Chapter 24 : Bow Before Me

Start from the beginning
                                    

"Yeah sure. Audie, bantayan mo si Summer ah."

"Tss, at bakit? Girlfriend mo ba siya para pabantayan mo?" mataray na tanong ni Audie.

"Not yet." ngisi naman ni Cali.

"Lakas ng kumpiyansa sa sarili, oo na Mr. Frazer, babantayan ko ang future girlfriend mo." siniko ko si Audie sa tinuran, hindi man lang sila nagpasintabi kahit kaharap ako.

"Good, thank you then. See you later Summer." paalam niya at dineretso ang daan papunta ng susunod na klase niya.

Ngunit hindi pa nakakailang hakbang si Cali ay napuno ng sigawan di mula kalayuan sa pathway na kinatatayuan namin. Bunch of girls are in a hurry running towards the field, screeching out a familiar name.

"OMG ! CLOUD ROVEN LOPEZ ! KRISTOFF FORMER RANK 1 AND MODEL."

"GEE.. HE'S A REAL DOCTOR NOW."

"WHAT IS HE DOING HERE ?"

"HANDSOME AS EVER."

Kusang inalis ni Audie ang braso niyang hinahawakan ng kamay ko at unti unting lumakad papunta kung saan nagtatakbuhan ang mga babaeng may mga maiiksing palda hindi tulad ng iba.

"Always trending as he is." narinig ko pang sabi ni Cali. Kung gayon ay kilala niya ang dumating.

"What the hell is he doing here?" bigla nalang sumulpot sa tabi ko si Storm, kasunod sa likuran sila Jett, Draco, Hymn at Ash.

"What ? Are you not happy to see your older brother?" tanong naman ni Ash.

"Shut up! I'm not talking to you."

Older brother? But I heard the name somewhere--- oh yeah ! Cloud, Cloud, the name that Audie's always talking to. So, kuya ni Storm ang crush niya?

Nahawi ang mga babae at isang lalaki ang iniluwa mula sa madla. Napatulala ako, isang prinsipe na naman ang lumabas mula sa libro.

Perpekto.

Lumapit siya samin dala ang isang ngiti. May hinanap pa ang mga mata niya, nang matuon sa tabi ko ay mas lumuwang ang ngiti, Si Storm ang hanap niya.

"Kuya Cloud !" voice in unison echoed around.

Yhno and Chance are hurriedly running toward the guy called Cloud.

"Hey !" masayang bati ng Cloud sa dalawa.

"Long time no see Kuya Cloud." si Jett naman iyon.

"Yeah, how have you been guys?" inilibot niya ang paningin, lahat ay natuwa maliban kay Storm o dahil ganyan lang talaga lagi ang itsura niya.

"Kailan ka pa umuwi?" si Storm.

"You seem not to be happy." mapang-asar na tanong ng Cloud.

"Tss, stop the drama older brother. Did Mom and Dad already saw you?"

"No, ikaw ang una kong pinuntahan."

"Wow ! Great. Do I need to held a party?" makapagsalita si Storm ay parang may dinaramdam siyang malalim ang pinaghuhugutan.

"When did you leave again?" tanong ulit ni Storm.

"Kakarating ko lang pina-paalis mo na naman ako? Hindi na ako aalis, dito na ulit ako. I'm a Licensed doctor now, I will work as an apprentice on Tito Darce's hospital."

"Wow hah ! Nandito kami, sige kayong dalawa lang mag-usap." pang-aasar ni Chance at natawa naman si Cloud.

May isang taong nananatiling nakatulala sa likuran at doon napatingin ang lahat kaya naman sinundan yun ni Cloud at bumungad sa kanya si Audie na halos maluha luha.

Of The Shattered CompassWhere stories live. Discover now