Chapter 31 : Back Story

Start from the beginning
                                    

"YOU-- WHAT--- URGH ! CURSED YOU," aktong hahablutin ni Prescilla si Hymn pero mabilis na iniharang ni Hymn ang gunting sa mukha ni Prescilla.

"Try, just try to touch me and I'll cut your annoying pretty face, flirty woman !" mas matalas pa ang dila niya kesa sa hawak niyang gunting.

"Ugh ! You'll pay for this," talikod ni Prescilla. "Oh my god, my hair," halos paiyak na sabi ni Prescilla.

"Buti nga," proud kong sabi.

Siniko ako ni Rheiko bilang pagsaway ngunit mas nilawakan ko ang ngiti ng muli kaming lingunin ni Prescilla. Mas namuo ang galit sa mukha niya at parang gusto na kaming sunggaban ano mang oras.

Ilang oras ang itinagal ng biyahe. Nakarating kami sa pag-gaganapan ng aktibidad, isang resort iyon na halos walang taong napasyal. Ngayong taon lang ako nakasama, mabuti nalang at napilit ko si Kuya sumama ako kundi ko pa sinabi na walang makakasama at magbabantay kay Rheiko ay hindi niya ako isasama.

Ilang kwarto ang inokupahan namin, handa narin ang lahat nang dumating kami. Tatlong tao sa isang kwarto kaya naman, ako, si Rheiko at Zeya na ang nagsama sama. Hindi ko na inintindi ang iba kung sino ang magkakasama sa kwarto ang mahalaga ay magkakasama kami. Inilapag na namin ang mga gamit, alas onse na nang umaga kaya naman mainit na at sakto ang oras para magpahangin sa labas. Kaya nang matapos mag-ayos ay mabilis lumabas si Zeya, nagpa-alam siya sa pamamagitan ng pagsenyas sa amin.

Hanggang ngayon ay hindi ko parin alam kung bakit hindi niya magawang magsalita. Nakakarinig siya kaya't imposibleng hindi siya nakakasalita. Hindi lang namin maitanong kung bakit pinipigilan niya ang magsalita dahil lagi siyang umiiwas. Naisip ko tuloy kung paano siya sa klase niya, hindi kaya siya nabu-bully ?

"Audie, pwede bang magtanong?" nawala ang pag-iisip ko kay Zeya nang marinig si Rheiko na magsalita.

"Yes?" saglit kong itinigil ang pag-aayos at paghahanap ng pamalit na damit.

"Sino yung bagong dating? Sino si Shaun?" natigilan ako sa tanong niya at bahagyang napatikhim.

"Ah, kapatid siya ni Ash."

"Magakapatid sila? Pero bakit parang hindi naman masaya si Ash na makita siya?" bakit ba napansin niya agad yun.

"Uhm, hindi sila magkasundo. 'Di ba ganun naman sa magkapatid? Pwedeng magkasundo pwedeng hindi,"

"Bakit parang mas may malalim pa na dahilan? May kakaiba sa tingin ni Ash, something-- something deep that I couldn't help but to ask you, is there something wrong with their relationship as sibling? Ahm, oh--sorry masyado na ata akong nagiging tsimosa,"

Napatawa ako sa reaksyon niya. She always had that cute reaction. "It's okay Rheiko, well you're right. May alitan na sa pagitan nila,"

Napatango siya. "I see, kaya pala ganun nalang ang reaksyon ni Ash,"

Kilala ko si Rheiko, at nababasa ko sa mukha niya na gusto niya pang magtanong tungkol kay Ash kaya naman ako na ang nagkusa, dahil alam ko naman na hindi siya titigil hangga't hindi niya nalalaman ito.

"Can I tell you a secret Rheiko?"

Biglang napadilat ang mata niya nang mapatingin sa akin. Kita sa likod ng mga mata ang pagiging excited.

"What secret?" kunwa'y nagtataka pero halatang gusto ang narinig.

