"Panong gagawin nyo mamaya?" Ngiting-ngiti na tanong ni Mia.

"Lulubos-lubusin ang pagkakataon! Minsan lang 'to!" Ani Pat bilang sagot.

"Hello!" Pagkuha ng atensyon namin ng mga babaeng lumapit sa'min, lima sila.

"Hi!" Halos sabay-sabay naman naming tatlo na pagbati.

"Babies?" Masiglang tanong nu'ng isa.

"Yes!" Mabilis na tugon ni Pat ng may malawak na ngiti na nakapagpabaling sa'kin sa direksyon nya. At binigyan ko sya ng nagtatanong na tingin.

Babies?

"Tawag sa readers ni kuya---KnightInBlack." Sagot nu'ng babaeng may mahabang buhok habang nakangiti. "Bagong reader?" Tanong nya sa'kin.

"Oo." Naiilang na sagot ko dahil nakatingin na silang lahat ng mga kasamahan nya sa'kin.

"Great! Wow! Welcome to the club!" Wika nu'ng isa habang kinakalkal ang bag nya. "Here!"

Paglalahad nito sa'kin ng isang "Bookmark?" Nakakunot noong tanong ko habang tinititigan iyon.

"N-Nagbibigay kami ng freebies eh." Sagot nito ng nauutal. "Ito naman 'yung sainyo." Anito sabay baling sa mga kaibigan ko at inabutan sila ng naiibang bookmark kumpara sa'kin.

"Mas maganda 'yung sakanila." Naibulalas ko ng wala sa sarili kaya napatakip ako ng di oras sa aking bibig. Nanlalaki ang mga matang tinignan ko sila isa-isa na mga nagpipigil ng pagtawa. "S-sorry." Naiilang na wika ko ng makabawi sa pagkabigla.

"Hindi kita masisisi ate." Natatawang wika nito. "I'm Reyah." Pagpapakilala nu'ng babaeng mahaba ang buhok at naglahad ng kamay sa'kin. Mukha syang 13 years old.

"Rory." Pilit ang ngiting sagot ko habang tinatanggap ang kamay nya dahil medyo nawiwirduhan na ako sakanya. Kanina ko pa kase sya napapansin na tingin ng tingin sa'kin tapos ngingiti. Ang creepy. "You're too formal." Pagpuna ko sa pakikipagkamay nya na ikinatikhim naman ng mga kasamahan nya.

Tatawagin na sana sya nu'ng isa sa mga kasama nya ng bigla syang yumakap sa'kin at nagbeso pa sa magkabilang pisngi ko. "I'm pleased to meet you Ate!" Malawak ang ngiti nya habang hawak ako sa makabilang balikat.

"Same here?" Patanong kong sagot habang medyo nangiwi na ikinahagikgik naman nya at bumaling sa mga kaibigan ko. "Hello po! I'm Reyah." Nakangiting wika nya.

"Hi I'm Mia." Ngiting-ngiti na sagot ni Mia.

"Pat." Ani Pat.

"Nice meeting you!" Anito at bumeso din sa mga kaibigan ko na mukhang nagulat din.

"Jusko Reyah!" Wika nu'ng isa. "We should go, mamimigay lang dapat tayo ng FREEBIES, HINDI BA?" Dugtong pa nito ng may diin sa dulo.

"I'll stay, pwede ba?" Tanong nito sa'kin matapos ay mahigpit na kumapit sa braso ko.

"Ye-Yeah, sure." Naiilang naman na tugun ko.

"You really want a mad mammoth?" Mahinang tanong nu'ng isa pa.

"He is, I think." Pagdedeklara nung babaeng may maikling buhok.

"Mad. Mammoth." Pahabol pa nu'ng isa.

"I'm not scared." Ani Reyah sa naiiritang boses sabay bitiw sa braso ko. "Mauna na muna kami ate, ate Mia and Ate Pat." Anito ng nakanguso. "See you around!" Bago umalis ay may pahabol pa ito na ikinalaglag ng mga panga namin. Maging ako ay parang naestatwa.

Hinalikan nya ako sa gilid ng labi!

"What the?!" Wika nu'ng isa ng makabawi sa pagkagulat at sabay-sabay pa silang luminga-linga. Siguro ay tinitignan kung may nakakita sa ginawa'ng kabaliwan ng kaibigan nila.

Maygad!

Hanggang sa makaalis sila ay hindi pa din ako makapaniwala!

Ilang minuto pa ng katahimikan ang sumakop sa'min.

"She's a girl, right?" Ani Pat.

"Maybe." Sagot ni Mia. "May gusto yata sa'yo!" Dagdag pa nito ng nakatingin sa'kin.

"Mia!" Pagbawal ko dito. "She looks so innocent, siguro ganon lang talaga sya?" Patanong na wika ko. Maging ako ay hindi sigurado.


Ilang sandali pa ay pinaayos ng pila sa harap ng mga tent. Nandu'on na ang mga table sa harap at iilang staff na nag-aayos. May mga bakal na nakaharang sa harap na mistulang bakod na magiging pagitan ng mga table sa mga tao'ng nakapila. Mayron naman itong sapat na space sa harap para sa mga magpapa-sign. At may isang maliit na space na daanan para makapasok ang pila-pilang mga suporter. Batch by batch ang pagpapapasok.

Bago makapasok ang isang batch ng pila ay may ibibigay na stab ang mga staff sa harap ng bakod.

May iilang author na akong nakikita na nakaupo na sa kani-kanilang mga pwesto. May iilang bakante pa.

"Omg! Bakit ang tagal-tagal!" Bulong nu'ng isa'ng katabi ko sa pila.

"Wala pa naman si kuya KIB." Sagot ng kasama nya.

Maging ako ay kinakabahan.

Nasaan na kaya sya?

Iginala ko ang aking piningin sa buong paligid. Ang daming tao. Ang haba ng pila. Habang nagpapalingon-lingon ako ay may nakita ako na nakapagpataas ng isang kilay ko. Hindi ko inaasahan na nandito din sya. Ayun ba 'yung sinasabi nya kahapon?

Bigla akong namula dahil sa pagkakaalala ng mga sinabi nya kahapon at ang ginawa kong paghawak sa kamay nya. Sht!

Kilala ko na kahit nakatalikod sya sa pwesto ko at may mga kausap na staff. Bawat pagkibit ng balikat, pagtango at paglingon nya ay sinusundan ko ng tingin.

Sexy back. Sexy moves. D-mn it! Ipinilig ko ang aking ulo para mawala ang mga iniisip ko.

Ngunit parang walang epekto dahil sakanya parin ang bagsak ng mga paningin ko. Don't tell me staff sya dito sa event na 'to or something? Nakakunotnoong tanong ko sa isip. Ibang klase ang daming racket ni kuya!

Titig na titig ako sa likod nya ng biglang kumalabog ang puso ko dahil sabay ng pagharap nya ay ang tilian ng mga kasamahan ko dito sa pila.

Hindi ko na halos maintindihan ang mga sigaw sa sobrang dami nila. Nakakabingi ang mga tilian! At para naman akong tanga du'n na nag-iisang walang ginagawa kung hindi ngumanga at hindi malaman kung anong gagawin o kung ano na ba ang nangyayare.

Hindi magkandaugaga sa pagkakilig at pagtili ang mga kasamahan ko ng bigla syang hilahin sa likod ng tent ng isang staff.

"Ssssshh.. Hindi namin ilalabas si Kib hanggang maingay kayo." Wika nu'ng staff na may hawak ng mic na nakapagpatahimik sa lahat.

Bigla nanaman akong nakaramdam ng pagwawala sa loob ko.

Ng sumenyas ang mga staff ng okay sign ay muli syang lumabas at nagtungo sa table at du'n ay prenteng naupo.

"Kahit may mask ulit gwapo pa rin!"

"Sht! Sya na ba talaga 'yan?"

"He reminds me of Raze Silvenia."

"Kuya KIB!"

Para akong tanga. Hindi ako makagalaw. Kahit pagkurap ay halos makalimutan ko na. Ilang beses din akong napalunok.

Hindi ko malaman kung anong gagawin ko. Nakikisunod nalang ako sa pag-usad ng pila ng magsimula ang signing.

Walang ibang pumapasok sa utak ko ngayon kung hindi 'yung mga pagkakataong nalalapitan ko sya.

Sht!



So it's him?



Itutuloy..


-----
COMMENT AND VOTE.
SALAMAT!

His Reader (A KnightInBlack Fan Fiction)Where stories live. Discover now