Biglang nag-init ang ulo ni Sharla at sa halip na maawa sa lalaki ay hindi na ito nakapagtimpi, "Ang sama naman pala talaga ng ugali mo e. Kaya ka naman pala iniiwan."

Sumama rin naman ang tingin sa kanya ng lalaki," Anong sabi mo? Babaeng hindi naman kagandahan?"

Napasinghal si Sharla. Oo alam niya namang hindi siya maganda. Na kung gagawing pelikula ang buhay nila ni BJ, supporting actress lang siya. Pero hindi niya gustong minamaliit siya ng ibang tao. Lalo pa ng hindi naman niya kakilala. Palaban siya. "Sino ka ba sa tingin mo? Akala mo naman kung sino kang guwapo!"

"Miss, wala kang alam kaya 'wag ka na lang makialam," galit ding tugon ng lalaki.

Pero bigla niyang naalala ang planong regalo sa kaibigan. "Oh. Okay," tipid niyang reply habang nag-iisip ng sasabihin dito.

Itatapon na sana ng lalaki ang bouquet na hawak nang mapansin ito ni Sharla. Kaya naman hindi niya napigilan ang sariling mapasigaw, "H'wag, h'wag mong itapon, sayang!"

"Ha?" ismid ng lalaki sa kanya. "Ano bang...?"

"'Wag mo na lang itapon 'yan. Akin na lang." Paborito kasi ni BJ ang sunflower at naisip na niya kung saan ito magagamit.

"Pambihira. Kung sinabi mo kanina na ito lang naman pala ang gusto mo, dapat sinabi mo agad," sabi nito nang tuluyang ibagsak ang bouquet sa sahig. 'Buti na lang at hindi pa nasisira ang mga bulaklak. Tatapakan pa nga sana ito ng lalaking 'yon bago siya pigilan ni Sharla.

"'Wag nga. Bawal dawal magkalat dito, okay," saway nito nang akmang pupulutin ang bouquet sa sahig sabay turo sa signage na may nakasulat na 'No Littering'.

"Ah, siguro sa buong buhay mo, hindi ka pa nabibigyan ng flowers 'no?" pang-iinis pa sa kanya ng lalaki. Totoo iyon pero mas masakit para kay Sharla na marinig ito mula sa lalaking hindi naman niya ka-close. Itinigil ni Sharla ang pagpulot sa mga bulaklak. Hindi na niya makayanan ang panlalait mula sa lalaking hindi naman nakikilala.

"Hoy, lalaking suksukan ng yabang...."

Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang biglang magsalita si BJ mula sa may likuran niya," Bes, anong problema dito? Ang tagal mo. Kanina pa kitang hinihintay sa loob."

Napatingin ito sa lalaking kausap ni Sharla at hindi agad makapagsalita.

"Wala naman, miss," mahinahon nitong sagot na ikinagulat din ni Sharla. Kanina lang e parang lalamunin siya nito tapos nung si BJ na ang kumakausap dito, biglang parang anghel na siya. "Inaabot ko lang 'tong bula..."

"Yes, bes," putol nito sa lalaki. May naisip siyang isang malaking plano na reresolba sa dalawa niyang pakay. Tuluyang pinulot ni Sharla ang mga bulaklak na binagsak ng lalaki sa sahig. "Pasensya ka na bes. Nalaglag ko kasi'yung flowers nang inaabot niya sakin kanina. Alam mo na, plano kung itago muna ito para mas ma-surprise ka sana mamaya. Kaso, andito ka na e."

"Ang ganda ng flowers, bes. Ito na ba ang sorpresa mo sa 'kin? Salamat," tuwang-tuwang sagot nito. Hindi iyon ang inaasahan ni Sharla. Akala niya ay lubos na niyang nakikilala ang kaibigan. Hindi niya akaling magiging sapat na ang bouquet ng sunflower para dito.

"Hindi bes. Part pa lang 'yan. Dahil ang totoong gift ko sa 'yo ay nasa harapan mo na! Tara!" sabay turo ni Sharla sa kinaiinisang lalaki.

Halatang-halata ang pagkagulat ng lalaki pero alam ni Sharla na hindi nito mahihindian ang kaibigan niya. Bata pa lang sila, talaga namang si BJ lagi ang panlaban sa mga beaucon, at kapag kailangan ng muse sa mga liga ng barangay at pati na rin sa klase at intramurals sa school, bidang-bida ito. 'Yun nga lang, may sadyang list na hinahap itong si BJ sa isang lalaki. Ang pinagsama-samang katangian ng mga nababasang karakter sa libro, gusto niyang makita sa iisang lalaki. Kaya nga siguro hindi pa rin niya ito mahanap-hanap sa mga nakilala niya. Kaya naman, cool na cool para kay Beej ang mga EB at pakikipag-date sa mga bagong kakilala. Kasi, masayang-masaya si Sharla na ireto ang kaibigan. At kapag masaya si Sharla, masaya na rin siya. Saka alam naman niyang para sa kanya kaya ginagawa iyon ng kaibigan.

