I rolled my eyes to him at uminom ulit. Maya-maya lang ay may umupo sa upuan ni Sab. At first, hindi ko pa siya namukhaan pero nang maalala ko ang Mall doon ko na siya nakilala.

"Hey." Bati nito. I smiled to him.

"Charles." I uttered.

"Buti naman naalala mo ako. By the way, mag-isa ka lang?" He asked.

"No. I am with my friends. Ikaw?"

Ngumite muna ito bago sumagot.

"I'm with my friends too. Andoon sila sa gilid. Nakita kita, so, pumunta ako dito." Sabi nito sabay turo sa mga kaibigan niya at isa lang ang masasabi ko ang gagwapo nila. Pati rin ng lalaking ito sa harapan ko, makalaglag panty eh?

"Hindi ka ba nila kailangan doon?"

"No. Kasama nila girlfriends nila that's why I decided na puntahan ka dito. OP ako doon." He said sabay tawa. Tumawa narin ako. Nakakahawa kasi iyong tawa niya, hindi ko alam basta ang gaan ng loob ko sa kanya. Ang bait niya kasi.

"Haha. Loko ka. Edi sana dinala mo girlfriend mo para hindi ka ma-OP." I said to him at sa hindi sinasadya ay nahagip ng mata ko si Zenberg at ang talim ng tingin nito sa'kin at kay Charles.

Now, you're acting like that? Psh.

Binalik ko ang tingin ko kay Charles at ngumite dito.

"I have no girlfriend. Naghahanap palang. Parang may prospect na nga ako." He said sabay tingin sa'kin.

Medyo nailang naman ako ng onti dahil sa pagkatitig niya sa'kin. Uminom muna ako bago siya sinagot.

"Ikaw walang girlfriend? Sa gwapo mong iyan? Hindi nga?" I said. Napasinghap naman ako ng bigla niyang ilapit ang mukha niya sa'kin. Hindi ako nakagalaw dahil parang naparalyze ang buong katawan ko.

"So, gwapo pala ako?" Bulong nito sa taenga ko. Bahagya kong inilayo ang mukha ko sa kanya kasi nakita ko ang mukha ni Zenberg, ang dilim.

"Ah? Haha. Joke lang iyon." Naiilang na sabi ko at inubos ang inumin sa baso ko. Pakshit! Ba't ganito nararamdaman ko? Ang lakas ng appeal nitong lalaking ito ha.

"Kasasabi mo lang eh. Gwapo ako." Sabi nito sabay kindat. Napamura pa'ko dahil ang gwapo niyang tignan doon.

Gago! Ang gwapo!

"You're blushing." Tukso nito sabay sundot sa tagiliran ko. Napakending ako ng bahagya dahil sa ginawa niya.

"Haha. Cute!" Sabi nito. Hinampas ko na kasi ang gago.

"Heh! Baliw ka! Psh." Sabi ko dito pero tinawanan lang ako.

"So, friends?" Sabi nito sabay tihaya ng kamay niya sa harapan ko. Kinuha ko naman iyon at nakipagshake hands.

"Yeah. Friends." I said to him. And I was caught off guard ng bigla niya nalang akong hinalikan sa pisnge. Napakurap-kurap pa ako ng ilang beses dahil sa ginawa niya.

"What the--" nasabi ko nalang.

"Sorry. Nagulat yata kita. Ganoon kasi ako pagnakaroon ako ng bagong kaibigan na babae." He apologized. Sincere naman ang pagkakasabi nito kaya ngumite nalang ako.

"It's okay. I--"

"It's not fucking okay." Naputol ang sasabihin ko ng bigla nalang sumulpot sa gilid namin si Zenberg. Bigla akong kinabahan dahil sa mukha nito. Ang dilim masyado at ang kamay niya nanginginig habang nakakuyom.

Book 1: When I Met This GangsterHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin