SP 1

38.7K 507 6
                                    



S p e c i a l c h a p t e r 1







"Ano 'to?"







"Mamaya na 'yan sweetheart, okay?"








Sa pitong buwan ni Benneth bilang architect, akalain mo ba namang sikat na ito sa larangan na iyon? Eto nga't nagkalat ang bahay nila dahil sa mga nagkalat na papel, may kung ano kasi itong dinodrawing. Minsan, nagtatampo na siya. Isang beses na nga lang sa isang linggo ito hindi nagtatrabaho ay trabaho pa rin naman ang inaatupag nito maging sa bahay nila. May kumpanya naman sina Tita Bon, kaso nga lang ay ayaw raw munang magtrabaho doon ni Benneth, gusto niya raw muna na magsikap ng sa sarili niya para sa amin.












Ako, hindi ko na rin maaantay pang lumabas ang baby namin. Gusto ko na rin siyang makita, gusto kong makita kung gaano siya kagwapo, kung saan ba nagmana ang parte ng kanyang mukha. Kinakabahan ako, siguro naman normal na bagay lang iyon dahil sa unang beses ko ito. Pero kahit na ganoon pa man, laging nasa tabi ko lang si Benneth para alisin ang mga takot at pangamba ko.








Iniwan ko siya at nagpunta ng kusina para maghanap ng makakain. May gusto akong kainin, pero hindi ko naman matukoy kung ano. Kung minsan nga, dahil sa ganoon din ang nangyari sa akin sa disoras ng gabi ay umiyak ako. Hindi ko alam, may gustong gusto talaga akong kainin, pero hindi ko naman alam kung ano. Nanghalukay ako ng ref, gusto kong kumain ng maalat na may pagkamatamis na mapait tapos may cheese ngayon. Gusto ko ngang magpabili sana kay Benneth kaso, busy naman ang mokong.








Inabot nako ng kalahating oras at natikman ko na lahat ng pagkain namin sa ref pero hindi ko pa rin makuha ang gusto kong pagkain. Nagpasya akong puntahan si Benneth para sabihin ang gusto kong pagkain pero naabutan kong nakahilata na siya sa kama.






"Ben?" Hinaplos haplos ko ang kanyang buhok ng lapitan ko siya at umupo sa gilid niya.







"Hmmmn..."








"May gusto akong kaininin, ibili mo naman ako." Hindi siya kumibo kaya bahagya ko siyang niyugyog. "Ben? Gusto ko sanang magpabali." Niyugyog ko siya ulit pero mas malakas kaysa sa nauna. "Ben? Ibili mo naman ako—"








Bigla itong umupo at inis na isinuklay ang kamay sa buhok. "Ano na naman? Patulugin mo naman ako."









Napanganga ako at napalunok habang nakatingin sa kanya. Kinurap ko ang mga mata dahil sa pakiramdam ko ay nagiinit ang mga sulok 'non. Nang tumango ako sa kanya ay humiga ito ulit pero ngayon ay patalikod sa akin.










Ipinahid ko ang butil ng luha na umigpas sa aking mata. Gusto ko lang naman sanang maglambing, namimiss ko na siya. Lagi na lang na umuuwi siyang tulog na ako, kapag naman nagising ako ay nakaalis na siya. Humiga na lang ako sa kaninang pwesto niya, nakaharap ang likod niya sa akin.








Hindi ko mapigilan ang tuloy tuloy na paglabas ng luha ko, siguro dahil sa pagbubuntis ko lang ito. Gusto siyang yakapin dahil hinahanap hanap ko ang amoy niya pero pinigilan ko ang sarili dahil baka lalo siyang magalit. Mga ilang minuto lang ay tumayo rin ako dahil sa alam kong hindi ako makakatulog dahil sa may hinahanap ang panlasa ko. Nagsuot ako ng jacket, ako na lang siguro ang bibili.











May bukas pa kayang grocery store ng 12:30 ng gabi?











***

ImperfectPiece

CBS#1: Taming Benneth (COMPLETE)Where stories live. Discover now