Chapter 20 : Rules and Regulations (2)

Start from the beginning
                                    

Bahala na sa pwedeng mangyari sa amin sa labas ng dorm sa ganitong alanganing oras. Ang mahalaga ay maibalik si Draco at kung may mangyari man na masama at wala akong nagawa ay paniguradong uusigin ako ng konsensya ko kaya naman habang maaga ay magawan na ng paraan. At iisipin ko narin na ginagawa ko ito para kay Tito Darce, bilang isa rin siya sa mga dahilan kung bakit nandito ako sa Kristoff dahil sa pagtulong niya kay Daddy noon.

DRACO AINLEY

Ngayon ko lang nalaman, masakit pala ang masaksak ng kutsilyo sa likod. F*ck ! Naiwan ako sa gubat, heto at namimilipit sa sakit sa nakabaong kutsilyo sa aking likuran. Hindi na napansin nila Cali ang pagkawala ko, hindi narin naman ako nakasigaw kaya siguro ay hindi nila namalayan pero alam ko naman na babalikan nila ako dito. Nanghihina na ang buong katawan ko, ngayon ay pinipilit kong lumakad kahit na tila namamanhid na ang kalahati ng katawan ko.


"Kung sinuswerte ka nga naman." nakarinig ako ng boses sa aking likuran.

Nang lingunin ko ay dalawang lalaki ang naroon, dalawa sa mga nakita namin kanina na nangbubugbog sa isang estudyante ng Kristoff. Nakangisi sila sa akin at parang sabik na sabik na bugbugin ako. Tumakbo ako, ginawa ang lahat para makatakas pero sadyang masama ang epekto ng saksak sa aking likod kaya naman naabutan nila ako. Walang dahas na pinagulong nila ako sa patag na lupa. mas sumakit pa ang sugat ko ng mailapat yun sa lupa. Dumaing ako ngunit hindi nagmakaawa, pinilit ko parin binangon ang sarili pero mas mabilis ang ginagawa nilang pagtadyak sa akin kaya kahit anong gawin ko ay nabagsak ako sa lupang pinanggagalingan ko.

"Tutal isa ka sa mga nakarinig ng usapan namin ay wala na kaming magagawa pa kundi patayin ka bata." sabi ng isa, kahit hindi ko nakikita ay alam kong nakangisi siya.

Hindi ako nagsalita, pilit ko lang ininda ang sakit ng sugat na natamo sa likod. Hindi ako pwedeng mamatay rito ng walang kalaban laban pero paano ko magagawa, isa lang ako, dalawa sila, may sugat ako at sila'y wala. Pilit akong tumayo ulit pero mabilis akong tinulak ng isa kaya naman napaupo ako at napasandal sa puno. Napapikit ako sa sakit na dulot ng pagkakabundol.

"Ano pa bang hinihintay mo, tapusin mo na yan, may hahanapin pa tayo." inip na sabi ng isa.

"Oo nga, eto na." bumunot ng baril ang isa at itinutok sa akin.

Magkahalikan kami ng nguso ng baril ngunit sa malayong distansya, sakto sa noo ko ang tama kung sakaling papaputukin niya nga ito. Ikinasa na niya ang baril at alam kong wala na akong kawala. Mukhang katapusan ko na nga talaga. Napapikit nalang ako, hinintay ang bala na pwedeng bumaon sa aking noo. Ngunit wala pang isang minuto ay nakarinig ako ng dalawang magkasunod na malakas na paghampas, kaya naman napadilat ako kaagad.

Nakita kong nakabulagta na ang dalawa sa lupa. May isang imahe ng lalaki ang sumulpot sa aking harapan, binitawan ang hawak na pamalong kahoy at pilit akong tinayo. Hindinko siya maaninagan dahil sa dilim ng paligid. Ang liwanag ng buwan ay taliwas ang pwesto sa aking kinatatayuan upang makita ang kanyang pigura.

"Si..Sino ka ?" marahan kong tanong habang inaalalayan niya ako.

"Wag ka ng magsalita, bilisan mo nalang din dahil nahihirapan ako sayo." napatingin ako bigla sa kanya ngunit hindi natigil ang aming paglalakad.

Kilala ko ang boses niya. Kilalang kilala.

"Kade ?" patanong ngunit sidurado akong Oo ang sagot.

Hindi siya nagbigay ng pahayag mas binilisan ang paghila sa akin, hindi niya ako sa dorm idineretso kundi sa clinic. Mabilis niya akong ihiniga ng padapa sa higaan, kumuha ng mga gamit, nagsuot ng pang-proteksiyong pang-kamay at sinimulang punitin ang bahagi ng damit ko na may saksak.

Nakapantulog rin lang siya, halatang kakagising lang din dahil sa gulo gulong buhok. May itinurok sa akin at alam kong pang-pamanhid. Hindi ko kinuwestiyon ang ginagawa niya, alam ko namang marunong siya, parte siya ng medical team ng Kristoff, hasa sa mga ganitong bagay kaya naman kahit hindi doctor ay ipagkakatiwala ko sa kanya ito. Sinimulan niya ang pagtahi, walang salita , hindi nagtanong at hindi nangamusta.

"Bakit mo ako tinulungan ?" tanong ko habang patuloy ang pagtatahi niya sa aking sugat.

"I'm just following the rules." mabilis niyang sagot.

Napangiti nalang ako sa sagot niya. As always, Kade Zegers. Rules and Regulations are more important than anything.

"Thank you." sagot ko nalang pero hindi na siya nagsalita.

Alam kong ang parating nasa isip niya ang ang manguna sa pwesto ngunit hindi niya rin maiiwasan na minsan ay naiisip niya parin ang tao sa paligid niya. Hindi ganung tao si Kade, hindi siya ganun kasama tulad ng naiisip ng iba. Matagal kaming nagkasama kaya naman kilala namin siya, hindi ko lang din maintindihan bakit nung mga nakaraang taon ay nagbago siya, siguro nga ay tama ang sinasabi nila na walang permanente sa mundo, lahat ay nagbabago, at ayun ang kaso ng kay Kade.

Matapos niyang tapalan ang sugat ko ay binigyan niya ako ng gamot at ininom ko iyon. Iniligpit niya ang mga kalat at mabilis na pumunta sa pinto.

"Salamat ulit Kade." sabi ko bago siya tuluyang maka-alis.

"Wag mo nalang sabihin na ako ang nagligtas sayo, patas na tayo." turan niya bago tuluyang lumabas ng clinic.

Napailing nalang ako at napangiti sa kanya. Iniligtas niya ang buhay ko sa kapahamakan, hindi ko inaasahan pero nagawa niya. May natitira paring awa sa puso niya pagdating sa amin.

Matapos ang ilang minuto ay mabilis akong bumalik sa dorm. Nandoon na ang lahat, naabutan ko si Cali na pinapagalitan si Chance at pinipingot pingot sa tenga.

"Paano kung hindi kita nakita hah ? Baka patay ka na ngayon ! Saan mo ba kase dinala yung kinuha mo hah ?" galit na sabi ni Cali kay Chance.

"Wala na nga kuya, itinapon ko na."

"Tinapon ? Bakit mo tinapon?"

"Wala naman kaseng kwenta yung laman eh."

Sa pagtatalo ng kapatid ay tila hindi na nila ako napansin, kaya naman umupo ako sa tabi ni Jett at laking gulat niya ng makita ako.

"DRACOO ? GEEZZ ! SAAN KA NANGGALING ? KANINA KA PA NAMIN HINAHANAP, ANONG NANGYARI SAYO ?" inalog alog niya ako, medyo nawala na ang pangpamanhid kaya naman nararamadaman ko na ang sakit sa likuran.

"Ouch !" daing ko at nakangiwing hinarap siya.

Saka niya lang napansin ang tahi ko sa likod.

"ANONG NANGYARI ? SAAN KA BA KASE NAGPUPUNTA HAH ? AT ANO YAN?" ang ingay niya, nakakainis lang.

"Sino gumamot sayo ?" tanong naman ni Hymn. Ngayon ay lahat na sila nasa akin ang atensyon.

"Draco.. Okay ka lang ba hah ?" si Cali na lumipat na sa tabi ko.

"Oo, okay lang ako. Okay na ako, tumigil na kayo pwede ? Ang iingay niyo. Matulog na tayo, anong oras na." sabi ko nalang at dumiretso sa walk in closet para kumuha ng damit at magbihis.

Panay ang tanong nila ngunit hindi ko na sinagot. Nalaman ko rin na hinanap ako nila Storm, nagpasalamat ako ngunit hindi man lang gumanti ng kahit anong reaksyon si Storm kundi tinalikuran lang ako, di rin maintindihan ang isang yun. Sa huli ay napagod narin sila kakatanong sakin at kay Chance kaya natulog na lang kami. Bago matulog ay tinignan ko pa si Kade, tulog na siya na parang walang nangyari. Kung sino pa ang nagligtas sakin ngayon ay siya pa ang hindi napansin ngayon. Ngayon ay naiisip kong malaki ang utang na loob ko sa kanya sa pagliligtas ng buhay ko, gayunpaman mas masaya kung babalik na siya sa dati, ang dating Kade na nakilala namin. Sana nga bumalik na siya.

Of The Shattered CompassWhere stories live. Discover now