"Naku, nagkakamali...." tanggi ng lalaki bago sipain ni Sharla ang paa nito.

"Ahahahaha, ikaw talaga. Kinabahan ka naman agad nang makita mo si bes," sabi pa ni Sharla nang tapunan ito ng isang masamang tingin. "Magpakilala ka naman sa kaibigan ko," patuloy ni Sharla.

Bigla namang lumabas ang security guard ng café na agad lumapit sa tatlo. Pa-simple kasi itong kinawayan ni Sharla para makuha ang atensyon nito. "Mga ija, may problema ba kayo? Ginugulo ba kayo ng lalaking 'to? Napansin ko rin kasing kanina pa kayong nakatayo d'yan."

"Naku, boss. Wala naman. Ito kasing si..." sagot ng lalaking mayabang.

"Sharla," sabad ni Sharla.

"Yes, Sharla, ipinapakilala sa akin ang kaibigan niya...."

"Opo, kuya. Pasensya na kayo," sabad ulit ni Sharla. "Totoo ang sabi nitong si...."

"Kren," dugtong ng lalaki.

"Yes, nitong si Kren. Papasok na rin po kami sa loob," patuloy ni Sharla.

"Ayon naman pala, sige, pasensya na rin kayo kung naabala ko kayo sa usapan n'yo."

"Salamat, boss," sagot ni Kren dito.

Ang bait talaga ng pota, bulong ni Sharla sa hangin.

"May sinasabi ka ba Sharla?"

"Wala naman."

"Guys, hello. I'm here. Pansinin n'yo naman ako," pabirong sabi ni BJ. "P'ano ba kayo nagkakilala?"

"Kren nga pala, nice to meet you. Sorry, sobra kasi akong natutuwa dito sa kaibigan mo." Halata naman ni Sharla na bwisit na bwisit ito sa kanya. Lalo na nang sinabi nito ang salitang natutuwa.

"Call me Beej," sagot naman ni BJ.

"Sorry na bes. Sige na nga doon na kayo mag-usap sa loob, dito na lang muna ako sa labas."

"Sumama ka na sa 'min sa loob," pilit pa sa kanya ni Beej. Nahuli naman niya ang pagsimangot ng mukha ni Kren.

"Hindi nga, okay lang ako dito. Natutuwa akong makinig sa tunog ng alon."

"Okay, basta 'pag gustong mo nang pumasok sa loob, puntahan mo lang kami roon. 'Tsaka 'wag kang lalayo."

"Sige na, sige na."

Pumasok na nga ang dalawa sa loob at s'yempre nagawa pa ngang mang-inis nitong si Kren. Binelatan lang naman siya nito na halatang nang-iinggit. Mukha tuloy kawawang bata itong si Sharla nahindi papasukin sa café. Pero totoo naman talagang gusto munang mapag-isa nitong si Sharla. Totoong gusto niyang naririnig ang alon ng dagat. It gives her hope. Sa dami na nang nangyari sa buhay niya, malaki na rin ang naitulong ng dagat sa kanya. Pero minsan, gusto rin niyang magalit dito. Kung bakit patuloy itong nagbibigay ng pag-asa sa kanya, kaya patuloy pa rin siyang naniniwala na makikita pa ang matagal nang hinahanap.

Habang mag-isang nakaupo sa labas ng café at inaalala ang mga pangyayari bago ang highschool graduation ilang taon na ang nakalilipas, bigla naman niyang naalala ang eksena sa bookstore kaninang umaga. Hindi na kasi niya naitanong kay Kren kung anong meron sa binigay nitong bookmark. Sinilip niya ang dalawa sa loob. Kitang-kita niya kung paano napapatawa ng binata ang kanyang kaibigan kaya naman napapangiti na lang din siya.

Sa huli, bago pumasok sa loob ng café makalipas ang halos isang oras, kinuha niya ang pinakatatagong bookmark sa maliit na bag na suot. Muli nga niyang binasa ang sulat-kamay na mensahe rito: Tonight, you will fall in love. See you at Heart Beach Café. 8PM.

9:00PM na at para kay Sharla wala namang ibang nangyari sa loob ng isang oras na lumipas. Siguro'y nag-expect lang siya. Pero bakit nga ba siya nag-eexpect? In the first place, para naman sa kaibigan niya ang lahat ng ginawa niya ngayong gabi. Dahil wala nang magawa ay saka niya pa binaliktad ang hawak na bookmark. Ang asul na bookmark na akala niya noon ay one-sided lamang ay may printed message pala sa kabilang side. Hindi tulad ng harap nito na makinis at matingkad ang kulay kung saan nakasulat ang mensaheng nagdala sa kanila sa café, walang kulay at malabo ang nakasulat na text sa kabilang side nito. Sa unang tingin, hindi nga niya iisiping may nakasulat pala roon. Kinabahan siya nang tuluyang mabasa ang nakasulat doon. It reads, "To the next person who will get this blue bookmark, you're doomed."

***Thanks for reading this chapter***

Author's Note: Hey babes, what do you think about this chapter? Please comment your thoughts below.

Sea You Again [COMPLETED]Where stories live. Discover now