TAMING BENNETH
C H A P T E R -14
Selos.
Pangatlong araw ko na ngayon sa isang linggong pangako ko kay Benneth. Kasalukuyan akong nasa huli ko nang klase at tulad ng hinihintay nang lahat ay hinihintay ko rin ang bell.
Yung grupong inayawan ko kagabi ay inalis na talaga ako, syempre gagawa ako nang magisa kaya nagmamadali akong umuwi para masimulan ko na agad. Hinihintay ako ni Benneth sa labas dahil susunduin niya ako, medyo kasi magkalapit lang ang uwian naming dalawa ngayong araw.
Nang marinig ko ang hudyat ng uwian ay para akong si lastik man sa bilis makalabas ng room. Kalalabas ko lang ng room at nagmamadaling naglalakad dahil nagaalburuto na sa kakahintay iyong si ungas sa labas nang may marinig akong may tumawag sa pangalan ko.
"Alecz!" Hinihingal pa si Oliver nang makarating siya sa harapan ko.
"Oh, bakit?" Nagtataka kong tanong. Ano kayang kailangan nito? Kagrupo ko dapat siya sa group project.
"Umalis ka raw sa grupo?"
"Uh, oo. Bakit?"
"Umalis na rin kasi ako eh. Hindi ko kasi sila maintindihan, papalit-palit sila nang plan."
"Kaya nga ako umalis dahil din 'don. Hindi tayo makakagawa kung ang utak ng leader natin ay bulok. So, ano ang kailangan mo?"
"G-gusto mo bang... kahit na tayo na lang dalawa? Partner para sa project I mean. tulungan tayo? Ku-kung ayos lang sayo."
"Osige ba. Tara na!" May naalala ako. "Pero may sundo ako ngayon."
"Edi sa inyo na lang tayo gumawa, tapos materials mo muna ang gamitin natin. Magbabayad na lang ako."
Pero... sa unit ni Benneth ako uuwi. Paano 'to? Bahala na nga. "Sige, tara."
Naglalakad pa lang kami papuntang parking lot ng school nakikita ko na ang lukot na pagmumukha ni Benneth sa sasabihin ko. Nagtama agad ang mga mata namin ng malapit na kami ni Oliver sa kinatatayuan niya. Nang lumipat ang tingin niya kay Oliver ay nagsimula nang mangunot ang nuo niya.
"Bakit ang tagal mo?" Tanong niya ng magkaharap na kami.
"Hoy, kakabell pa lang." Pinaningkitan ko siya ng mata.
"Sino 'to?" Dinuro niya si Oliver.
"Ah, diba umalis ako sa grupo ko, umalis rin siya. Siya si Oliver." Pagpapakilala ko kay Benneth. "At Oliver, siya naman si Benneth. Kaib--"
"Boyfriend niya." Sabat ni Benneth.
Boyfriend huh? Napailing na lang ako.
Nagtanguan lang naman silang dalawa. "Kakasabi ko lang na umalis din siya, kami na lang ang partner. At gagawa kami ngayon."
"Sa unit ko?" Tinaasan ako ng kilay ni Hindot.
"Ayaw mo? Okay. Sa bahay na lang namin, hindi muna ako pupunta sa unit mo. Babye--"
"Sa unit ko na." Mabilis niyang sagot.
"Okay. Tara na."
Habang nasa sasakyan kami kanina ay pareho kaming nasa likod ni Oliver umupo at si Benneth ang driver. Panay ang irap niya sakin sa salamin kapag nagkakatinginan kami doon. Hindi ko malaman kung tunay ba itong lalaki eh.
Kasalukuyan na kaming gumagawa nang project at nakakalahati na agad kami, matalino talaga kasi itong si Oliver. Si Benneth naman ay panay ang estorbo sa amin.
"Alecz, nagugutom na ako." Ayan na naman siya.
Tutal ay kanina pa kami rito, at siguro ay pagod na si Benneth kakagawa nang paraan para maestorbo kami ay nagutom na siya.
"Sige, kain na tayo. Tara Oliver, bukas na natin tapusin 'to gabi na oh."
"Sige." Tahimik lang itong si Oliver, medyo nerd type dahil nga matalino siya pero may kagwapuhan rin.
Magkatabi kami ni Benneth na kumakain habang si Oliver ay kaharap namin. Napapansin kong grabe kung makatitig itong si Benneth kay Oliver kaya kinurot ko ang hita niya sa ilalim nang mesa.
"Aww!" Pinanlakihan ko siya ng mata kaya umakto siyang parang wala lang.
"Uuwi na ako Alecz, salamat sa pagkain ang sarap mo palang magluto. Bukas na lang natin tapusin ang project."
"Naku, nambola ka pa. Saka salamat pala ha? Para ngang wala akong ginawa eh, ikaw lahat. Ingat ka sa paguwi."
"Ingat ka sa paguwi. Nyenye." Narinig kong bubulong-bulong si Benneth.
"Sige, salamat ulit." Nakangiti lumabas si Oliver nang bahay unit.
Nang maisara ko na ang pinto ay agad kong hinarap si Benneth. 'Ano bang problema mo?" Tanong ko kay kumag.
Nakaupo siya sa sofa habang hawak na naman niya ang cellphone niya.
"Wala." Sagot niya pagkatapos ay nagwalk-out papasok nang kwarto.
Kita niyo yon! Ang sarap talaga batukan! Hindi ko talaga maintindihan ang pagiisip nitong lalaking 'to. May pawalk-out walk-out kang nalalaman ngayon ha? Sige, tignan natin. Alam kong kanina pa iyon nabwebwesit kay Oliver sa di ko malamang dahilan, at ngayon ay inaantok na na iyon. Humiga ako sa sofa sa sala at tinext si Dad. Isesend ko na sana ang message nang biglang bumukas ang pinto niya.
"Alecz."
"Oh." Nakatingin pa rin ako sa cellphone ko.
"Inaantok na 'ko."
"Ano ngayon?" Tinignan ko siya. "Bakit ka ganon kay Oliver, wala namang ginawa yung tao. Pasalamat nga ako eh nagoffer siyang maging partner ko."
"Bakit? Kaya ko rin namang gawin 'yon ah!"
"Ikaw? Eh batugan ka nga sa project mo. Sino ba ang huling gumawa ng project mo? Diba ako?" lalong nangunot ang nuo niya.
"Eh bakit kailangan siya? Pwede namang iba na lang! Bakit sinama mo siya rito! Tapos lagi kayong magkadikit! May gusto sayo 'yon 'no?!" Bakit sumisigaw na 'to?
"Wala nang ibang pwede kong makapartner, kung may partnet edi mas madali. Sinabi ko ng sa bahay na lang kami gagawa ang sabi mo dito na lang--"
"Baka kasi kung ano ang gawin niyo!" Sabat niya.
"Jusko naman Benneth! Nagmagandang loob lang 'yong tao! Tinulungan na nga ako. Ano bang kinagagalit mo diyan?!"
"KASI NAGSESELOS AKO!" Sigaw niya sabay pasok sa loob ng kwarto niya.
Sabi na nga ba.
***
ImperfectPiece
KAMU SEDANG MEMBACA
CBS#1: Taming Benneth (COMPLETE)
Fiksi UmumClingy Boys Series#1: Taming Benneth Sabihin na nating hindi normal ang pagsasama nila. Engage sa harap ng iba, palabas lamang para sa kanilang dalawa. Pero papaano kung ang set-up ni Aleczandra Theresa Samson Monterde kasama ang isang isip-bata...
