Chapter 26 : Permission

Start from the beginning
                                    

---

Isang magulong kwarto ang dinatnan ko, hindi nakaligpit ang higaan, sala-salabat ang mga gamit at talagang nakakahilo, kung si Draco ang pumasok dito malamang ay nahimatay na siya.

Pero sa kabila ng magulong paligid, isang bagay ang napansin ko na siyang nag-iisang maayos na nakasabit sa dingding.

Ang litrato namin noong mga bata pa kami, nakasabit malapit sa higaan ni Storm sa ulunang bahagi. Nasa kanya parin pala ang kopya nito, kung naibebenta lang ito ay binenta ko na ang sa akin tsk. Kitang kita ang kagwapuhan ko na angat sa lahat, lamang lang talaga ng isang paligo sakin si Kuya Cali at lamang naman ng dalawang paligo si Kuya Cloud.

Ano bang mga pinag-iisip ko imbes na kumuha nalang ako ng kung ano rito. Naghalungkat ako sa gamit ni Storm pero wala akong makita, kaya naman dumampot ako ng malinis na underwear, ito ang ibibigay ko kay A tutal sabi niya naman ay kahit ano. Tss, obsess na ata siya at hindi ko aakalain na ipapagawa niya ito sa akin, ako naman ay parang tanga na sumunod sa kanya. Hay nako. Di bale, huli na naman ito at makakatakas na ako sa sumpa niya sa wakas.

AVIAH RHEIKO SUMMER

"Summer," tumabi sa akin si Cali. Wala pang masyadong tao dahil maaga pa para sa pangalawang paksa namin.

Naisara ko ang kwaderno na binabasa. "Cali, ang aga mo ata,"

"Mas maaga ka."

"Yeah right."

"Oo nga pala, may sasabihin sana ako-- I mean may itatanong ako sayo," seryoso ang mukha niya kaya naman kinabahan ako.

"Ano yun?"

"Uhm-- yung, tinanong ko dati sayo maari ko na bang makuha ang sagot mo?" napatingin ako sa kanya na may di maipaliwanag na mukha.

"Anong tinatanong mo?"

Napayuko siya ng bahagya na parang dismayado. "Nakalimutan mo na agad," malungkot niya sabi.

"Sorry Cali, ang dami mo kaseng tinatanong dati kaya hindi ko na alam kung alin dun," ano ba kaseng ibig sabihin niya.

Napatunghay muli siya. "Yung-- pangliligaw ko Summer, pwede na ba ako manligaw sayo?" Jesus, diretsahan talaga siya.

"Huh?" kamot ulo kong tanong.

"Yung panliligaw ko, pwede na ba?"

Sa totoo lang ay matagal ko ng naiisip ang bagay na yun at kailanman ay hindi ko kinalimutan, at ngayon ay mukhang kailangan ko ng sagutin dahil wala na ako ibang maidadahilan para hindi sagutin yun.

"Uhm-- okay Cali. I'm giving you permission to court me."

Hindi siya makasagot. Bigla siyang natulala at hindi makapagsalita.

"Cali?"

"Are you serious?" nagtataka niyang tanong.

"Bakit? Hindi ba ako mukhang seryoso?"

Mula sa pagkakatulala ay unti-unting nagkaroon ng ngiti sa labi niya at sumubsob sa lamesa niya sa di ko malamang dahilan.

"Cali? Anong nangyari sayo?" kinalabit ko siya pero hindi siya tumutunghay.

"Cali?"

"Wag ka magulo, kinikilig ako eh," and by that I laughed, I laughed so hard like it was the happiest day on earth.

"Summer? Tinatawanan mo ba ako?" nakasimangot niyang sabi.

"Sorry, I just can't---" hindi ko talaga mapigilan ang tawa ko dahil sa ginawa niya.

Of The Shattered CompassWhere stories live. Discover now