Chapter 23 : I'm Sorry

Magsimula sa umpisa
                                    

"Okay." sagot ko habang nakatalikod pero hindi maitago ang pag-ngiting kusang lumabas.

Inunahan niya akong maglakad at hinarang ako sa daan.

"Kinilig ka ?" walang kamuwang muwang niyang tanong.

"WHAT ?"

"Kinilig ka? Kinilig ka sa sinabi ko?" makapagtanong siya ay parang nangangamusta lang sa isang taong matagal niyang hindi nakita.

"Hindi no." sabi ko at nilagpasan siya.

"Kinilig ka eh." sunod niya at sinundot pa ang pisngi ko.

"Hindi nga. Oh eto na, kumain na tayo buti nalang at hindi pa ako kumain, sasabay na ako sayo."

Mabilis na naalis ang pang-aasar niya dahil sa mga nakahaing pagkain. Tila nag-ningning ang mata niya sa nakita, mabuti nalang.

"Buti nalang talaga pumunta ako rito para makikain. Salamat Summer ah." at kahit kailan, hindi pumalya ang pagkain para pasayahin siya.

"Paano mo nga pala nalaman ang bahay namin ?" sa lahat ng bagay, yun pa ang nakalimutan kong itanong.

"Cali's way." maikli niyang sagot.

Hindi na ako nakapag-diskusyon, kung sa paanong paraan niya nalaman ang bahay namin ay siya na ang nakaka-alam.

"Mmmm S-Summer, may gagawin ka ba n-gayon ?" puno ang bunganga pero walang pakialam na nagsasalita siya sa harap ko.

"Wala naman, bakit ?"

"Great, pwede mo ba akong samahan ?"

Mukhang nasagot na agad ang katanungan na kanina ko lang naiisip, kung saan ako pupunta at mag-gagala ngayong araw.

Tumango ako bilang pag-sang ayon kahit na hindi pa alam ang pupuntahan. "Sure, saan tayo pupunta ?"

Hindi na siya sumagot at tinuloy lang ang pagkain ng walang patid.

Matapos kumain ay nagpaalam ako na mag-aayos, hindi ko alam kung saan kami pupunta kaya't hinayaan ko nalang ang kamay kong kumuha kung ano ang napupusuang suutin. Umayon ang kamay sa kulay abong bestida, okay na siguro ito.

Pagkababa ko ay nananatiling naka-upo si Cali kung saan ko siya iniwan kanina. Mula sa pwesto niya ay nakita ko ang malawak na ngiti na pinawalan niya nang makita ako.

--

"Pasensya ka na sa dumi ng kotse, kalat ni Daddy yan. Napaka-kalat talaga ng lalaking yun." makapagsalita siya akala mo'y hindi tatay niya ang pinagsasabihan.

Puno ng mga pinag-kainan sa loob ng sasakyan, nangamoy rin ito sa kotse. Mukha ngang mas pasaway ang tatay ni Cali kesa sa kanya.

"Here.." inabot niya sa akin ang isang kahong tsokolate.

"Para saan 'to?"

"Para sayo, kainin mo." nakangiti niyang sabi.

"Thank you. Nag-abala ka pa."

"Bigay yan ni Chance dahil sa pagkuha namin kahapon sa kanya, okay na rin at hindi na ako bumili ng ibibigay sayo, nakatipid pa ako." napahiya pa ata ako sa pag-aakalang nag-abala siya bumili para sakin.

Hilaw na ngiti ang isinagot ko, napakaloko niya talaga. Minsan ay sadyang nakakakilig ang mga ginagawa niya pero madalas may halong kalokohan na hindi ko alam kung sinadya o talagang ganoon lang siya.

--

Hindi na ako nagtanong pa kay Cali kung saan kami pupunta at hinayaan nalang magmaneho siya kung saan man niya ako dalhin ay wala akong kamalay-malay.

Of The Shattered CompassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon