Chapter 50

36.6K 568 6
                                    


TAMING BENNETH
C H A P T E R - 50
The plan to forever.













Isang linggo matapos naming malaman ni Benneth na nagbunga pala ang namagitan sa amin, nagpasya kaming bumalik ulit ng Pilipinas. Bibitawan ko muna ang pagmamasteral, kahit anong oras naman ay pupwede akong magaral ulit. Pero magiging ina na ako, gusto kong maging isang mabuting ina.








Nakaupo ako sa gilid ng bintana ng eroplano, nangingiti habang naaalala ang mga naging eksena matapos kong sabihing positive ang resulta ng pregnancy kit.













"P-Positive." Nagtataka kong tinignan si Benneth. Kalaki niyang tao pero eto siya at umiiyak sa harapan ko habang nakayuko. "Huy. Bakit ka umiiyak diyan?" Nilapitan ko siya at tiningala, hinawakan ko ang kanyang balikat at hinaplosang kanyang buhok.






Nang magangat siya ng tingin ay namumula ang kanyang mata. "I'm going to be a dad, Alecz..."







Patuloy kong hinaplos haplos ang kanyang buhok. Pinunasan ko ang basa niyang dibdib sa pawis. "Oh. Ayaw mo ba 'non?"






"Of couse I am! I'm just so happy. I can't believe it." Niyakap niya ako, yumukod siya ng kaunti at isiniksik ang kanyang mukha sa aking leeg.







"Asus, I can't believe it ka jan. Halos araw-arawin mo nga ako. Plinano mo 'to ano? Kunwari ka pa."







Tumawa siya pagkuwan. Hinampas ko ng mahina ang kanyang balikat. "Para akin ka na." Lumambing ang kanyang boses habang sumisinok.





"Iyo naman talaga ako."




"Pero may Bret ka pa rin."




"Naglalambing ba si Damulag?"







Ikiniskis niya ang ilong sa aking balat. Pakiramdam ko ay may dumaloy na kuryente sa aking katawan, inaangat ko ang ulo niya. Ngumuso ako na parang humuhingi ng halik, gumaya rin siya at ngumuso sa akin. Ilang pulgada na lang ang kanyang labi nv bigla kong dilaan ang panga niya pataas sa kanyang pisngi.




"Yuck si Mommy!"










"By? Wanna eat something?"







Bumalik sa kasalukuyan ang aking isip ng biglang tanungin ako ni Benneth. May hawak siyang tray na may iba't ibang mga pagkaing nakalagay. Saan niya naman kinuha iyon? Nagisip ako at pinakiramdaman ang sarili, parang biglang gusto kong kumain ng corned cheese.





"Gusto ko ng corned ch---"

"Ahm sir? May kailangan pa po ba kayo?"





Biglang sumingit sa amin ang isanv stewardess, kanina ko pa napapansin na pabalik balik 'to dito eh. Tinaasan ko ito ng kilay ng makita kong iba kung tumingin ang babae kay Benneth, nang ilipat ko naman ang mata kay Benneth ay nakatingin siya sa akin at mukhag hinihintay ang naudlot kong sagot sa kanya at hindi pinansin ang babae. Muli kong ibinalik ang mata sa babae.




"Wala naman Miss. Ikaw ba? May kailangan ka?"




Namula naman ang mukha niya nang makita niyang sa kanya ako nakatingin, nahiya siguro. Aba naman kasi, tinitignan ang pagmamay-ari ko, sinong hindi kukulo ang dugo? Dapat dito kay Benneth sinisilid sa maleta eh, para walang makakitang iba.




"A-Ah. Sige 'ho ma'am. Enjoy your ride."




"Maeenjoy ko talaga kapag hindi ka pa umalis sa harap ko." Dali-daling umalis ang babae. "Try mong dumaan pa." Bulong ko, habang habol ng tingin.








"Si Mommy, ang sungit." Dahan dahan akong pinatayo ni Benneth at pinaupo sa kanyang kandungan.






"Paano, ang lagkit ng titig sayo. Alam mo ba? Kanina pa 'yon daan ng daan dit---"





"Shhhh..." Inihilig niya ang aking ulo sa kanyang balikat.







Tumahimik ako at sumimangot. "Sayo lang naman ako. Sa inyo lang ako ni Baby."






Humikab ako. "Pagdating natin... deretso na tayong simbahan."






Gumalaw ang kanyang dibdib dahil sa pagtawa. "Hindi ka na ba makakapagantay?"






"Hindi na. Para wala nang dumikit sayo."







"Ikaw lang ang gusto kong dumidikit sa akin. Noon, hanggang ngayon. Ikaw lang." Pumikit ako dahil sa matinding pagkaantok. Naramdaman kong ipinasok niya ang kamay sa aking damit at hinaplos haplos ang aking tiyan. "Just wait and you'll be Mrs. Jordan in a couple of hours." Bumuntong hininga siya at inihilig ang ulo sa aking nuo







Isiniksik ko ang mukha sa kanyang leeg. "Ang baho mo naman..." Inaantok kong reklamo.






Tinawanan lang ako ni Daddy.






***

ImperfectPiece






CBS#1: Taming Benneth (COMPLETE)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora