SP 3

34K 509 10
                                        



S p e c i a l c h a p t e r 3










Halos mabaliw na si Benneth.









Alecz needs to talk to him immediately before his head explode.












Isang linggo na ang nakalipas, sinusubukan niyang kausapin ang asawa niya pero hindi siya nito binigyan ng pagkakataon, idagdag pang laging moody ang asawa niya. Its funny, but the way his wife treats him now pained his chest.










Its been a long time nang magtagal siya sa sarili nilang bahay, iniwan niya ang lahat ng gagawin sa opisina, ang mga bagong kliyente, at ang mga taong kailangan siya just to be at home and be with Alecz. Ngayon niya lang narealize na, masyado na siyang nalulunod sa trabaho at nakakalimutan niya ng isa siyang kasadong tao at may asawang buntis. Pero para naman sa kanila ang ginagawa niya, for Alecz, their unborn child, and the for the future ahead. But then, hindi niya nabalance, its even five months ago ng huli niya itong masamahan para magpacheck-up.






"Nagugutom ka ba? May gusto kang kainin?"











Pero hindi siya pinansin ni Alecz at patuloy lang ito sa paghalukay ng kung ano sa ref nila. His heart constricted. Alam niya kapag ganito ang asawa niya, naghahanap ito ng pagkain. Nagbuntong hininga siya, sinubukan niya ulit na makipagusap.









"Nagpacheck-up ka na ba ngayong buwan?"









Katulad ng inaasahan niya, hindi siya nito pinansin. Itinukod niya ang dalawang kamay sa mesa at pinakatitigan lang ang asawa niya, pagkuwan ay inihilamos niya iyon sa mukha.












"Talk to me, please?" He pleaded.










Sa wakas, nagangat sa kanya ng tingin si Alecz, tumigil ito sa ginagawa. "Diba dapat ay nasa opisina ka? Aning ginagawa mo dito?"








"Ayaw mo bang nandito ako?" Ohgod, don't you say yes Alecz.









Kumibit balikat lang ang asawa niya. "Hindi lang ako sanay na nandito ka."






Then it hit him.








Hindi na sanay ang asawa niya sa presensiya niya. That she's fine here without him.








Naitiklop niya ang nakangangang bibig at kinuyom ang mga kamay na nasa magkabilang gilid niya. "Hindi ako pumasok. I just wanna be with you."












Tumango lang si Alecz at umalis ng kusina. Wala man lang itong pakealam sa ginawa niyang effort. When Alecz is like this, he's starting to feel scared. Sinundan niya ang asawa at naabutan niya itong nakatalikod sa kanya at may kausap sa telepono.






"Brent? Ano? May nabili ka na?"








Kumunot ang nuo niya. Nagkakausap pa sila ni Brent? How come he doesn't even know? Nang matapos si Alecz sa kausap ay saka niya ito nilapitan.








"Sino iyon?"




"Si Brent lang."





"Si Brent lang?" Hindi siya makapaniwala. "Alam mong ayaw kong kinakausap mo siya."





"Bakit naman? Wala naman siyang ginawang masama sa atin."





"Basta, Alecz."








"May ipinabili lang ako, Okay? There's no need for you to be angry."










Sasabog na siya. "Huh? Bakit kailangan mong magpabili sa kanya? I'm here! I can buy you whatever you want!"










Pero hindi man lang kumipat ang aswa niya ng sumigaw siya.










"Siya ang bumibili ng mga pinaglilihi ko. Siya lang ang willing. Siya lang ang may alam."









"Pwede mo namang sabihin sa akin, hindi yung sa iba mo pa—"










"Bakit? Alam mo ba ang gusto kong kainin? Ibibili mo ba talaga ako?" Umismid si Alecz, gumuhit ang sakit sa mata. "Baka nga pagalitan mo lang ako at mainis ka o baka bumili ka nga pero napipilitan ka lang. So, si Brent na lang."












"I'm sorry." He suddenly blurt.


















***

ImperfectPiece

CBS#1: Taming Benneth (COMPLETE)Where stories live. Discover now