Chapter 33 : When Mute Talks

Zacznij od początku
                                    

Tinignan ako ni Hymn at nilagpasan, sumunod sila Jett at Draco.

"You should rest too Summer," suhestiyon ni Cali na nagpaiwan sa grupo.

Ano pa nga ba ang magagawa ko? Iniwan na ako ng mga kasama kong hindi maintindihan kung anong nangyayari. Nagpaalam na ako kay Cali at sinundan ang dalawa sa taas.

Nasa pinto palang ako ay rinig na rinig ko na ang pagwawala ni Audie sa loob. Pagpasok ko ay sumalubong sa akin ang gulo gulong kwarto, nasa lapag ang mga unan at kumot, kung saan saan napunta ang comforter at parang dinaanan ng bagyo ang buong silid.

"Ugh! Nakakainis talaga ang lalaking yun, akala mo naman ginusto ko yung nangyari! Aish! Ang kapal ng mukha! Kainis!" galit na galit siya sa bawat salitang binibitawan niya, salubong ang kilaya at habol sa paghinga na parang galing sa pakikipag karera.

"Ano bang nangyayari sayo Audie? Bakit ba inis na inis ka diyan?"

"Aish! Nakakainis talaga, nasayang lang ang first kiss ko sa kanya," hindi na  niya napigilan ang sarili at nailabas ang hinaing.

Ilang segundo bago nag sink in sa utak ko ang sinabi niya. Nang mapagtanto ay agad akong napatabi sa kanya. Si Zeya ay tulala lang sa isang tabi, walang pinagbago.

"Wait, what? First kiss? Sino?"

Tinitigan ako ni Audie. Gusot ang mukha pati ang buhok sa pagwawala.

"Si Storm," busangot na mukha niyang sabi.

My lips formed an O-shape, seeing Audie right now, she's like in the verge of suicide.

"H-How?" saka lang ako nakahahip ng itatanong.

She started to tell the story and I am eager to listen. My curiousity filled with satisfaction when I heard the whole.

"So, Storm is now your first kiss?" nakangiti kong sabi, may halong pang-aasar.

"Yeah, nakakainis talaga!" muli siyang sumimangot.

Pasimple namang ngumingiti si Zeya, pero hindi nakatakas sa mapagmatyag na tingin ni Audie.

"Tinatawanan mo ba ako Zeya?"

Napatigil si Zeya sa lihim na pag-ngiti at mabilis na umiling. Naging seryoso naman ang mukha ni Audie at tinignan ng mabuti si Zeya.

"Maiba nga ako, hindi ka ba talaga marunong magsalita? Nahihirapan na kase kami kausapin ka, I mean, mas makakagaan kung magsasalita ka nalang diba? Ang hirap kaya ng ginagawa mo, hindi ka ba napapanisan ng laway?" sa isang iglap ay natuon ang usapan kay Zeya.

Tama si Audie, mahirap nga ang makipagkomunikasyon kay Zeya sa paraang alam niya. Nakaka-inip rin maghintay minsan ng sagot niya kapag sinusulat ang mga ito.

Katulad ng nakagawian, ngayon ay nagsusulat na naman siya.

"Marunong naman ako magsalita."

"Ayun naman pala! Marunong ka magsalita, bakit ayaw mong magsalita?" bulyaw ni Audie.

Muli siyang nagsulat.

"Hindi lang ako sanay," nakalagay sa sulat.

"Diyos ko, kailan ka pa masasanay? Kapag graduate na tayo?" tanong muli ni Audie.

Nakikinig lang ako sa kanila at napapatawa. Hindi na nagsulat pa si Zeya, sumenyas na matutulog na lang siya. Nadagdagan ang inis ni Audie na nagsimula kay Storm, ngayon ay kasama na si Zeya.

Wala na kaming nagawa at umayos na rin para matulog. Ngunit bago pumikit ang mata ko ay may narinig akong salita.

"Goodnight!"

Of The Shattered CompassOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz