Chapter 36

31.5K 489 14
                                    




TAMING BENNETH
C H A P T E R - 36
Decision.











"Alecz! Alecz!"












Agad na nagmulat ang aking mata, sunod ay agad ko ring nasilayan ang kanyang mukha. Napabalikwas ako at naupo, tinitigan ko ng mabuti ang kanyang itsura. Sinisigurado kung siya ba talaga ang kaharap ko.





"Panaginip lang pala..."








Huminga siya ng malalim at hinawakan ang dibdib, nagaalala niya akong tinignan. "Akala ko may kung ano na ang nangyayari sayo."







Ngumiti ako at niyakap siya. Bago ko ihilig ang aking ulo sa kanyang dibdib ay nakita ko sa mukha niya ang pagtataka pero sinuklian niya rin ang aking yakap. "Nanaginip ako."







Hinaplos haplos niya ang aking buhok at inamoy. Bahagya niya akong iniangat at inilagay sa kanyang kandungan at doon ako naupo. "Ano naman ang napaginipan mo? Nandoon ba ako?"











Hindi ko agarang sinagot ang kanyang tanong. Iniisip ko pa rin ang mga nangyari sa panaginip ko at higit sa lahat, bakit nandoon ang sobre? Pagkuwan ay sumagot rin ako. "Nandoon ka. Tayong dalawa lang."




"Hmmm? Tapos?"







"Sinaktan mo ako."






Natigil ang paghaplos niya sa buhok ko at bahagya akong inilayo sa kanya. "Sinaktan kita?"








Tumango ako at itinutok ang mga mata sa kanyang mata. Kahit kailan, hindi ko nanaising makita ang galit na nakita ko sa mga mata ni Benneth katulad ng sa panaginip ko. Pero alam ko, hinding hindi niya ako kayang saktan.











Niyaka akong muli at pagkatapos ay nahiga siya kasama ako. Ikinulong nia ako sa kanyang yakap. Napapikit ako dahil sa napakapayapang aura ng paligid. Isiniksik ko ang aking sarili kay Benneth, at pinakinggan ang tibok ng puso niya kasabay 'yon ng pagtibok rin ng puso ko. Pakiramdam ko ay iisa lang ang ritmo noon, ritmo lang naming dalawa.








"It was just a dream. Alam mong hindi kita kayang saktan. Hinding hindi ko gagawin 'yon."




"Alam ko Ben. Alam ko."





Gumalaw siya at pumaibabaw sa akin, gamit ang dalawang siko sa magkabilang ulo ko ay binalanse niya ang bigat para hindi ako madaganan. Inilapit niya ang mukha sa akin at katulad ng inaasahan, nagtatambol na naman ang puso ko. Bumilis ang ritmo noon sa parang masarap sa pakiramdam, dahil alam kong ganito lang ang ritmo ng puso ko dahil kay Benneth.






"What would I be without you?"






Hinawakan ko ang mukha niya at tinanong rin pabalik ang tanong niya. "What would I be without you?"





"You can be everything without me, Alecz.





"You're my everything."




Nakita ko ang pagkislap ng mata niya, kislap na sana ay hindi maglaho. Kislap na sana ay lagi kong makita.




"I love you Alecz. So damn much."






Nang dumampi ang labi niya sa labi ko ay kasabay ng pagkain ng kalungkutan sa sayang nararamdaman ko. Kasabay noon ang pananabik. Kasabay noon ang pagsulit sa oras na ito.






Ibinalik ko ang intensidad ng halik niya. Ipinaramdam kong, mahal ko rin siya, gusto kong maramdaman niya iyon at wag kalilimutan.







Masama bang humingi ng kaunting panahon man lang kasama siya?





Sabi nila, kapag nagdesisyon ka dapat na isaalang alang mo rin ang kapakanan ng iba. Dapat para sa lahat. Iwasan mo ang maging makasarili. Pero, bawal bang isipin mo rin ang ikakabuti mo? Ang sarili mo lang?



Pwede naman siguro hindi ba? Kahit na minsan lang?






***

ImperfectPiece

CBS#1: Taming Benneth (COMPLETE)On viuen les histories. Descobreix ara