at napatingin naman sila sakin maliban kay Jayline... Pero mukhang mali ako dahil dahan-dahan syang tumitingin sakin ng masama at nakakunot ang noo! "O-oh b-bakit?!" Aaminin ko kinakabahan ako sa tingin nyang yon!

"Anong sinabi mo?" Walang bakas na galit o inis man lang na sabi nya pero yung mukha nya talaga e! Nakabusangot at nakakunot ang noo nya na akala mo susugurin ka nya isang maling galaw mo lang!

"S-sabi ko t-tumayo ka na d-dyan p-para makakain n-na t-tayo!" Pag uulit ko na nauutal-utal pa!

Bwiset!

First Kiss, First LoveWhere stories live. Discover now