Chapter 10

40.2K 819 43
                                    



TAMING BENNETH
C H A P T E R - 10
Brownout.





Kasalukuyang nanunuod kami ngayon ni Benneth ng movie. Nakasandal siya sa sofa at ako naman ay nakaupo sa pagitan ng hita niya at nakasandal sa dibdib niya.


"Inaantok nako. Patayin na natin yan." Bulong niya sa likod ng tenga ko at isinubsob ang mukha niya sa leeg ko. Lalong humigpit ang kamay niya sa pagkakayapos sakin mula sa likod.



"Malapit nang matapos yan oh. Saglit na lang."


"Okay." Matamlay niyang sagot dahil sa antok.


Hindi ko alam kung bakit biglang tumaas ang balahibo ko nang maramdaman ko ang hininga niya sa leeg ko.

Hindi naman ako ganito dati ah?


Mayamaya lang ay naramdaman ko na ang bigat ni Benneth sa likod ko dahil nakayakap siya sa akin. Tinanggal ko nang dahan-dahan ang pagkakayakap niya sa akin, pero bigla siyang naalimpungatan at niyakap ako ng mahigpit.


"Wag mo akong iwan. Dito ka lang."


Hinaplos ko ang braso niya. "Dito lang ako, okay? Matutulog na tayo ha? Tayo na tayo." Malumanay kong paliwanag. Naramdaman ko siyang tumungo sa likod ko, tumayo na ako at tumayo na rin siya.

"Mauna ka na, susunod ako."


"Bakit? Saan ka pa pupunta?"

"Papatayin ko lang yung DVD Benneth." Ano bang nangyayari sa kumag nato? Para bang laging praning.

"Hihintayin na kita. Sabay na tayo."


Napailing na lang ako sa sinabi niya. Pinatay ko ang DVD at sabay kaming pumasok ng kwarto. Nang makahiga na kami ay biglang namatay ang buong ilaw. Jusko! Ano bang nangyayari? Takot pa naman ako sa dilim. Pakiramdam ko may dudukwal sakin mula sa likod.

Napasigaw ako at kinapa si Benneth. "Ben!"

"Nandito lang ako, relax Alecz." Niyakap niya ako.

"Ano bang nangyayari? Brownout? Pero condo unit ito! Dapat may generator sila!" Mabilis ang bawat salita ko dahil sa kaba.


"Hindi ko alam. Bababa na lang ako para tanungin kung ano ba yung nangyayari." Akmang bababa na siya ng kama.



"HA?! Iiwan mo 'ko rito?!" Sigaw ko. Hinablot ko ang braso niya para pigilan siya.

"Alecz, magkadikit lang tayo. Wag ka naman sumigaw."

"Alam mong takot ako sa ganito eh! Tapos iiwan mo ako ritong Hindot ka!"

"Edi tayong dalawa ang bababa."

"Oh, mas mabuti." Biglang bumaba ang volume ng boses ko. Mga 40 kanina tapos 12 na lang ngayon. Sa takot ko ba naman sa ganitong bagay. Bumangon kami at nakahawak ako sa basketball shorts niya dahil wala siyang pangitaas. "Magdamit ka nga! Bababa tayo, nakaganyan ka."

"Sus. Nakita na nga nila akong naka boxer lang eh."

Naningkit ang mata ko. "Gusto mong itulak kita, o magdadamit ka?"

"Madilim Alecz."

"ANG DAMI MONG PALUSOT! MAGDAMIT KA!"

"Tsk. Oo na nga."


Nang nakadamit na siya ay bumaba kami at pumunta sa lobby para tanungin kung ano nga ba ang nangyari at walang kailaw-ilaw.


"Konting pasensiya lang Sir, Ma'am. Brownout po, saka nagkaproblema kasi ang generators natin." Paliwanag ng receptionist.

"Sa bahay na lang tayo matulog." Suggest ko kay Benneth.

"Sa bahay niyo?"


"Oo, walang kuryente rito. Mainit, saka alam mo namang takot ako sa dilim."


"Okay."


Bumalik siya sa unit niya para kuhanin ang susi ng kotse ko. Nakakapit ako sa kanya papuntang parking dahil sa dilim kahit na may flashlight na dala si Ben. Pagkatapos niyang buhayin ang makina ng sasakyan ay dumiretso na kami sa bahay. Pagkarating namin ay si Yaya Vell ang nagbukas sa amin, tulog na raw kasi ang mga tao. Dumiretso kami sa kwarto ko.

"Dito tayo matutulog?"

"Ayaw mo? Don ka sa labas, tabi kayo ni Manong guard."

"Alecz."

"Malamang dito."

Bago kami mahiga ay hinubad niya muna ang t-shirt niya. Nang makahiga na kami ay iniangat niya ako at idinapa sa taas niya. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya.

"Oh, Bakit ganito? Saka mangangawit at mahihirapan ka. Ang bigat ko pa naman."

Hindi siya nagsalita at niyakap lang ako ng mahigpit pero hindi nakakasakal. Naririnig ko ang mabilis na tibok ng puso niya dahil sa pagkakadikit ng tenga sa dibdib niya. Pero bakit mabilis? Kinakabahan ba si Benneth?


Mayamaya ay nagsalita siya. "Lagi na lang akong napapraning. Ayaw kitang umalis sa tabi ko. Pakiramdam ko kasi aalis ka na lang bigla. Pero hindi pwede. Iwan na 'ko nang lahat wag lang ikaw Alecz. Wag lang ikaw." Inaantok niyang sabi.

"Hindi Benneth. Dito lang ako."

Pero hindi rin ako magtatagal.


***

ImperfectPiece

CBS#1: Taming Benneth (COMPLETE)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora