Chapter 29

34.5K 594 33
                                    


TAMING BENNETH
C H A P T E R - 29
Back.








Nakita ko na lang ang sarili ko na nakatayo sa harapan ng pinto ni Benneth.








Nagtatalo ang utak ko kung papasok ba ako o tatakbo at sumakay ng elevator pababa at umuwi na lang. Para bang nakalunok ako ng malaking bato at nalipat sa akin ang buong bigat kaya hindi ako makagalaw at parang natulos sa kinatatayuan ko. Naramdaman kong humigpit ang kapit ni Benneth sa kamay ko at siya na mismo ang humakbang para buksan ang pinto ni unit niya.





Nang pumasok ako ay para bang sinampal ako ng mga alaalang kasama ko pa si Benneth. Na nandito ako ulit kung saan may alaala kami. Kung saan nakasama ko siya. Kung saan maayos pa ang lahat. Tinignan ko ang buong bahay niya at kung paano ko iniwan ang bahay sa mismong ayos ay ganon pa rin ito ngayon. Pero lumaylay ang balikat ko ng makita kong nakatumba ang frame ng litrato naming dalawa sa center table.





Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin.


Napapikit ako dahil sa tahimik ng paligid namin. Sa tunog ng puso niya. Sa init ng katawan niya. Sa amoy niyang lagi kong hinahanap. Sa dahil sa presensiya niya. Para bang kaya kong magtagal ng kahit na ilang araw sa ganitong pwesto, na kahit na ganito lang hindi ko gugustuhing bumitaw at iindahin ko ang ngawit para sa kanya. Dahil para sa akin, ito na ang pinakakomportableng pwesto. Ang mapaloob sa yakap niya.




Naramdaman kong inamoy niya ang buhok ko. Napatawa siya ng bahagya. "Ito na din ang shampoo ko eh."







Napangiti ako. Naalala ko dati, tinanong niya ako kung ano ba ang shampoo ko. Mabango daw iyon at bagay daw sa akin ang amoy. Nang malaman niyang strawberry ang scent ng shampoo ko ay strawberry scent ang binili niyang air freshener ng kotse niya nung naggogrocery kami.







Katahimikan.



Nakuntento lang kami sa pwesto namin. Lalong humigpit ang yakap niya na para bang makakawala pa ako. Na para bang takot siyang mawala ako. Sana nga ay ganoon. Sana nga ay takot siyang mawala ako katulad ng takot ko kapag nawala siya.



"Kamusta?"




"I missed you so much, Alecz." Napasinghap ako ng lalo pang humigpit ang yakap niya. "So much that it hurts."



Isiniksik niya ang mukha sa leeg ko. Hinaplos ko ang buhok niya katulad ng gusto niya. "Shhhh..."




Pagkuwan ay binitawan niya ako at pinakatitigan. Lumamlam ang kislap ng mga mata niya at hindi ko alam kung bakit may sakit akong nakikita doon. Hinaplos ko ang mukha niya at tinignan na para bang kinakabisado ko ang bawat kurba 'non. Mula sa makinis niyang nuo, sa makakapal niyang kilay, sa mata niyang malatsokolate at mahahaba niyang pilikmata, sa ilong niyang matangos, sa pisngi niyang mamula-mula, sa labi niyang manipis, sa panga niyang perpekto. Sino nga ba ang hindi mahuhumaling sa ganito?




Bumalik ang mgamata ko sa mga mata niyang nakatitig sa akin. Tumibok ng napakabilis ang puso ko at alam kong sa kanya lang ito ganito. Sa kanya lang dahil siya lang ang mahal ko. Si Benneth lang. Kung sana ay ganoon lang kadaling sabihin sa kanya. Na mahal ko siya. Pero hindi ko magawa. Hindi ko magawa dahil hindi pepwede.





Nawala lahat ng agam-agam ko at lahat ng iniisip ko ng ilapat niya ang labi sa labi ko. At pakiramdam ko sa mga oras na 'to ay huminto ang mundo ko at tanging pagtibok lang ng puso at bugso ng damdamin ko ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay lumulutang ako at parang anomang oras ay matutumaba ako kaya napahawak ako sa balikat ni Benneth.






Namalayan ko na lang na nakasandal na ako sa pinto ng kwarto niya habang patuloy niya pa rin akong hinahalikan. Nang hindi ko pa rin sinasagot ang halik niya ay bahagya niyang inilayo ang labi niya sa akin, pero magkadikit pa rin iyon. Nahugot ko ang malalim kong hininga, pakiramdam ko ay hinihinga ko na rin ang hininga niya.





"Kiss me."






Hindi nako nagdalawang isip pa. Hinawakan ko ang likod ng ulo niya at tumingkayad. Ibinuhos ko sa pamamagitan ng halik ang nararamdaman ko para sa kanya.




Ibinuhos ko lahat ng pagmamahal ko sa pamamagitan ng halik. At dahil sa naibuhos ko na lahat at gusto kong maramdaman niya iyon ay nasabi ko ang hindi dapat.




"I love you, Ben."



Napatigil siya at tinignan ako ng may pagtataka. Alam kong hindi pwede pero hindi ko na kaya pa. Mas mabuti ng sabihin ko hindi ba? Hindi na ako nagtagal pa at lumabas habang tumulo ang luha ko ng umiling siya.




***

ImperfectPiece

CBS#1: Taming Benneth (COMPLETE)Where stories live. Discover now