"About Ash and Shaun,"

Alam kong masama ang magsabi ng sikreto ng iba pero pasasaan pa at malalaman niya rin, isa pa ay hindi iba si Rheiko. Bukod sa bestfriend ko siya, malapit siya sa amin ay ka-dorm siya ni Ash na minsan ay naka-away niya rin. Hindi naman gagawa si Rheiko na ikakasira ni Ash kapag nalaman niya ang sasabihin ko, sigurado ako roon.

"What about Ash and Shaun?" mas naging excited ang mukha ni Rheiko.

She's always been the most curious girl I know.

"Ash and Shaun are not sole mother related brothers, they just had the same father,"

Ilang segundo napanga-nga si Rheiko na parang iniisip ang sinabi ko. Nang mapagtanto ang salita ay bumalik siya sa ulirat.

"R-Really ? But, that's not a reason para hindi sila maging close right? Bakit ang layo nila sa isa't isa?"

"Ash is not a legitimate son, anak siya sa pagka-binata ni Tito Shadow from some girl in a club, while Shaun is Tito Shadow's and Tita Claire's one and only son and the funny thing is, Tita Claire once fall in love with Tito Nalu," bakit ko ba nasabi yun, muli kong naalala ang lovestory nila, ang romantic talaga pakinggan.

"R-Really? Woah, that was a hard secret," hindi makapaniwala pero natatawa si Rheiko at namangha sa nalaman.

"Yeah, Tita Claire and Tito Nalu are childhood sweetheart way back, but Tita Lirie is Tito Nalu's first love. That's not the case by the way, so ayun nga hindi naman malayo talaga ang loob ni Shaun kay Ash, si Ash lang ang nagmamatigas kung anong lapit ang ginagawa ni Shaun ay siya namang iwas ni Ash. Shaun always follow Ash anywhere, just to please him. Pero laging lumalayo si Ash, sa tuwing makikita kase ni Ash si Shaun, naiisip niya na sana buo ang pamilya niya kung pinanindigan lang ni Tito Shadow ang mama niya,"

"So, in short, may galit si Ash sa Daddy niya?"

"Uhm, sort off-- but deep inside, he loved Tito Shadow more than anyone in this world. You see, hindi naman siya mabubuhay kung wala si Tito Shadow at kahit kailan ay hindi naging bias si Tito Shadow between Ash and Shaun. Two years ang tanda ni Ash kay Shaun pero imbes na first year, second year na ata ngayon si Shaun dahil na-accelarate siya ng isang taon sa school,"

"Hmm, hindi ko alam na may ganyan palang nakaraan si Ash. I felt sorry for him," ramdam ko ang lungkot ni Rheiko sa mata niya. Hindi talaga siya marunong magsinungaling kahit sa reaksyon ng mukha.

"Now you know the behind story of grumpy face of Ash?" nasabi ko nalang para maiwaksi ang isip niya.

Napatango siya at ngumiti. "Yeah, now I know,"

"Hoy ! Kakain na, mga pa-importante!" kahit hindi namin nakita, alam naming si Hymn ang sumigaw mula sa labas.

Nagkatinginan kami ni Rheiko. "I want to know the story behind those grumpy attitude too," simangot ni Rheiko na pinatutungkulan si Hymn.

"Wala kang dapat malaman, that was inborn," bulong ko kay Rheiko na ikinatawa niya.

"Ang tagal niyo, bahala nga kayo diyan!" at narinig na namin ang pagmartsa niya pababa.

"But, there's more interesting story more than Granny Framm," napatingin si Rheiko ng may pagtataka.

"Who's story then?"

Nagbigay ako ng makabuluhang ngiti. "Hmm, about a boy named Cali and a girl named Rheiko, wanna share some story about them?" pataas taas na kilay kong sabi.

Bigla naman siyang namula at napayuko. "Tara na, nagagalit na si Hymn," bigla siyang bumaba at dumiretso sa pinto.

"Hey! Ang daya mo,"

Bigla siyang sumilip ulit sa pinto.

"I'll tell you some other time, I promised. But for now, let grab some lunch," hindi na niya ako hinintay at tuluyang bumaba.

Ang daya talaga. Ngunit napa-isip ako, kamusta na nga kaya sila ni Cali?

Of The Shattered CompassWhere stories live. Discover now