Bumaling sya sa katabi nya sa upuan at may sinasabi na ikinatango naman nito.

"Gaga! Nasaan na 'yung camera mo?" Baling sa'kin ni Mia.

"Here?" Sabay pakita ko ng phone sa kaliwang kamay ko.

"Para saan pa 'yan at ayaw mong gamitin ngayon?" Tanong nito.

"O-oo na." Sabay ng paglunok ko ay ang pagtapat ko ng camera kay KIB. D-mn! I'm trembling.

"Ay! Star struck?!" Ani Mia.

"'Wag kang ano Mia!" Napapangusong wika ko.

Hindi maayos ang pagkakakuha ko ng pictures, nanginginig ako.

Para siguro akong tuod ngayon.

"Selfie na miss." Pagtawag nu'ng katabi ni KIB kay Mia.

Matapos 'yun ay mabilis kinuha ni KIB 'yung book ko na nasa table na nya at pinirmahan.

Habang pumipirma sya ay titig na titig ako sakanya.

'Yung pendant nya. 'Yung wristwatch. 'Yan 'yung ilan sa mga palatandaan ko sakanya.

Kinakabahan ako! Sa hindi ko malamang dahilan ay biglang nagtaasan ang mga balahibo ko sa batok. Seriously? Ganto ang naibibigay na pakirandam sa'kin ng taong nakayuko lang at busy sa ginagaw? Ang lakas ng impact nya sa sistema ko.

Ang tagal naman nyang pumirma.

Ano na bang gagawin ko? May mga pumapasok na panimula sa utak ko pero hindi ko alam kung ano ba talagang susundin ko sa mga 'yun.

Paano ko sya kakausapin?

Kapag tingin nya sa'kin ay babatiin ko sya? Should I say 'hi'?

Uhg!

"Miss?" Pagtawag sa pansin ko nu'ng katabi nya.

"Y-yeah?" Kinakabahang sagot ko dito.

"Your name?" Anito.

"Rory po kuya." Sagot ko.

"Okay miss Rory, pwede mo ng kuhain 'yung book mo, na-sign na 'yan. Salamat!" Sabay ngiti nito. "Next!" Pagtawag nito sa kasunod ko sa pila.

"But----"

"Ma'am dito 'yung exit." Sabi ng boses sa gilid ko na ikinagulat ko naman.

Wala namang guard dito kanina ah?

"Assist kita, tara na ma'am." Nakangiting wika nito. Gusto ko pa sanang magprotesta ang kaso ay wala na. Busy na sya sa iba.

Para akong tuod na nakasunod lang kay kuyang guard at sinalubong ng mga kaibigan ko sa exit.

Gusto kong umiyak! Ayun na 'yun?!

Bago tuluyang umalis ay binalingan ko sya. Sakto, pagkatingin ko ay ang pag-alis nya ng shades nya.

It's him. It's really him.

What the hell?! Bakit ganon? Anong nangyare?!

Ganon lang 'yung sa'kin?! Ni hindi ako pinansin.




Naiinis ako sakanya. Naiinis ako sa nangyare. Naiinis ako sa sarili ko. Naiinis ako!

Darn!

Ito 'yung dahilan kung bakit hindi ako nakatulog ng maayos eh.

Bakit hindi nya ako pinansin? Bakit ganon? Ni hindi ako kinausap. Kahit balingan ng tingin wala.

Umasa ako. Pinaasa ko ang sarili ko. Nakakainis! Bakit ganon sa'kin?

Close ba kami para pansinin nya ako? Hindi diba? Sino ba namang papansin sa babaeng tinalikuran ka habang kinakausap mo pa? Wala diba? Eh kilala nya ba ako?! Hindi siguro diba?!

Hutanes! Ang asyumera ko kase.

Ang akala ko kapag nasa harap na nya ako kakausapin nya ako. Ang akala ko kapag nakita nya ako magpi-feeling close ulit sya sa'kin.

Ang akala ko lang pala.

Ni hindi nya ako tinapunan ng tingin kahit isang beses lang. Ni walang 'hi' or 'hello'. Tingin nga wala diba?!

Kinuha nya lang 'yung libro at pinirmahan, 'yun lang tapos wala na. Taray diba?! Wala man lang recognition.

Hindi ba nya alam na grabe ang kaba ko kahit papalapit palang kami sakanila?! Halos hindi na nga ako makahakbang sa paglapit palang. Nanginginig ang mga kamay at binti ko nu'ng mga panahong iyon!

Hindi ba nya alam na kung ano-ano pa ang inisip ko na paraan para kausapin sya? Hindi ba nya alam na iba't ibang senaryo pa ang pumasok sa utak ko kung paano ko sya haharapin?!

Tapos ganon lang pala?!

Eh bakit 'yung iba kinakausap nya?! Tapos may selfie pa?! Bakit ako wala? Bakit sila mayron?! Tapos nagpapahawak pa sya! Sakin ayun lang, para lang akong hangin na may dalang libro nya!

Ready na 'yung phone ko para sa selfie eh, readyng-ready na. Pero wala, bigla nakuha na 'yung libro ng kasunod ko sa pila.

Mangiyak-ngiyak akong lumabas dun. Habang papaalis ay hindi pa rin ako makapaniwala!


Kaya ito ako ngayon. Trip mag-isa.

Kahit pagbuklat dun sa librong pinirmahan nya ay hindi ko pa nagagawa. Kahit nga magbasa ay wala na akong gana. Wala ako sa mood hanggang ngayon.

Ayokong isipin 'yung nangyari, sana! Ang kaso hanggang sa panaginip ko sinusundan ako.

At ang bwisit panaginip 'yan!







Itutuloy..


-----
NOTE: GUSTO NYO BA NG POV NI KIB? :) COMMENT!

PLEASE VOTE. SALAMAT!

His Reader (A KnightInBlack Fan Fiction)Where stories live. Discover now