Chapter 20

38K 617 33
                                    

TAMING BENNETH
C H A P T E R - 20
Hit.







Lahat ay may hangganan. Walang permanente at tanging pagbabago lang hindi magbabago.




Alam niyo ba? Tawang-tawa talaga ako sa mga magkasintahan dati, 'cause I found them so corny. I don't believe on those things. May magloloko at magloloko rin kaya hindi rin kayo magtatagal. Nakakahanga nga naman kung paano iplano ni Tadhana ang buhay mo, kung paano niya naisagawa ang bawat galaw at ganap. Kung paano niya gawing komplekado ang lahat.



Bakit nga ba naging parte ng buhay ko si Benneth? May dahilan ba? May rason ba? Ito na ba iyon? Siya ba yung rason para maramdaman ko ang bigat sa dibdib ko? Para maramdaman ko ang sakit na 'to? Para saktan ako? Bakit ba kailangan pang ipagtagpo ang dalawa kung hindi rin naman pala sila para sa isa't-isa? Kung sana ay nakikita lang ang magaganap. Kung sana nakikita ko ang hinaharap. Edi sana naagapan ko. Sana hindi ako ganito.








Pero nandito na tayo. Hindi na mababalik pa ang nangyari na. Wala namang gamot para mawala ang pagmamahal hindi ba? Kung meron man siguro, bilyonaryo na ang nakagawa non. Syempre, ayoko namang magmukhang tanga sa harap niya. Ayoko namang ipakitang apektado ako. Over my beautiful and sexy body.







Pumasok ako na parang isang normal na araw lang. Minus Benneth. But still, everything seems so incomplete. Nagtataka kong tinignan ang kinatatayuan ko, bakit ako nasa parking lot? Hindi ko alam na, tinatahak ko na pala ang daan papunta rito ng mapansin ko na lang ang mga kotse. Napabuntong hininga ako, nasanay kasi aking lagi siyang hintayin rito kapag tapos na ang klase ko. Napailing ako sa katangahan ko. Ihahakbang ko na sana ang mga paa ko para umalis doon ng mahagip ng mata ko ang kotse ni Benneth.







It was him hugged by Ayola. He's been waiting Ayola and not me anymore.  He's been with Ayola now and not me anymore.






Napayuko ako. I though, I can handle it. But the truth is, I can't. I can't stand seeing him with other girl. Pakiramdam ko ay pilit na hinuhugot ang puso ko. Pakiramdam ko ay inapakan iyon ni Benneth. Siya mismo. Nakatayo pa rin ako doon, at nang maramdaman kong nagbabanta ng umalpas ang luha ko ay dire-diretso lang akong naglakad.







Oo. Hindi niya naman alam kung ano ng nararamdaman ko. Pero, mali bang makaramdam ng poot na pagkatapos ng lahat ay ganito na lang? Na para bang bago niya lang akong kapitbahay? Na para bang wala lang ako? Na pinalitan niya agad ang pwesto ko? Hindi man lang ba ako nagkapuwang sa puso niya? Ang sabi niya, wag ko siyang iiwan. Wag na wag ko siyang iiwan dahil hindi niya alam ang gagawin niya. Iwan na siya ng lahat wag lang ako.






Pero anong nangyari Benneth?






Dire-diretso akong naglalakad ng mabilis habang nakayuko. Nang lumiko ako ay saka lang ako nagangat ng ulo, nasilaw ako sa ilaw na nasa harapan ko. Nang maging malinaw sa mata kong papalapit iyong sasakyan ay nanlaki na lang ang mata ko at hindi na nakagalaw pa.







Then the car hit me.




"Alecz!"








***

ImperfectPiece

CBS#1: Taming Benneth (COMPLETE)Where stories live. Discover now