Chapter 33

33.5K 499 13
                                    







TAMING BENNETH
C H A P T E R - 33
Whom.





Gumising ako ng may ngiti sa labi.







Napakaganda ng araw ko. Naguumapaw ang sayang nararamdaman ko. Hindi ko maipaliwanag, ganito ba talaga? Kapag nalaman mong mahal ka rin ng taong minamahal mo, ganito ba talaga?






Pero may mga pero pa rin. Mga perong kailan ma'y hindi dapat na iwasan at kailangang harapin. Mga perong hahadlang at hahadlang. Pero magpapaapekto pa ba ako? Ngayong alam kong mahal rin ako ng mahal ko?






Habang naghahanda ako para pumasok na, narinig kong may sasakyang dumating. Agad akong sumilip sa bintana at nakita ko ang sasakyan ni Benneth at Bret! Kasunod noon ang pagsigaw ni Papa mula sa baba. Sinasabing may sumusundo raw sa akin.






Agad akong nagmadali at bumaba. Nang bumaba ako ay nakita ko ang dalawa na nakatutok ang mga mata sa akin. Mula ulo hanggang paa. Agad na humigpit ang panga ni Benneth at si Bret ay ngumiti lang. Hindi ako tuluyang tunapos ang hagdan at nakatayo lang sa pinakadulong baitang. Hindi ko alam kung sino ang una kong lalapitan kapag bumaba ako.






"Tara na?" Nakangiti si Bret ng alukin ako. Tinignan ko siya at ngumiti. Ututuloy ko na sana ang pagbaba, pero nasa ere pa lang ang paa ko at ihahakbang ko pa lang ng biglang mapasigaw ako dahil sa lumutang na lang ako bigla sa ere.





"Ano ba?!" Napakabilis ng lakad ni Benneth palabas ng bahay namin. Para bang isa lang akong papel kung buhatin niya.





"Bye Tito!" Iyon lang ang isinigaw niya at kumaway sa likod niya bago ako ipasok sa loob ng kotse niya.






Kunot-noo ko siyang tinignan ng makapasok siya sa loob. Nagmamadali siyang nagmaneobra habang mahigpit ang kapit sa manibela. "Anong problema mo?"




"Wala."


"Wala? Eh bakit ka ganyan?"



Saglit niya akong sinulyapan. "Anong ganyan?" Tinignan niya ang sarili. "Ganito?"



"Oo, ganyan." Nginuso ko siya at pagkatapos ay tumingin sa ibang direksyon. "Sinasaltik."


"Hindi ako sinasaltik. Wala akong ganoon." Pikon.


"Sakit mo iyon Benneth. Kabisado kit--"

"Syempre. Mahal mo ko eh."





Natahimik ako at namula. Bumilis ang tibok ng puso ko at pakiramdam ko ay nagiinit ang buo kong mukha. Napangiti ako habang nakatingin sa mga dinaraan namin, masarap palang marinig mula sa kanya na alam niyang mahal ko siya. At alam ko ring mahal niya ako. Nang sulyapan ko siya pagkuwan ay kinindatan lang ako ng mokong.






Malapit na kami sa uni ng marinig kong magring ang cellphone ni Benneth. Hinayaan ko na lang iyon dahil sa may kung ano akong hinahanap sa bag ko. Nakita ko sa gilid ng aking mata na sinagot niya ang tawag pero pinakikinggan niya lang ito at hindi nagsasalita. Unti-unting bumabagal ang takbo ng kotse at nagiiba na ang tinatahak naming ruta. Napansin kong nataranta siya pagkatapos niyang ibaba ang tawag.






"Saan tayo papunta? Hindi ito 'yung daan papun---"






Itinigil niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada at tumulala lang. Hindi ko maintindihan kung ano ba ang nangyayari sa kanya kaya hinawakan ko ang mukha niya at iniharap sa akin. Pinakatitigan niya ako, at hindi ko alam kung bakit takot ang nakikita ko sa mga mata niya.





"Why Ben?"



Kinagat niya ang labi. Yumuko siya ay mahigpit niyang hinawakan ang kamay kong nakahawak sa kanyang mukha. "Don't leave me, no matter what."






Nagtataka ko siyang tinignan. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya, gusto ko siyang tanungin pero alam kong hindi bagay para magtanong sa oras na 'to. Pinaharururot niya ang kotse at huminto kami sa harap ng isang ospital.




Tinignan ko ng maigi ang ospital, bakit naman kami pupunta rito? Wala namang may sakit sa amin o kailangang magamot. Napatingin ako sa aking kamay dahil sa higpit ng hawak ni Benneth doon. Hindi siya mapakali at parang hindi niya alam ang gagawin.



"Bakit tayo nandito?"




Hindi niya ako sinagot. Hindi pa rin kami bumababa at nasa loob pa rin kami ng kotse.


"Sino ang pinunta natin dito?"



Naramdaman kong nanigas siya sa tanong ko. Pinakatitigan ko siya ng maigi at alam kong may kinalaman ang ipinunta namin dito sa kung ano man ang ikinikilos niya.




Sino nga ba talaga ang nandito?


***

ImperfectPiece

CBS#1: Taming Benneth (COMPLETE)Where stories live. Discover now